Chapter 13

1.1K 38 4
                                    

Mirmana thank you sa pagbabasa ng story ko kahit maiksi lang sya. Thank you sa comment and votes. 😊😊 this chapter is for you.

GABRIEL

Buhat si Jessie ng isang lalake na hindi ko alam saan papunta habang hawak naman ako ng isang lalake. Puro sugat na rin ako at nanghihina. Natatakot ako para sa amin ni Jessie, Sigurado ako ikamamatay namin ano man ang gagawin nila.

Huminto kami sa gitna ng kakahuyan. Pabagsak na ibinaba at hinagis nila si Jessie sa tabi ko. Wala akong magawa, napaka walang kwenta ko hindi ko magawang  ipagtanggol ang aking kapatid.

"Puro mahina lang kaya nyo, mga halimaw nga talaga kayo. Kahit walang ginagawa sinasaktan nyo." Mahinahon pero madiin ang pagkakasabi ni Jessie lumalaban ng tingin sa kanila habang nakangisi.

"Matapang ka ha, hanggang san ka kaya dadalhin ng kayabangan mo?" Gigil na sabi ng isa sa mga to at sinampal ito ng ubod ng lakas dumugo ang gilid ng labi ni Jessie. Ngumisi lang ito at idinura ang dugo na nanggaling sa pumutok na labi, na lalo lang kinagalit kaya nakatanggap nanaman ito ng isang sampal at pati ako ay pinagsisipa nila. Kahit saan na lang tumatama ang mga gigil nilang sipa at mga tuwang tuwa pa ang mga ito.

Tatadyakan pa sana ako ng isa ng bigla na lang bumagsak sa lupa ang isa sa mga lalake na sumisipa sa akin, wala na itong buhay at ng pagtingala ko si Georgina, galit na galit ito at kulay ginto ang mata. Susugurin sana ito ng isa pa ng bumagsak din ito sa lupa ng walang buhay at butas ang dibdib. Ngayon naman ay ang kapatid nito na humarang sa harapan ni Jessie.

Masamang nakatingin si Blue sa kanilang ama. Mabilis naman tinanggal ni Georgina ang nakatali sa kamay ko at yumakap. "Babe im here, im sorry." Umiiyak ito habang yakap ako, gumanti ako ng yakap.

Hinawakan ang mukha nya at pagod na ngumiti. "Wala kang kasalanan."

Napalingon kami parehas ng magsalita si Blue. "Georgina umalis na kayo! Isama si Jessie, ako na bahala." Inalalayan ako ni Georgina tumayo at ganun din si Jessie.

Habang papalayo kami  tumatakbo sa kakahuyan habol kami ng ilang tauhan nila. Na corner kami at mabilis pinalibutan. "Umalis na kayo isama mo si kuya." Sabi ni Jessie habang nakikiramdam sa mga susugod sa amin. Inaalalayan ako ni Gergina na makatayo ng ayos.

"Hindi kita pwede iwan dito magagalit kuya ko. Papatayin ka nila." Nag aalalang sabi nito habang inaalalayan ako.

"Tatakas tayong magkakasama Jessie. Hindi ka pwede maiwan dito." Nag aalala ako para sa kanya. Oo isa na rin sya katulad sa kanila pero hindi pa sya ganun kalakas para lumabas sa kanila.

"Kaya ko to sige na baka ano pang mangyari sayo kuya pag hindi ka pa dinala sa ospital." Hindi inaalis ang tingin nito sa mga nasa harap namin at hinihintay kung sino ang unang aatake. Marami na akong natamong bugbog mula sa kanila. Biglang nagbago ang kulay ng mata nito.

"Sige na!" Sumugod si Jessie sa mga ito para mabigyan ng daan kami. Pagsugod nito ay hinila ako palayo ni Georgina. Napakawalang kwenta ko. Wala man lang akong magawa para ipagtanggol sila.

Hindi pa kami nakakalayo ay nakita namin kung pano kalmutin si Jessie ng isa sa mga ito. Nag iwan ito ng malaking sugat sa tagiliran ni Jessie. Bumitaw ako kay Georgina para sana lapitan si Jessie ng hatakin ako ni Georgina.

"Halika na! Hindi pwedeng masayang ang ginawa ng kapatid mo para sa atin." Hindi ako makapag isip ng matino, bakit nangyayari to sa amin.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Georgina na nakahawak sa akin at hinihila palayo. Hindi maaari mamatay si Jessie. Bago pa man kami makalayo ay nakasunod na kaagad sa amin ang mga tauhan nila.

Pilit lumalaban si Georgina para sa kaligtasan namin samantalang ako ito walang magawa sa lakas nila. Hindi napansin ni Georgina na may susugod sa likod nito, naka amba na ang kamay nito na kakalmutin si Georgina. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya.

Buhay ko man ang kapalit masigurado ko lang ligtas si Georgina. Kahit hirap ay pilit akong tumayo at buong pwersa tumakbo papalapit kay Georgina. Niyakap ko ito mula sa likod. Naramdaman ko na lang ang hapdi matalas na kuko nito na tumama sa likod ko.

