Epilogue

1.4K 42 2
                                    

After one year


GABRIEL

Masayang nagtatakbuhan ang mga bata sa labas ng simbahan ang iba naman ay nagkukwentuhan sa may pintuan.

"Umayos na po ang lahat." Pag agaw ng atensyon namin ng aming wedding coordinator.

Tinawag na ang mga bata at inayos nila ang mga damit nito. Maging ang mga dalaga at binata na abay ay pumasok na rin sa loob.

"Pumunta na po kayo sa mga pwesto nyo parating na po ang ating bride." Tuloy parin sa pag aasikaso at pag aayos ng pagkakasunod sunod ng mga bata.

Nasa harapan na ako at nakapwesto. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Maya't maya na rin ang punas ko ng pawis ko. Kahit pangalawang beses na naming kasal ito ni Georgina ay parang mas lalo akong kinakabahan.

"Ayan na ang bride!" Masayang anunsyo ng isa sa mga abay.

Mas lalong lumakas ang kaba ko sa sinabi nito. Napatingin ako sa pwesto nila mama at ngumiti ito sa akin. Huminto na ang bridal car sa labas, sa tapat ng pintuan ng simbahan. Nagkakandahaba na ang leeg ko sa pagtanaw sa paglabas ni Georgina.

Pinagbuksan ni Blue nang pintuan ng kotse ang kapatid nito pero si Clouie ang unang bumaba. Nakasuot din ito ng wedding gown na katulad sa mommy nya. Napangiti ako ng makita ko ang aming prinsesa. mini version talaga sya ng kanyang ina habang lumalaki.

Abala ako sa pagtingin sa aming anak ng lumabas na si Georgina mula sa sasakyan tumingin ito sa aking pwesto at nagkatinginan kami at nagkangitian.

Tumugtog na ang wedding march indikasyon na mag uumpisa na. Umayos na ako ng tayo at kabadong naghihintay kay Georgina. Nang maubos na ang mga abay na naglalakad ay mga maliliit na flower girl na lang ang nasa unahan ni Georgina kaya kitang kita ko sya habang naglalakad. Pakiramdam ko ay kami lang dalawa sa paligid. Ni ang mga tugtog ay parang walang halaga para sa akin. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang nakahawak ito sa braso ni papa.

Nang makarating sila sa aking tapat ay huminto na ito. Nagmano naman ako kay papa at inilipat nya ang kamay ni Georgina sa aking kamay.

"Ingatan at mahalin mo ang aking anak." Nangingilid ang luha nito pero nakangiti parin.

"Salamat po papa. Iingatan at mamahalin ko po ang inyong anak." Habang nakatingin sa mga mata ni Georgina.

Inaya ko na si Georgina sa altar at nagsimula na ang seremonyas.

Babe, Alam ko hindi tayo nagsimula sa maganda. I met you in most unexpected way, but our love is unique, because you are unique. I know that it is in His plan that we are meant to be together. That i'm fated to love you. I know I'm not perfect, but I will love you perfectly and cherish you. All I know is that I am devoted to you completely and am made a better person because of your love. I'm always thankful to have you because you are truly a Gift from God.

Umiiyak itong nakikinig sa sinasabi ko. pinisil ko ang kamay nito at hinalikan.

naging maayos ang takbo ng seremonyas. Bakas mo sa mukha ng bawat isa ang saya nila para sa pag iisang dibdib namin ni Georgina. Sobrang saya at pagmamahal ang nararamdaman ko sa araw na ito. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal ng Dios dahil hindi ito makasarili. Alam nya marahil na mas magiging masaya ako sa piling ni Georgina at ng aming anak. Bago pa man natin hilingin ay ibinibigay na nya ang ating nais.

"You may now kiss the bride." Anunsyo ni Father at nagbiruan na ang lahat.

Tumingin ako kay Georgina at nakangiti ito sa akin. Hinawakan ko ito sa pisngi at idinampi ang aking labi sa kanyang labi. Napapikit ito habang magkalapat ang aming labi. At nagpalakpakan ang lahat.

Niyakap ko ito ng mahigpit lumapit na ang kapatid at si mama sa min maging si papa at Blue para yumakap at bumati.



