Chapter 12

1.2K 34 3
                                    

fritz_chan thank you sa pag babasa ng story ko. This chapter is for you. 😊😊

GABRIEL

Nagising akong nakayakap parin sa akin si Georgina. Tulog na tulog parin ito. She looks peaceful. Napangiti ako habang tinititigan sya.

"Wake up babe." Bulong ko dito habang inipit sa tenga nya ang nagkalat nyang buhok. Pero umungot lang ito at isinubsob ang mukha nito sa leeg ko. Bahagya akong natawa sa ginawa nya.

"Im goin to cook, matulog ka lang dyan okay?" Tumango ito kahit nakapikit parin.

Inangat ko ang ulo nito at ipinatong sa unan at tinakpan ang hubad nyang katawan bago tumayo sa kama. Dinampot ko ang mga damit na nagkalat sa sahig at tinupi ito at pinatong sa sofa. Nagbihis ako at hinalikan sa ulo ang tulog na si Georgina bago tuluyang lumabas ng silid.

Halos patapos na rin ako maghain ng pagkaen ng makita ko si Georgina na nakasandal sa pinto. Bagong ligo ito at nakangiting nakatingin sa akin.

"Nandyan kana pala, lika kumain na tayo."  Hinatak ko ang upuan at hinintay syang lumapit. Pagkaupo nya ay umupo na rin ako at nilagyan sya ng pagkain sa plato. Masaya kaming nag aagahan ng may marinig kaming tao sa sala.

"Stay here babe titingnan ko lang sino yung dumating." Tumayo ako at papalabas pa lang ako ng kusina ay biglang lumitaw ang mga hindi familiar sakin na mga lalake. Napatayo si Georgina at lumapit sa akin.

"Anong ginagawa nyo dito magsi alis kayo-" natigilan sa pag sasalita ng biglang lumitaw ang isang matandang lalake na masama ang tingin sa amin. Napahawak sya sa damit ko ng makita nya ito.

"Kamusta ang suwail kong anak?" Walang emosyong sabi nito at tumingin ito sa akin na may masamang titig.

"Dad anong-" bago pa makapagsalita si Georgina ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya.

Namula ang pisngi ni Georgina agad ko itong itinago sa likod ko. "Hindi naman ho tama na saktan nyo ang anak nyo." Pangangatwira ko dito habang nakatitig sa mga mata nya. Bakas sa mga mata nito ang galit at pagkadismaya.

"Anong karapatan mong sabihin sakin yan? Ikaw ang dahilan bakit lalong hindi ako sinunod ng anak ko!" Galit nitong salita habang nakahawak sa kwelyo ng damit ko. Nagbago ang kulay ng mata nya katulad ng kay Georgina.

Hinatak ako nito palayo kay Georgina at hinagis papunta sa mga tauhan nya.

"Dad please wag si Gabriel, maawa ka." Umiiyak na pagmamakaawa ni Georgina habang humawak sa braso ng kanyang ama.

"Sinagad mo pasensya ko Georgina kaya pasensyahan tayo." At sa isang iglap ay kinagat nito si Georgina sa leeg at nawalan ito ng malay.

"Georgina!" Nag aalala kong tawag dito at pilit kumakawala sa mga may hawak sa akin. Pero sadyang malakas sila kaya di ako makawala hanggang naramdaman ko na lang na may pumalo sa batok ko at nawalan na ako ng malay.

THIRD PERSON

"Buhatin nyo yang dalawang yan." Galit na utos ni Sigmund sa mga tauhan nya. Mabilis naman sumunod ang mga tauhan nito, binuhat  nila ang walang malay na si Gabriel at Georgina at isinakay sa sasakyan. Nang makasakay na lahat ay umusad na sila pauwi sa mansyon.

Nang makarating sila sa mansyon ay mabilis bumaba si Sigmund sa sasakyan. "Senior saan po namin dadalhin si senyorita Georgina?" Tanong ng isang delta kay Sigmund.

"Sa underground." Matipid na sagot ni Sigmund at tuluyan ng pumasok sa loob.

Nagising si Georgina sa tunog ng kalansing ng mga susi at pagbukas ng pintong bakal. Maririnig mo ang mga yabag na papalapit sa kanilang pwesto. Mula sa kanyang pwesto ay kita ni Georgina ang kanyang kapatid na si Blue na nag aabang din sa taong parating.

Dumaan ang apat na delta pero dire diretso lang ang mga ito sa dulong bahagi. Parehas kaming nakikiramdam ni kuya sa nangyayari.

Kumalansing ang mga susi at tumunog ang pinto indikasyon na binuksan ito. Nakarinig kami ng kumosyon pero nawala rin ito agad. Kinakabahan ako sa nangyayari.  Pagkatapos ay dumaan ang mga ito kaladkad si Gabriel na walang malay. At buhat ang isang babae na wala ring malay.

"S-san nyo sila dadalhin?" Natatarantang habol ni Georgina sa mga ito pero ni sulyap ay wala syang nakuha sa mga ito. Naiiyak na lang sya nangyayari dahil wala syang magawa para maipagtanggol manlang si Gabriel.

Kinalampag ni Georgina ang rehas kung san ito nakakulong wala na syang pakialam kung masunog man ang balat nito dahil sa mga pilak na rehas.

Napayuko na lang itong umiiyak ng may nagsalitang lalaki sa labas ng lingunin nya ito ay si Emrick pala. Kaibigang bampira ito ng kuya nya. Lagi nya itong kasama sa mga misyon. Hindi alam ni Georgina kung saan sila nagkakilala pero ang matalik na magkaibigan ang dalawang ito.

"Kawawa ka naman dyan bro. Mukha kang askal dyan." Pang uuyam nito kay Blue.

Nabuhayan ang dalawa ng loob dahil sa pagdating ni Emrick.

"Emrick! Thank God dumating ka."

Ngumisi ito at lumapit sa selda ni Blue na nasa bulsa ang mga kamay.May binato ito sa loob ng selda ni kuya. Kumpol ito ng mga susi ng dumaang delta kanina.

"Pano yan lang maitutulong ko kaw na bahala. Alam mo na mainit ako ngayon kay tandang Eilif. Pagnalaman nyang nangialam ako sa problema ng mga lycan baka ipatapon na ako nun." Pagkasabi nito ay tumalukod  na ito at kumaway.

Agad naman itong dinampot at kinalagan ang kadenang nasa kamay nya at binuksan ang selda nya at agad tumakbo kay Georgina para pagbuksan din ito.

Kailangan namin magmadali bago pa mahuli ang lahat.

Pag mulat ng mata ni Gabriel ay ibang kapaligiran na ang nakita nito. Para itong kulungan. Nakita nya si Jessie na walang malay sa kabilang bahagi.  Bago pa lang lalapitan ni Gabriel si Jessie ay narinig nito ang pag bukas ng pinto.

Pinakikiramdaman nya kung ano ang nangyayari, naririnig nito ang papalapit na mga yabag at huminto sila sa tapat ng kinalalagyan nilang selda. Binuksan nila ang pinto at hinawakan  Gabriel ng mga ito sa magkabilang kamay at binuhat naman ng isa si Jessie . Sinuntok ni Gabriel nang isa sa kanila para tulungan si Jessie pero parang wala lang dito ang ginawa ni Gabriel at ngumisi pa ito bago sya sinuntok nito at nawalan ng malay si Gabriel.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now