Chapter Two

1.7K 68 11
                                    

This chap is dedicated to @ty_christ

GABRIEL

Mabilis akong lumabas at isinara ang pintuan ng guest room at tinawag ang kapatid kong si Jessie para asikasuhin ang tinulungan kong babae. Pero walang Jessie na lumabas, kaya pinuntahan ko ito sa kwarto nya.

Hindi ko alam ang nangyari sa akin bakit ko sya tinitigan ng ganun. Kaylangan ko manalangin humingi ng tawad. Mula pa ata kanina ay puro na lang pagkakasala ang nagagawa ko. Malapit na ako maging ganap na pari hindi pwede masira ang mga plano ko sa buhay.

Bata pa lang ako ay pangarap ko na magsilbi sa Dios. Inilaan ko na ang sarili ko para maging isang tagapaglingkod Nya. Mula nang namulat ako lagi kong nakikita ang aking ina na nagdadasal sa Kanya, lahat ng problema namin sa Kanya nya inilalapit. Sa mga kabutihan Nya at tiyaga ng aming ina naging maayos kaming lumaki ni Jessie kahit maagang binawi sa amin ang aming ama. Kaya naman gusto ko sya pasalamatan sa pamamagitan nang paglilikod sa Kanya.

Pag bukas ko sa kwarto nya ay maayos ito at maging ang kanyang kama ay nakaayos pa tanda na wala pang humiga dito. Naputol ang aking pag iisip sa nakita ko. Napalitan ng pag aalala para sa aking kapatid.

Nasaan kaya si Jessie? Pumunta ako sa kwarto ni mama pero wala din. Nakakapagtaka naman at wala sila. Hindi ko naman sila matawagan dahil wala akong cellphone. Bawal kasi to sa seminaryo, at para na rin makapag focus ako sa pag aaral.

"Hindi na ako babalik sa guess room, mahirap na baka kung ano nanaman ang maisip ko." Naglalakad ako papunta sa kwarto ko ng biglang humarang sa akin ang babaeng tinulungan ko kanina. Nagulat pa ako sa biglaan nitong pagsulpot.

"Okay ka lang miss? Pwede ka magpahinga sa guest room, masyado nang gabi para lumabas ka pa." pormal kong sabi at tiningnan ko sya nakikinig ba sa akin. Pag tingin ko sa mga mata nito ay nagtaka ako.

Golden yellow? Siguro ay contact lens yon. Uso naman sa kabataan ang mga kakaibang kulay ng mata. Dahil wala itong kibo ay inulit ko ang tanong ko sa kanya.

"Miss okay ka lang?" pero imbis na sumagot ay lumapit ito sa akin at bigla akong hinalikan.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, Diyos kong mahabagin! Pilit ko syang tinutulak pero ang lakas nya hindi manlang sya natinag sa tulak ko. Patuloy sya sa ginagawa nya. Nang hindi ko tinutugon ang halik nya ay kinagat ako nito sa labi dahilan para mapaawang ang bibig ko na sinamantala naman nya.

Hindi pwede to! Kaya buong pwersa ko syang tinulak dahilan para mapasandal sya sa pader nakunsensya ako sa pagtulak sa kanya pero hindi ko sya nilapitan.

"Matulog kana you're drunk." Habang pinupunasan ko ang labi kong kinagat nya na pakiramdam ko ay dumugo na. Kahit kumakabog ang dibdib ko dahil sa nangyari ay pilit kong inayos ang sarili ko. Tumalikod at akmang papasok na sa aking kwarto ay bigla nya akong hinatak at isinadlak sa dingding.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. Seryoso? ang lakas ng babaeng 'to. Ngumisi pa sya sakin na akala mo may masamang balak.

"Anong bang problema mo? Bumalik kana sa kwarto mo o kaya umuwi kana sa inyo. Wag mo ako pagtripan ng ganito." Naiinis kong sabi dito habang umaatras pero tanging malamig na dingding lang ang tumama sa likod ko.

Papalapit ito sa akin "mahabaging langit." Yon na lang ang nasabi ko ng hatakin nya ang damit ko dahilan para mapunit ito at magtalsikan ang mga botones sa sahig pero parang wala itong pakialam at walang balak huminto sa kanyang balak.

Mabilis nya akong hinatak papasok sa kwarto ko at ni lock nya ito. Buong buhay ko ni kasintahan hindi ako nagkaroon dahil buong buhay ko isiniksik ko na sa isip ko na magiging isang pari ako pero ito ako ngayon kasama tong babae na to na hindi ko manlang alam ang pangalan.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now