Malamig na hangin na dumampi sa balat ko ang nagpagising sa akin, pero hindi ako dumilat at kinapa ko ang katabi kong si Geogina pero wala ito. Napamulat at napatingin sa orasan. Mag alas syete pa lang pero wala na ito sa higaan.

Napaupo ako at tinawag sya. "Babe?" Pero walang sumagot sa akin kaya naman bumaba ako sa kama at tumuloy sa bathroom naghilamos at nag toothbrush bago lumabas pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ay hagikgikan ng mag ina ko ang naririnig ko. Napangiti ako sa narinig ko.

Tumuloy ako sa kusina at naabutan ko silang nagsasabuyan ng harina. Nakaupo si clouie sa ibabaw ng lamesa at si Georgina naman ay nakatayo sa gilid ng lamesa.

Puro puti na ang ulo nila pero wala silang pakialam. Kiniliti ni Georgina ito at napatili na kinatatawa. Nakakatuwa silang pag masdan dalawa. Makita ko silang ganto kasaya araw araw ay blessing para sa akin.

Kung hindi ko ba sya tinulungan dati, kung hindi ba nangyari sa amin yon,
Kung hindi ba ako lumabas ng seminaryo magiging ganto ba ako kasaya sa buhay ko?

Sya ang kasalanang kahit kaylan ay hindi ko pagsisisihan. Siguro nga masaya akong magsisilbi sa Dios sa simbahan, pero ang gusto Nya ay kung saan tayo higit na sasaya kaya ibinigay nya sa akin si Georgina at Clouie.

God love us unconditionaly kahit kaligayahan nya ibibigay nya maging masaya lang tayo. He knows us very well. Kaya hanggat makakaya ko iingatan ko ang binigay nya sa akin.

"Dada!" Masayang tawag sa akin ni Clouie ang napaka cute kong three years old princess. Kumaway pa ito sa akin.

Napatingin ako kay Georgina nakangiti rin ito at may harina sa mga pisngi. Lumapit ako sa dalawa. Hinalikan ko si Georgina sa noo at ganun din si Clouie.

"Good morning! Ang aga nyo magkalat ni mommy?" Sabi ko dito habang pinapagpagan ang buhok ni cloiue.

Yumakap naman sa likod ko si Georgina niyakap ko ito at dinala sa tagiliran ko.

"Si mommy po dada. Nilagyan nya ako sa pisngi kaya nilagyan ko rin sya."masayang sumbong nito sa akin.

"Baby sabihin mo kay dada ang surprise natin dali." Masayang sabi ni Georgina kay Cloiue at nanlaki naman ang mata nito tila tuwang tuwa.

"Dada! May little sister na ako sa tummy ni mommy!" Masaya nitong sabi may pagpalakpak pa ito.

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Georgina at niyakap ito ng mahigpit. Another blessing and happiness. Thank God!

"Thank you babe for another happiness."
Yumakap naman ito sa akin at matamis na ngumiti. "Always welcome babe, para sayo."

Parehas ko niyakap si Georgina at Cloiue. "Halika na kay dada para makapag luto na si mommy ng food natin okay?"

Tumango naman ito at nag kumarga sa likod ko. Nag kunwari akong airplane na lumilipad habang buhat sya tuwang tuwa ito at nag chi-cheer pa. Nang matapat kami kay Georgina ay hinalikan ko ito sa labi at ngumiti dito at kinindatan ito bago umalis palabas sa kusina.

"Dada? sa tingin mo baby brother kaya ang magiging kapatid ko?" Excited nitong tanong habang kumakain ng pancake.

"Kahit baby brother or baby sister dapat love mo parin sila." Pagpapaliwanag ni Georgina habang nilalagyan ng strawberry syrup ang pancake nito.

"Pero gusto ko baby brother mommy." Kinukulit na nito ang kanyang mommy na nagpakunot na sa noo ni Georgina

"Pag naging good girl ka daw bibigyan ka ni papa God ng baby brother." Pag awat ko kay clouie sa pangungulit sa kanyang mommy.

" You think so dada? Okay good girl na ako dada di ko na kukulitin si mommy." at itinuloy na nito ang pagkain nya.

Nginitian ko si Georgina bago ito hinalikan sa sintido. "I love you babe."

Fated to Love YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora