Chapter 2

7.5K 233 31
                                    

Helena



Parang kahapon lang na sabay kaming nangangarap ni Rhea na magkaroon ng isang masayang pamilya.

Parang kahapon lang na sobrang saya naming dalawa, na ngayo'y panandaliang saya lamang. Oh ka'y bilis maglaho ng mga iyon.

Magpapakasal na sana kami pero sa isang iglap lang hindi ito natuloy.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali at ginawa niya ito sa akin.



Flashback

Pagkauwi namin ng Manila galing Canada, masaya ang lahat. Lalo na ang kapatid kong si Samara dahil okay na sila ni Zaya. Kaso yung kasayahan ko'y naglaho na lang na parang bula.


Madalas kong mapansin na parang walang gana si Rhea para sa mga dapat naming gawin para magpakasal.

Mas malamig pa ata sa yelo ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na siya yung sweet at clingy na girlfriend kagaya ng dati. Palaging mainit yung ulo niya kaya naman nag-aaway kami minsan. Sobrang haba lang ng pasensya ko dahil mahal na mahal ko siya at handa akong magtiis para lang sa kanya pero ng maubos na talaga ang pasensya ko ayun nag-away kami.



Kung kailan ikakasal na kami, biglang gumunaw ang mundo ko pagkabasa sa binigay na sulat sa akin ng kaibigan ni Rhea.

Helena,

     I'm sorry. I can't do this.

Rhea.


Six words lang yun pero biglang bumuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nasaktan ako ng bonggang-bongga. For all people, bakit ako pa? Nagmahal lang naman ako. Naging mabuti naman akong girlfriend sa kanya. Lahat ginawa ko para lang sa kanya pero bakit ito ang sinukli niya sa akin?

Ilang oras akong nanatili sa kwarto ko, iyak lang ako ng iyak. Narinig kong may kumatok pero hindi ako makatayo dahil hinang-hina ako kahit wala pa naman akong ginagawa.

"Ate, pumasok na ako kas-- Ate, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Samara sa akin na ngayo'y lumapit agad sa akin. Humagulgol naman ako lalo at napayuko. Nahihiya kasi ako sa kapatid ko dahil nakikita niya akong umiiyak.

Kahit hindi alam ni Samara ang dahilan, niyakap niya ako at pinatahan.

"Si... si Rhe-Rhea... A-ayaw niya na." Nanginginig ko pang sabi sa kapatid ko. Para akong batang nagsusumbong sa aking ina.

"Sssshhhh...." Nakatulog naman ako habang umiiyak at yakap-yakap ng kapatid ko.


Nalaman naman nina mommy at daddy na walang kasalang magaganap. Sobrang humingi ng paumanhin ang mga magulang ni Rhea. Sinabi ko naman sa kanila na wala silang kasalanan.

Sobrang nalungkot sila mommy para sa akin. Ayoko sa lahat ng kinakaawaan ako kaya kahit mahirap, pinilit kong maging masaya. Alam kong hindi sila naniniwala na okay na ako agad.

Halos araw-araw, gabi-gabi ako umiiyak. Hindi ko pa din matanggap na iniwan ako ni Rhea. Ganun na lang yun? Ganun niya kabilis itapon ang pinagsamahan namin.

Pakiramdam ko namamanhid na ako. Wala ng maramdaman kaya isang umaga, nakatapat ako sa may salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Nangangayayat na ako, malaki ang eyebags. Hindi kasi ako nakain ng maayos. Puro chips at beer ang laman ng sikmura ko. Hindi din ako makatulog ng maayos, makakatulog pa ba ako ng mahimbing?


Payne Sisters Series: Iris LayneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora