Chapter Five

1.3K 58 3
                                    

GABRIEL

Nasa tapat ako ngayon ng gate nila. Hindi ko matanaw ang bahay dahil sa taas ng gate. Makikita mo kung gano sila karangya, kung gano  sila kayaman pero hindi yon ang nasa isip ko ngayon. Ang nasa isip ko ay makausap sya at masabi ang gusto kong mangyari.

Sana nga lang ay umayon sya sa gusto ko. Tumawid ako para makalapit sa gate nila. Nakita ko na may lalakeng nagbabantay sa labas ng gate.

Lumapit ako dito para magtanong. "Excuse brother pwede ba akong magtanong? Nandyan ba si Miss Georgina Walker?" Malumanay kung tanong dito.

"Anong kaylangan mo? Hindi ka dapat dito." Maawtoridad nitong sabi sa akin.

"Gusto ko lang sana sya makausap saka ibibigay ko sa kanya tong bag nya naiwan nya kasi nung nakaraan." Paliwanag ko dito.

"Ibigay mo na lang sakin yan ako ng bahala." Bigla nyang hinablot ang bag sa akin at akmang itutulak ako palabas ng biglang humagis na lang ito. At ng tiningnan ko ang may gawa ay si georgina. Nagbago ang kulay ng mata nito naging matingkad na kulay ginto. Mabilis ang kanyang paghinga na akala mo ay nagpipigil emosyon.

"Sino may sabi sa inyong ipagtabuyan nyo sya." Galit na sabi ni georgina

Hind maka kibo ang lalaking humagis marahil sa sakit na nararamdaman hindi sya makatayo at namimilipit.

"Ikaw what the fuck are you doing here?" Inis nitong sabi ng humarap sakin.

"You're not supposed to be here. Mapapahamak ka lang." Kita mo ang pag aalala sa mata nya na pilit nyang itinatago.

"Pumunta ako dito para makipag usap at ibalik sayo ang bag mong naiwan hindi para mag hanap ng gulo." Malumanay kong sagot dito. Hindi na kulay ginto ang mata nito bumalik na sa pagiging kulay asul. Her deep blue eyes, parang lagi akong nalulunod pag tinititigan ko.

"Nasauli mo na, at nakausap mo na ako pwede ka ng umalis." Sabi nito at tumalikod na sa akin.

"How about that night? Ganun na lang yon? I was your first." Napahinto sya sa sinabi ko.

"So? Take it as experienced, don't feel so special dahil ikaw ang nauna. Tama ka ikaw nga ang una ko pero hindi ibig sabihin nun ikaw na ang huli." Walang emosyon nyang sabi at tumuloy sya sa paglalakad.

Masakit ang huli nyang sinabi parang hindi ko matanggap na ganun na lang.

"Hindi ako aalis dito haggat hindi ka nakikipag usap sakin georgina!" Sigaw ko pero parang hindi nya narinig.

Lumabas ako ng gate nila at naupo sa gutter ng kabilang kalsada. Mabigat ang dibdib ko sa mga sinabi nya. Hindi ko matanggap.

Ilang oras din ako naghintay don. Bumukas ang gate nila at natanaw ko si Georgina na papunta sa pwesto ko. Kalmado syang naglalakad at tumigil sya sa harap ko.

"Tumayo kana dyan at umuwi kana." Kalmadong sabi nito sa akin.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Marry me. Yon lang ang gusto ko."

Matagal sya tumitig sa akin at bigla na lang sya natawa. "Seryoso? Parang ikaw pa ang nawalan."

Nabigla ako at uminit ang mukha ko sa sinabi nya. "You're my first too and i wanted you to be the last."

"Umuwi kana bago ka pa nila madatnan dito." Naiinis nitong sagot

"May boyfriend kana ba? kaya ayaw mo pumayag sa alok ko." Paninigurado kong tanong dito.

"Its none of your business." Tipid na sagot nito at di makatingin sa akin.

"May nakita akong picture mo sa cellphone ,may kasamang lalake yon ba kasintahan mo?" Pag kumpirma ko sa,nakita ko.

Fated to Love YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz