Chapter 4

6.6K 222 25
                                    

Helena




Busy ako sa pag cocompute ng grades ng mga estudyante ko. Math professor ako, 1st year college ang mga tinuturuan ko ngayon. Patapos na din ako sa grade ng mga estudyante ko, bakasyon na kasi nila.



Habang busy ako sa pagcompute ng grades, may biglang kumatok naman mula sa pinto ng library dito sa bahay namin.


"Come in." Sambit ko.


"Hi. Naistorbo ba kita?" Hinubad ko naman yung suot kong eyeglasses tsaka hinarap si Zaireen.



"No. Patapos na din naman ako sa ginagawa ko. Maupo ka." Tinuro ko naman yung upuan sa harap ko.



"May kailangan ka ba?" Diretsang tanong ko sa kanya.


"Magtatanong lang kasi ako kung ano yung mga requirements sa school kung saan ka nagtuturo. Mag e-enroll kasi yung kaibigan ko." Sinabi ko naman sa kanya yung mga kailangan.



"Salamat, Helena. So sa Saturday ha?" Tumango naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. Nagpaalam naman siya agad.


-

Pagkababa ko may naririnig akong nagtatawanan. Kumunot naman yung noo ko ng makita ko yung babaeng sobra akong inisin.

Buhat niya yung pamangkin kong si baby Margo. Si mommy at Samara naman nilalaro si Margo. Tumikhim naman ako para maramdaman nila ang presensya ko.


"Oh, Helena. Akala ko hindi ka na bababa at magkukulong ka na naman sa library. Batiin mo naman yung bisita natin." Sabi ni mommy sa akin. Binalingan ko naman si Iris na tinaasan pa ako ng kilay, inirapan ko naman siya.


"Wala talagang manners." Rinig kong bulong ni Iris. Bubulong na lang pero yung maririnig pa.


"Hay nako, pagpasensyahan mo na si Ate. Menopause na kasi kaya palaging masungit." Humagikgik pang sabi ni Samara kaya nagtawanan sila, maging ang walang alam na si Margo ay nakitawa din kaya lalo silang nagtawanan.


Inis na iniwan ko sila sa living room. Nagpunta na lang ako sa may pool.


"Nandito ka lang pala. Tawag ka na ni tita. Kakain na daw." Kumunot naman yung noo ko ng marinig kong nagsalita si Iris.


"Hindi ako gutom." Tipid kong sabi sa kanya.


"Tignan mo nga yang sarili mo. Ang payat payat mo kaya kumain ka na. Tara na." Hinili niya pa yung braso ko.

Napasinghap naman ako dahil may kakaiba akong naramdaman ng hawakan niya ako. Ang init ng palad niya kaya naman agad kong binawi yung braso ko at umatras.




"I don't care kung ang payat payat ko na. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Kaya bumalik ka na dun. Kayo na lang ang kumain." Naningkit naman yung mga mata niya. Lumapit siya sa akin at ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa mahulog ako sa pool.

Pakshet! Hindi pa naman ako marunong lumangoy.


"Aaahhhhh! Tu-tulong." Sigaw ko habang pinaghahampas ng mga kamay ko yung tubig.

Palubog naman ako ng palubog. Ang lalim pa naman ng pool. Natarantang tumalon naman bigla si Iris at sinagip ako.



"I'm here na." Sabi niya ng bigla siyang yumakap sa beywang ko. Bigla naman akong napatingin sa kanya. Ang ganda ng mga mata niya. Ramdam ko yung init ng paghinga niya. Papalapit ng papalapit ang mukha namin. Napatingin naman ako sa labi niya. Nakita kong napalunok pa siya.



Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now