Chapter 18

6.2K 235 38
                                    

Iris Layne



Pagmulat ko ng nga mata ko, bumungad ang mukha ni Helena. Tumingin naman ako sa side table, nakita ko sa orasan na halos 5:30 pa lang ng umaga.


Napabuntong-hininga naman ako nang maalala ko yung nangyari sa amin kagabi ni Helena.


Dalawang beses na may nangyayari sa amin. Wala naman kaming relasyon. Pakiramdam ko tuloy nakikihati ako kay Rhea, alam kong okay na sila pero bakit hinahayaan ni Helena na humantong kami sa ganito. Sana kasi ako na lang yung piliin niya. Sana ako na lang yung mahalin niya.



Hinaplos ko naman yung mukha niya, buti na lang hindi siya nagising at mahimbing ang tulog niya. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, dinampian ko ng halik ang kanyang labi at dahan-dahan akong bumangon.


Pinagpupulot ko naman yung mga damit kong nagkalat sa sahig at sinuot na iyon. Hindi ko na kailangang pang magtagal dito.


Hindi na niya dapat ako makita pa dito at baka magmakaawa ako sa kanya na ako na lang ang piliin niya kahit na parang nakikisawsaw lang naman ako sa kanila ni Rhea. Ayokong maging ganun, ayokong magmakaawa at magmukhang kawawa nang dahil lang sa tanginang pag-ibig na yan.


Wala akong sinayang na minuto kaya pagkabihis ko palang, lumabas na ako sa kwarto ni Helena.



Dali-dali akong umuwi ng bahay at nag-impake. Balak kong sumunod na lang muna kay Allison. Balita niya sa akin, nakakatanggal stress daw ang lugar dun. Tahimik at sariwa ang simoy ng hangin. Marami din daw magagandang tanawin kaya naman hindi daw ako mababagot.


Pagkababa ko naabutan ko si mommy na nagbe-breakfast na, siyempre kasama niya si daddy. Hindi ko kinikibo si daddy dahil masama ang loob ko sa kanya. Ngayon lang din ako umuwi ng bahay dahil kina Johansen muna kami tumutuloy ni Ate Demi.



"Good morning mommy. Magpapaalam sana ako sa inyo. Magli-leave lang muna ako. Balak ko munang magbakasyon." Halata namang nagulat si momy sa akin dahil bihira lang naman kasi akong magbakasyon.




"No problema anak. Ako na muna ang bahala sa school. Tsaka you need some vacation din naman hindi yung puro trabaho ka na lang." Tumango-tango naman akk kay mommy.


Pasimple kong tinignan si daddy, busy lang siya sa pagbabasa ng diyaryo. Napabuntung-hininga naman ako tsaka humalik sa pisngi ni mommy at nagpaalam na.



Na-enjoy naman ako sa pagdadrive ko dahil nakakatanaw ako ng magagandang view. Nagpaalam na din ako kay Ate Demi na susundan ko muna si Allison at pinasabi ko naman kina Ate Demi na kapag hinanap ako ni Helena, wag nilang sabihin kung nasaan ako.

As if naman na hanapin ako ni Helena diba? Assuming ko naman. Kaya nga nasasaktan eh masyadong assuming.



Napatigil naman ako sa isang parang tiyangge. Baka kasi mamaya maligaw ako, mabuti na yung magtanong-tanong ako kaya naman itinigil ko yung sasakyan ko at bumaba.


May nakita akong babae na nakatalikod, sa kanya na lang ako magtatanong kaya naman nagsalita ako agad.


"Uhmm Miss, pwede magtanong?" Tanong ko sa babae. Humarap naman yung babae. Lihim akong napangiti dahil siya yung babaeng kinababaliwan ngayon ni Allison. Buti na lang nagsesend ng picture si Allison kaya nakilala ko siya. Siya si Geraldine.


Infairness ang ganda pala ni Geraldine sa personal. Tama nga din si Allison, masyadong biniyayaan ng dibdib si Allison. Natatawa ako kapag naaalala ko yung sinabi ni Allison na mas malaki pa daw yung boobs ni Geraldine kesa sa kanya.



Para namang na-estatwa si Geraldine sa kinatatayuan niya at natulala na lang bigla.


Hay nako! Lagot siya kay Allison kung makita siyang natulala sa akin.


Kaya naman winagayway ko yung kamay ko sa harap niya.


"Ahh... So-sorry po Miss." Paumanhin niya sa akin at parang natauhan na siya. Gusto ko sanang matawa eh.



"It's okay." Natatawang sambit ko sa kanya. Napansin ko naman na parang titig na titig siya sa akin at parang sinusuri mabuti ang mukha ko.



"Pwede ba akong magtanong?" Tumango naman siya. Pinakita ko sa kanya yung address ng bahay nila. Nagpanggap lang ako na hindi ko muna siya kilala.


Halata namang nagulat siya nang mabasa niya yung nakalagay na address sa pinakita ko sa kanya.


"A-ahmm... Diyan ho ako nakatira. Sino po kayo?" Magalang na tanong niya sa akin. Jusko parang ang tanda ko naman pero dagdag ganda points na din yun sa kanya dahil magalang siya.



"Ohh. I'm Iris. Iris Layne. Kapatid ko si Allison. You know her?" Tanong ko sa kanya na agad niyang tinanguan.


"Good. Tara na sumabay ka na sa akin." Alok ko sa kanya na sa akin na siya sumabay. Mabuti na yung kasama ko siya dahil mag gagabi na din baka maligaw pa ako.


Tahimik lang kami sa loob ng kotse ko kaya naman binasag ko yung katahimikan.


"So, kamusta naman si Allison? Masipag na ba?" Natatawang tanong ko sa kanya pati siya natawa na din. If I know natatawa siguro siya dahil wala talagang alam si Allison sa gawaing bahay noon pero sabi naman ni mommy sa amin natututo na daw si Allison na gumawa na ng kusa at hindi na i-aasa pa sa iba.



"Masipag na masyado." Natatawang sagot niya. Tumango naman ako sa kanya.


Hindi na ako ulit nagsalita pa dahil parang bigla akong nalungkot. Basta bigla na lang akong nalungkot nang maalala ko si Helena. Parang nanghina tuloy ako bigla. Parang si Helena ang kahinaan ko at kalakasan ko. Yung taong walang pakielam sa akin. Yung taong hindi nagagandahan sa akin. Nakakainis siya!



Pagkarating namin ni Geraldine sa bahay nila, agad ko namang naabutan na nagluluto si Allison kaya napangiti ako. Ang laki na nga ng pinagbago ni Allison. Binati ko naman yung nanay ni Geraldine.


Tuwang-tuwa naman si Allison nang makita niya ako kaya nagyakapan kami at nagkamustahan.


----

Short UD!





-ELMARTH_BLUE-

Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now