Napalingon si Georgina na akin. Nanlaki ang mata nito at sa nangyari. Nangilid ang luha nito at puno ng pag aalala ang mata.

Napangiti ako dito at hinawakan ang pisngi nito na nabasa ng luha. "Shh.. Wag kang umiyak." Inilagay ko ang isang daliri ko sa labi nito na nanginginig na sa pinipigil na emosyon. Niyakap ko ito bago tuluyang dumilim ang paligid.

THIRD PERSON

Unti unting lumuwag ang pagkakayakap ni Gabriel kay Georgina at dahan dahan bumabagsak sa lupa Hindi nakagalaw si Georgina at nanginginig sa nakita. Malaking kalmot ang natamo ni Gabriel galing sa sumugod sa kanya kanina.

Naging kulay ginto ang mata nito at hindi na napigilan ang emosyon nya at sinugod ang umatake sa kanina. Walang awa nyang dinukot ang puso nito, maging ang ibang balak pumatay sa kanila kanina ay sinugod din ni Georgina at binali ang mga leeg.

Nang naubos nya ang mga ito ay mabilis lumapit kay Gabriel. Umupo ito at inilagay ang ulo sa hita niya. "Babe wake up! Please!" Umiiyak nito niyakap ang ulo ni Gabriel. Isang alulong ang bumalot sa buong kakahuyan. Ramdam mo ang lungkot ng nadarama nito dahil sa pangyayari.

Damang dama ni Sigmund ang pighati ng anak nyang si Georgina sa alulong nito. Ganito ang iyak nya ng makita nyang walang buhay ang kanyang asawa. Tumayo ito at mabilis pinuntahan ang anak.

Nakita nya itong nakayuko sa dibdib ni Gabriel na hindi na kumikilos. Nadudurog ang puso niya sa nakikita nya. Napakasama nya para saktan ang damdamin ng kanyang anak. Hinawakan nya ito sa balikat at bahagyang napakislot.

Tumaas ang tingin nito sa kanya. Puno ng luha ang mata nito. "Masaya ka na ba?" Umiiyak nitong sumbat na tila naman punyal na tumarak sa puso ni Sigmund. Hindi pala nya kaya na masaktan ang mga anak nya.

Hindi ito kumibo sa halip ay hinawakan ang pulso ni Gabriel. At ng makaramdam ng tibok na sinyales na buhay pa ito ay mabilis nitong binuhat ito.

"Stand up Georgina  dadalhin natin sya sa Ospital." Tumalima naman si Georgina naguguluhan man sa inasta ng ama ay tumakbo silang palabas ng kakahuyan.

Pagkalabas nila ng kakahuyan ay doon nakaparada ang sasakyan nila. Binuksan ni Georgina ang pinto ng kotse para mailagay si Gabriel sa backseat. Marahang inilapag ni Sigmund si Gabriel at pagkalapag ay umikot ito sa  driver seat. Sumakay din si Georgina at dinaluhan si Gabriel, iyak parin ito ng iyak.

Habang papunta sila sa ospital ay kinausap ni  Georgina si Blue gamit ang mindlink. "K-kuya si g-gabriel, nasa ospital kami delikado kalagayan nyan." Umiiyak na sabi  Gorgee habang nakatingin kay Gabriel.

Yumakap ito sa walang malay na si Gabriel. Nang makarating sa Ospital ay mabilis silang sinalubong ng mga Emergency Staff at may stretcher itong dala at inilabas nila Gabriel sa sasakyan.

Habang abalang inilalabas si Gabriel sa kotse ay dumating naman si Blue kasama ang kanilang family doctor. Ipinasok na si Gabriel sa emergency room. Pinatagilid ito at ginupit ang damit para matingnan ng ayos ang lagay ng sugat nya.

Iyak ng iyak si Georgina habang nakasandal kay Blue hanggang bigla na lang itong bumagsak at nawalan ng malay nataranta si Blue sa kalagayan ng kapatid. Binuhat nya ito at mabilis naman silang inassist ng mga nurse.

Chineck sya ng isa sa mga doktor at ng masigurong ayos lang ang kalagayan ay ipinalipat ito sa isang private room para makapagpahinga.

Paglabas ni blue ay wala na ang ama nila. Alam nya nakukunsensya ito sa mga ginawa. Kaylangan nilang bigyan ng oras at panahon ang ama nila para makapag isip.

"Mr. Walker?" Tawag ng isang babaeng doktora sa kanya. "Your sister is fine, nastressed lang sya dahil sa nangyari sa husband nya. Pero sana hindi  na maulit to, maselan ang kalagayan ni Georgina lalo na sa first three semester ng ipinagbubuntis nito. Paliwanag nito sa akin.

"Buntis ho ang kapatid ko?" Paglilinaw nito at tumango naman ito at ngumiti.

"Salamat ho doktora." Nakipagkamay si blue dito at umalis na ang doktora.

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon