Chapter 3

6.9K 227 16
                                    

Iris Layne


Nagdadrive ako ngayon papunta sa school. Liliko na sana ako pero napansin kong may liliko din na sasakyan sa dadaanan ko.

Agad ko namang binilisan yung pagmamaneho ko para maunahan yung sasakyan na liliko din. Narinig ko pang bumusina siya, mabilis na binuksan ko naman yung bintana ng kotse ko at dumungaw ako tsaka nagflying kiss. Natatawang nagdrive na ulit ako.


Pagkapark ko ng kotse ko, saktong pagkababa ko eh kakababa lang din ni Miss na walang manners. Padabog pa niyang sinara yung pinto ng kotse niya at talagang magkatabi lang yung kotse namin. Napangisi naman ako ng maalala kong siya pala yung kanina base na din sa kotse niya.


"WHAT?" Pagalit niyang tanong ng mapansin niyang ngumisi ako.


"Good morning too, Miss Helena na walang manners." Lalo namang umasim yung mukha niya na parang anytime ay gusto niya akong kainin ng buhay. Kainin? Hmmm... okay lang kung kasing hot niya ang kakain sakin. What the heck Iris? Ang manyak mo. Kailan ka pa naging ganyan at sa babae pa talaga ha! Sabat ng isip ko.


"Tsk." Tanging nasabi na lang niya at nilagpasan ako.


Panay bati naman sa kanya ng mga estudyante na parang kiti-kiti na hindi mapakali. Yung iba naman halos mapanganga habang nakatingin sa naglalakad na prof. Yung iba naman nagtitili pa ng tanguan sila ni Helena.


"Bakit mo ako sinusundan?" Nakasimangot na tanong sa akin ni Helena. Naparolled eyes naman ako.


"Duhhh. Malamang dito ang way ng pupuntuhan ko. And hindi kita sinusundan noh! Assuming ka." Nakataas ang isang kilay kong sabi sa kanya. Lalo namang nagsalubong ang kilay niya.

"Dami mong sinabi." Sabi pa niya at mabilis na naglakad.


-

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin, naisipan kong pumunta sa may bakeshop. Nagpapauwi kasi sa akin si Allison ng strawberry cake. Tutal tapos ko na naman gawin lahat ng tinatrabaho ko kaya naman pwede ng umuwi.

Pagkapasok ko sa bakeshop binati naman ako ng mga crew, ngumiti naman ako sa kanila. Napansin kong yung ibang customer naman nila eh todo makatingin sa akin. Well, hindi ko sila masisisi dahil I'm gorgeous and hot! Yay! Ang hangin.

Nag-order naman ako ng strawberry cake at sinabi kong take-out. Dahil maraming umu-order, naghanap muna ako ng pwesto ko para makaupo. Nang may mahanap na ako akmang uupo na sana ako pero may nagsalita.


"Sinusundan mo talaga ako noh?" Gigil na binalingan ko naman ng tingin yung nagsalita.


"Ang kapal naman ng mukha mo para sundan ka! Sa ganda kong toh? Ikaw pa susundan ko. Duuhh! I don't like girls noh! Assumenera ka talaga." Malditang pagkakasabi ko sa kanya. Akmang magsasalita sana ulit pero may humarang pagitna sa pagitan namin.


"Hep, hep... Chill lang kayo guys. Madaming customer oh. Baka mamaya mag-alisan ang mga iyan dahil may nakikitang dalawang dragon na nagbabangayan." Sabi ng magandang babae. Bumaling naman siya kay Helena na naka crossed arms pa.


"Ikaw naman Ate, ikaw ang nauna eh. Nako! Bubunutin ko lahat ng ngipin mo kapag nalugi ang bakeshop namin." Ate? So magkapatid pala sila. Siya pala ang may-ari ng bakeshop.


"Bunutin mo na nga lahat. Putulin mo na din yang dila niya." Sabat ko na ikinatawa naman ng kapatid ni Helena. Sinamaan naman kami ng tingin ni Helena pero hindi naman ito pinansin ng kapatid niya bagkus hinila ako nito palayo kay Helena. Naupo naman kami ng medyo malayo sa pwesto ni Helena.


