Chapter 15

1.1K 26 0
                                    

GABRIEL

"Nasan si Georgina at mama?" Tanong ko sa kapatid kong si Jessie na abala sa pagliligpit ng mga gamit na ginamit sa ospital.

"Nasa bahay kuya inaantay ka." Nakangiting sabi nito.

Napasimangot ako at nagtatampo kay Georgina. "Akala ko sya magsusundo sa akin."

Napatawa lang si jessie sa tinuran ko at hindi na kumibo.

"Ready?" Sabi ni blue habang nakasilip sa pinto. Napatingin kaming dalawa ni Jessie sa kanya. Tumayo na ako at tinulungan magbitbit ito ng ibang gamit at tuluyang lumabas.

Lumabas na kami sa ospital at tinungo ang parking lot. Pagkasakay namin sa kotse ay pinaandar na ito at umalis.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay hindi ko maiwasang hindi maisip bakit ayaw akong sunduin ni Georgina.

Hindi ko namalayan ay nasa tapat na kami ng pinto nf bahay namin. "Kuya nandito na tayo." Tumingin ako sa bahay pero sarado lang ito parang walang tao.

Nauna na si Jessie at Blue sa loob. Buong akala ko naghihintay si Georgina sa labas ng bahay at pag nakita ako ay masayang sasalubong sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at lumakad na papunta sa pinto. Pagpasok ko ay tahimik na sala ang sumalubong sa akin. Napansin ko ang maliliit na papel na hugis foot print. Parang paa ito ng maliit na bata. Sinundan ko ang foot print kung saan patungo.

Huminto ito sa guest room namin. At ng binuksan ko ito ay sumalubong sa akin ang renovated na kwarto namin. Mukha na itong kwarto ng bata. May rubber matt na ang sahig nito at may pintura na ito at design na pambata may kuna at may maliit na kama.

Maamoy mo rin sa kwarto ang amoy powder scent na akala mo ay amoy baby. Nilapitan ko ang kuna at nakita ko doon ang picture ko ng maliit pa ako, at picture din ng isang cute na baby girl.

Napangiti ako sa nakita ko. Kahit baby pa ito alam ko si Georgina ito. Nangtingnan ko ang pangatlong pic ay isa itong ultrasound.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang likuran.

Hi daddy nice to meet you. :)

Napangiti ako sa nabasa ko. Agad akong lumingon para hanapin si Georgina paglingon ko ay sinalubong ako ng nakangiting si Georgina. Inilang hakbang ko ito para yakapin.

Hindi ko alam sasabihin ko sa sobrang saya. Mas hinigpitan ko ang yakap ko dito. Sa sobrang saya pakiramdam ko lalabas ang puso ko.

Natawa naman ito at yumakap din sa akin. "Youre welcome babe."

Kumalas ako ng yakap dito at hinalikan ito sa labi. "Thank you. Thank you babe. I said between my kiss bago sya niyakap ulit.

"Congratulations!" Narinig kong sigaw nila jessie at mama na nasa pinto. Masaya silang nakangiti sa amin at lumapit si mama at yumakap sa amin.

"Masaya ako para sa inyo. Salamat at magkaka apo na ako." Masayang bati ni mama na at nagtawanan ang lahat.

Masaya ako para sa pamilya ko nalagpasan namin ang malaking problema ng sama sama.

"Oo nga pala ma, kuya magpapakasal na kami ni Blue." Sabi ni Jessie.

"Woow anak masaya ako para sa inyo ng kuya mo."

"Thank you ma. Lagi ka nakasuporta sa desisyon namin. Kuya okay lang ba ikaw maghatid sa akin sa altar."

"Oo naman walang problema. Saka ako naman talaga maghahatid sayo sa ayaw mo o sa gusto."

Nagtawanan ang lahat. " o sya kumain na tayo at nagugutom na ako." Sabi ni mama at nagpuntahan na sa kusina.

Niyakap ko si Georgina at hinalikan sa noo. How i missed her scent. "I love you babe." Hinalikan ko sya sa labi. Tinugon naman nya ang halik ko.

Parehas kaming napangiti ng matapos ko syang halikan. "Lets go baka gutom na si baby." Aya ko dito at inakbayan ito papunta sa kusina.

Ngayon ang araw ng kasal nila. Masayang nag kukwentuhan si mama at Gergina na kita na ang umbok ng tyan. Maging ang daddy nila Blue ay nandito na rin.

Nung araw na bumalik ito sa bahay nila ay nag usap silang mag aama. Napatawad nila ang isat isa. Un naman talaga ang dapat lalo na kung magulang natin ang nakagawa ng hindi maganda. Kahit anong mangyari utang parin natin sa kanila kung ano tayo.

"Lets go?" Nilahad ko ang braso ko. Kumapit naman ito at pumunta kung saan gaganapin. Isang simpleng garden wedding lang ito. Natatanaw ko ang arko na dinesenyohan ng maraming pink and white rose mula sa baba papunta sa kabilang banda. Mula sa arko papunta sa altar ay nakalatag ang puting carpet. Mula sa altar ay kita mo ang papalubog na araw. Sa magkabilang gilid ay mga upuan ng dumalo sa kanilang kasal.

Tumigil ako at humarap sa kanya. "Masaya ako para sayo." Ngumiti ako at inayos ang buhok nito at inayos nya ang floral crown nito. "Ang ganda mo Jessie bagay sayo ang damit mo. Alam ko magiging masaya ka sa piling ni Blue." Hinawakan ko ang kamay nito.

"Salamat kuya." Naiiyak nitong sagot at yumakap sa akin.

"Wag kana umiyak masisira make up mo." Pinunasan ko ang luha nito sa pisngi. "Tara na at yung asawa mo oh. Baka maging giraffe haba ng leeg kaka tanaw nasan kana."

Nag simula na kami maglakad papunta sa altar. Huminto kami sa tapat ni blue. Hinawakan ko ang kamay ni Jessie at ibinigay sa kamay ni blue. "Make her always happy." Sabi ko at tumango naman si blue.

Pagkahatid ko ay lumapit ako kay Georgina na nakaupo malapit sa unahan.

Napakaganda nya sa pink dress nya. Mas napangiti ako ng makita ko ang halatang baby bump nya. Pagkaupo ko at hinalikan ko ito sa noo at hinawakan ang kamay nya.

Pinanood namin ang paglubog ng araw kasabay ng kasal nila Jessie.

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon