Chapter 14

1K 34 1
                                    

THIRD PERSON

Nakaupong naghihintay si Blue sa kapatid nitong walang malay at ganun din kay Gabriel. Lumabas ang doktor mula sa emergency room kaya tumayo si Blue at lumapit dito.

"Maraming nawalang dugo sa pasyente, masyadong malaki ang sugat na natamo nito. We still do some suturing in his wounds, pag okay na ililipat na sya sa recovery room. Excuse me." Napahilamos si blue ng mukha.

Pagkasabi ng doktor ay umalis na ito, hindi alam ni Blue gusto na nya iuntog ang ulo nya sa sobrang pag iisip ng dumating ang nanay nila Gabriel.

Humahangos itong lumapit sa kanya puno ng pag aalala ang mga mata nito. "Ka-kamusta si Gabriel?" Humawak ito sa braso  ni Blue.  Nakilala nya ito ng tulungan sya ni Emrick na ilabas si Jessie mula sa Institusyon. Isa ito sa kaylangan i compell. Ang buong akala nya ay nasa isang kaibigan si Jessie.

"Nasa emergency room po si Ga-gabriel." Kabadong sabi ko dito. Tila naman nanlumo ito at napaupo. Bigla itong napatingin sa akin na tila may naalala.

"Yung a-asawa ni Gabriel nasaan? Ayos lang ba sya?" Nag aalalang tanong nito sa akin.

"Ayos lang ho si Georgina nawalan lang ho ito ng malay kanina sa sobrang stress." Paliwanag ko dito at mukha naman itong nabunutan ng tinik sa narinig.

Tahimik silang nakaupo ng lumapit kay blue ang family doctor nila."Sa tingin ko pwede ko subukan kay Gabriel yung serum na ginagamit natin."

Napakunot ang noo nito. "Safe ba kay Gabriel iyon tao si gabriel." Nag aalalang tanong nito.

"Nasubukan ko na sya before effective naman ito lalo na kung sugat galing sa lycan ang naging dahilan." Paliwanag nito.

"Gawin mo ang lahat kung tingin mo ay makakatulong kay Gabriel." Sabi ni Blue at tinapik ito sa balikat.

Pumunta agad ito sa administrator ng ospital para payagan syang tingnan ang kalagayan ni Gabriel. Lumapit naman si Blue kay fely para ayain ito papunta kay Georgina.

Nakadapang walang malay si Gabriel ng datnan ito ni Doc. Mendoza. Nang lumapit sila dito ay nakita nyang tinatahi na ang sugat nito sa likod. Tinulungan nya ang mga ito sa ginagawa nya.

Nang matapos  na ang mga ito ay inilipat si Gabriel sa recovery room sumunod naman doon si Doc. Mendoza ang family doctor nila blue nang makaalis ang mga ito ay kumuha sya ng syringe at nilagyan ng serum. Nang mapuno ito ay itinurok nya sa sugat ni Gabriel.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay nakikita na ang pag re-regenerate ang sugat nya hindi na ito masyadong malalim.

Ginagamit nya ang serum sa mga taong nagiging biktima ng mga lycans o kahit sa mga lycans na ngtatamo ng malalalim na sugat nakakatulong ito para gumaling agad.

"Magiging ayos ka rin. Magpagaling ka para sa mag ina mo." Mahinahong sabi nito kay gabriel at marahang tinapik sa braso bago lumabas ng recovery room.

Pagkalabas nito ay wala ang dalawa kaya minabuti nyang dumiretso sa kwarto kung nasaan si Georgina.

May malay na ito at kausap ni Fely. Nang makita ni georgina si doc. Mendoza ay akmang upo ito ng pigilin ni fely at blue.

Puno ng pag aalala ito. "Si gabriel kamusta?"

"Wag kana mag alala ayos na sya hihintayin na lang na magising sya." Nakangiting sabi nito.

"Salamat talaga. Laking tulong mo sa pack lalo na sa amin."

Nang gabi na iyon ay nagkamalay na si Gabriel at nailipat na sa private room. Naiwan na si Georgina at fely sa ospital samantalang sila Blue ay umuwi na.

Nakaupo si Georgina sa tabi ni Gabriel habang natutulog ito. At si Fely naman ay nag abot ng mainit na gatas kay Georgina

Nagkukwentuhan ang sila ng simula na nagkakamalay si Gabriel.

"Georgina..." Nanghihinang tawag nito na agad nagpalingon sa dalawa. Agad nila ito nilapitan.

"Babe.. Im here." Hinawakan nito ang kamay nito at inilagay sa kanyang pisngi.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now