Chapter 16

1.2K 34 0
                                    

Dumalaw kami sa bahay nila Georgina, binisita namin ang kanyang papa. Pagkapasok namin sa malaking gate nila ay sinalubong kami ng mga tauhan nila.

Maraming nagbago sa loob  nang nasasakupan nila. Nagkaroon na sila ng day care center doon at si Jessie ang nagtuturo.

Ibang iba na ang itsura ng kapaligiran. Hindi na sya katulad ng dati na malungkot at tahimik. Ngayon ay makakarinig kana ng tawanan ng mga bata na masayang naglalaro.

Nang tumapat ang sasakyan namin sa tapat ng bahay  nila Georgina ay nanduon nakangiting naghihintay sa amin.

Bumaba ako ng sasakyan at takbo paikot. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at inalalayang lumabas si Georgina.

Hinawakan ko ang ulo nito. "Careful." Nahihirapan ito dahil malaki na ang tyan nito dahil ka buwanan na niya.

Nang makalabas na ito ay inalalayan ko ito sa paglalakad. Sinalubong kami ni papa at niyakap nito si Georgina. "Bakit nagbyahe kapa anak mukhang hirap kana mag lakad sana sinabi mo na lang at dinalaw kita."

"Ayos lang ako pa. Ayaw mo ata ako nandito." Sumimangot ito na ikinatawa namin.

"Hijo, naku buti hindi ka nagsasawa sa anak kong ito napaka childish." Natatawang sabi nito sa akin.

"Naku hindi naman ho papa, sa inyo lang ho ganyan yan." Natatawa kong sagot.

"Syempre daddy's girl ako. Di ba dad." Pagkasabi nito ay yumakap ito sa kanyang papa.

"Naku Gorgee inuuto mo lang ako."

Nagtawanan kami at tuluyan nang nainis si Georgina. "Pinagkakaisahan nyo ako ha." Umiyak ito na nagpatigil sa pagtawa namin. Lalapitan ko sana ito ng nagmarcha ito papasok sa loob.

Napakamot ako ng ulo at napatingin kay papa. Napailing naman ito habang tumatawa. "Hayaan mo na mawawala rin yon mamaya." Inaya na ako papasok sa loob.

Pagpasok namin ay saktong labas ni Jessie mula sa kusina sinalubong ako nito ng matamis na ngiti. "Kuya kamusta?" Hindi ko na hinintay lumapit ito.

"Ayos lang ako. Ikaw?" Hinaplos ko ang buhok  ito. Mukha itong blooming mamula mula ang pisngi nito. "Mukhang alagang alaga ka ni blue."

Tumawa naman ito na tila kinikilig at hinaplos ang tyan nya na medyo malaki na ang umbok. "Sinabi mo pa kuya. Si Georgina nga pala?" Tumingin pa ito sa likod ko para tingnan kung nasan si georgina.

"Nagtatampo, nagkulong sa kwarto pupuntahan ko muna." Pinisil ko ang pisngi nito.

Lumakad ako papunta sa kwarto at kumatok sa pinto pero walang sumagot kaya binuksan ko na lang.

Nakita ko itong nakahiga sa kama. Lumapit ako dito at lmuhod sa gilid ng kama para pumantay sa mukha niya.

Mahimbing itong natutulog. ipinatong ko ang baba ko sa braso ko, tinititigan ko itong matulog at inalis ko ang ibang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nya. Bahagya pang itinago ang mukha nya. Napangiti ako at tinuloy ang pagtitig sa kanya.

"Im sorry babe kung nagalit ka sakin. Masaya lang ako na okay na kayo ng dad mo. I didnt mean anything." Marahan kong dinampian ng halik ang labi nito.

"Hmm.. Gabriel?" Antok nitong tawag sa akin at minulat ang mata nya. Nginitian ko ito at hinawakan ko ito sa ilong.

Tumayo at umupo ako sa tabi nito. sumandal ako sa headboard at inaya sya na lumapit sa akin. Tumabi naman ito at yumakap sa akin.

"Galit ka pa?" Tanong ko dito habang nilalaro ang daliri nito.

Umiling at tumingin ito sa akin. Hinawakan ko ang pisngi nya at inilapit ang mukha ko, napapikit ito ng lumapat ang labi ko sa labi nya. She move her lips passionately pero napatigil sya bigla.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now