Chapter 12

6.2K 219 24
                                    

Iris Layne




Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Agad ko naman itong sinagot.



"He---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang makarinig ako ng sigaw.



"OH MY GOSH!!! SALAMAT AT SINAGOT MO DIN!!! Kagabi ka pa namin hindi macontact. Gosh, Iris. Pinag-aalala mo kami nila mommy." Si Ate Demi sa kabilang linya. Napakagat-labi naman ako ng makita ko si Helena na mahimbing na natutulog.




"Sorry Ate. Nalock kasi kami ni Helena dito sa library. Pwede mo ba kaming puntahan?"




"Oh my gosh again!!! Kayo lang nalock diyan? Oh my gosh!!! Wait for me. I'm on my way na." Naparolled eyes naman ako sa O.A na reaksyon ni Ate pero OH MY GOSH talaga dahil may nangyari sa amin. At talagang dito sa library. Jusko.



Chineck ko naman yung inbox ko matapos ibaba ni Ate yung tawag.



Gosh ang dami palang text ni Ate Demi at ni mommy. May mga missed calls din. Bakit ba kasi ang hina ng signal kagabi? Okay lang yan. Enjoy na enjoy ka naman eh. Sabat ng isip ko. Feeling ko tuloy nag-iinit ako kapag naaalala ko yung nangyari kagabi.




Nakita ko naman yung oras sa phone ko. 5:30 AM palang pala. Buti na lang maaga pa. Kung hindi malamang sa alamang maaabutan kami dito ng mga estudyante. Nakakahiya naman kung ganun.



Saktong pagkadating ni Ate Demi ay siyang nagising naman si Helena na kinukusot pa ang mata niya.



Napansin kong nakangisi si Ate Demi habang nagpapapalit-palit ng tingin sa aming dalawa.



"Come on guys. Mamaya maabutan pa tayo ng mga estudyante. Mamaya ano pa ang isipin nila." Makahulugang sambit ni Ate Demi sa amin.



Nakita ko naman na namula ang magkabilang pisnge ni Helena. Ano? Nahihiya ba siya sa mga pinaggagawa niya sa akin kagabi? Siya pa talaga ang may ganang mahiya gosh!



Tahimik lang kaming naglalakad sa may hallway nang magsalita si Ate Demi.



"So what happened?" Nakangising tanong ni Ate Demi sa amin. Bigla naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Bakit feeling ko parang may alam si Ate Demi?



"Nalock kasi kami sa library. Hindi naman kasi namin namalayan yung oras dahil nalibang kami sa pagbabasa kaya ayun." Kwento ni Helena na namumula ang mukha.



"Yun lang ba?" Makahulugang tanong pa ni Ate Demi. Pinalakihan ko naman siya ng mata pero nginisihan lang niya ako.



Tumango-tango naman si Helena. Para siyang maamong tupa ngayon. Really huh? Yun lang ba talaga ang nangyari? Kinuha niya kaya ang pinaka pinag-iingatan ko.



Kahit naman maharot ako minsan, virgin pa din ako. Hindi naman ako pumapayag na lang basta-basta sa gusto ng mga lalaking nakaflirt ko.



Pinaglalaruan ko lang naman sila, nararapat lang sa kanila yun dahil karamihan sa kanila sex lang ang habol. Yung kapag nakuha na ang gusto nila, goodbye na.



Ewan ko ba bakit pagdating kay Helena hindi ko magawang manlaban at tumanggi parang gustung-gusto kong hawakan niya ang bawat parte ng katawan ko. Ibang kiliti ang binibigay niyang dulot sa akin eh.


Payne Sisters Series: Iris LayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon