Chapter 1

11.5K 268 23
                                    

Iris Layne



I'm Iris Layne Payne, the gorgeous and hot 2nd daughter of Renaldo Payne. 26 years old, malapit na din mag 27 this year.

Focus muna sa pagtatrabaho kaya wala munang pakielam sa love life. Gusto ko kasing tularan si Ate Demi, napaka responsable niyang anak.

May naging boyfriend naman ako, isa lang. Yung bestfriend kong si Hector, nakipagbreak ako sa kanya nung 2nd year college na kami dahil mas gusto kong focus ako sa studies ko and hindi nagwork yung relationship namin dahil nga hanggang bestfriend lang talaga kami.


Agad akong bumalik sa Manila pagkatapos kong grumaduate sa New York, inatake naman sa puso si Dad. Bumalik na din si Ate Demi sa bahay mula nang mangyari yun. Hindi ko na alam kung bakit ganun ang trato ni Daddy kay Ate Demi.

Lahat naman ginagawa ni Ate Demi pero parang wala lang yun kay Daddy kaya naman kung ituring na siya ni mommy ay parang isang tunay na anak na. Mahal na mahal namin si Ate Demi at tanggap namin siya ng buong-buo.


"Anak, ikaw na ang mamahala sa school natin ha? Mas gusto ko kasing ako ang mag-alaga sa daddy mo eh." Pakiusap sa akin ni mommy. Kahit hindi naman niya sabihin sa akin yun, gagawin ko para naman hindi na siya masyadong ma-stressed. Hindi na naman bumabata si mommy, may edad na siya pero hindi halatang matanda na si mom dahil kita pa din sa kanya ang taglay niyang kagandahan na namana namin sa kanya hihi.


"Mommy, kahit hindi niyo yan sabihin gagawin ko talaga yan. Para naman hindi na kayo ma-stressed. Magrelax-relax na lang kayo ni daddy okay?" Napangiti naman si Mommy sa akin at niyakap ako.



"Buti na lang at maaasahan kayo ng Ate Demi mo. Pinoproblema ko na lang talaga ang kapatid niyong si Allison. Hay naku! Napaka pasaway na bata nun. Puro for fun na lang."



"Ini-spoiled niyo kasi mommy eh, ayan tuloy." Totoo ang sinabi ni mommy na puro for fun na lang si Allison.

Hanggang ngayon kasi hindi pa din siya nagtatrabaho or sabihin na lang natin na ayaw pa niyang maghanapbuhay. May pinaplano nga kaming business eh. Magpapatayo sana kami ng bar pero hindi na natuloy-tuloy dahil panay ang out of town niya.


"Hayaan mo at tuturuan ko ng leksiyon yang kapatid niyo para naman magtanda." Natawa naman ako kay mommy.

"Sige na mommy. Matulog na kayo at gabi na." Bumeso naman ako kay mommy bago siya pumanhik sa itaas.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pupunta ako sa school na pagmamay-ari namin.


"Good morning Ate Demi." Bati ko kay Ate Demi na nakaready na para pumasok.

"Good morning din Iris. Coffee?"

"Milk na lang ate." Pinagtimpla naman ako ni Ate ng gatas.

"Here. Kumain ka na. Tapos na akong kumain eh. Kailangan maaga akong pumasok ngayon dahil may meeting pa kami." Tumango na lang ako kay Ate at nagpaalam.


Pagtapos kong kumain ng agahan, niligpit at hinugasan ko naman yung pinagkainan ko. Kahit may maid kami ayokong aasa sa kanila lahat. Dalawang maid ang mayroon kami at may edad na sila pareho, matagal na silang naninilbihan sa pamilya namin kaya naman malaki ang tiwala sa kanila ni mom and dad.


Nagdrive na ako papunta sa school. Mahigit kalahating oras din yung biniyahe ko at medyo traffic. Madami kasing nagpapasukang estudyante at trabahador tuwing umaga.



"Mendez University." Sambit ko pagkarating ko sa tapat ng school. Mendez ang surname ni mom nung dalaga pa siya.


Pagkapark ko agad naman akong bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sana sa friend ni mommy ko. Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot dito sa school. Sabi kasi ni mommy sa akin itanong ko na lang daw sa kaibigan niya kung saan yung magiging opisina ko.


Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now