"Hi. I'm Samara Maxwell pala. Oooppsss, Cruise na pala hihi." Cruise daw? Naalala ko na, siya pala yung asawa ni Zaya na crush ko. Crush lang naman eh. Wala namang masama dun. Sinabi kasi ni Ate Demi sa akin na may asawa na si Zaya, yun pala ay si Samara. Humagikgik naman siyang nagpakilala sa akin at inilahad niya yung kamay niya.


"Hi. I'm Iris Layne Payne." Sabay abot ko ng kamay niya.

"Payne? Omg! Anak ka ni Tita Irina? Diba ninang ni Allison si Mommy?" Napatango-tango naman ako sa kanya.


"Kamusta naman si Tita Irina? Sabihin mo daan naman siya dito." Masayang sabi pa niya sa akin. Pansin kong magkaibang-magkaiba sila ng kapatid niya. Kung si Samara ay napaka masiyahin, si Helena naman parang dragon. Palagi atang galit, galit ata sa mundo.


"Sure. Sigurado ka bang magkapatid kayo ni Helena?" Nakasalung baba kong tanong sa kanya.


"Oo naman. Bakit mo naitanong?" Nagkibit-balikat lang ako.


"Para kasing palaging meron eh. Palaging high blood." Sambit ko sa kanya habang nakatingin ako kay Helena na busy sa pagtatype sa laptop.


"Hindi naman kasi ganyan si Ate dati eh." Napabuntong-hiningang sabi ni Samara.


"Ano nangyari at naging ganyan ang ate mo?" Curious kong tanong sa kanya.


"Gusto mo talagang malaman?" Seryosong tanong pa niya sa akin. Tumango naman ako. Bumuntong hininga ulit siya bago magsalita.


"Kasi ano..." Pabitin pa niyang sabi.


"Kasi ano?" Ulit ko pa.



"Kasi ano eh. . . . . Nakabuntis siya HAHAHAHAHA." Malakas na halakhak niya naman ang maririnig mo sa loob ng bakeshop. Ang gandang babae pero parang baliw lang eh. Natawa lang ako sa sinabi niya.


"Crazy. Hay nako, nalipasan ka lang ata ng gutom kaya kung anu-ano mga pinagsasabi mo." Natatawang sambit ko sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa at naging seryoso nanaman.


"Pero ayokong sabihin kung bakit ganyan si Ate. Ayaw niya kasi yung kinakaawaan siya eh. Tanong mo na lang sa kanya." Tatanong pa talaga eh hindi naman kami close.



"Eh hindi naman kami close ng sister mo eh. Ewan ko ba diyan sa ate mo at ang init ng dugo sa akin." Pansin ko kasing mainit ang dugo sa akin ni Helena. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya eh.


"Problema ba yun? Edi makipaglapit ka. Baka sakaling lumambot ulit ang puso niya at baka ikaw ang taong kailangan niya para magmahal muli." Hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi dahil pabulong yun at saktong dumating na yung order ko.


Nagpaalam naman na ako kay Samara at nagpasalamat sa oras ng pakikipagkwentuhan sa kanya.


"Ate, bakit ka ba nandito? Hindi ka naman na-order eh." Narinig ko pang sabi ni Samara. Nakita ko naman na ngumiti si Helena pero alam kong hindi abot sa mga mata niya. Ginulo-gulo niya naman yung buhok ni Samara.


Palabas na sana ako ng lingunin ko ulit siya. Nagtama naman ang aming paningin. Ngumiti naman ako sa kanya. Yung ngiting nakakalaglag panty at brief daw sabi ng mga friends ko, ang dami daw kasing kinikilig kapag nangiti o may nginingitian ako pero parang walang epekto ang ngiti ko kay Helena. Sinimangutan pa ako ng gaga kaya naman nainis ako at inirapan siya.



Inis na naglakad na lang ako papunta sa parking area.

Kalokang Helena na yun! Siya na nga itong nginingitian tapos sisimangutan lang ako. Kala naman niya ang ganda niya, mapanga naman. Bubulong-bulong ko sa sarili ko habang nagdadrive na. Pero maganda naman siya diba kahit mapanga? Nakakadagdag pa lalo ng appeal niya. Sabat naman ng isip ko.

No! Hindi. Ayoko sa maganda, gusto ko sa pogi. Pakikipagtalo ko sa isip ko. Tama! Sa lalaki lang dapat ako magkakagusto baka mamaya pag nalaman ni daddy na nagkakagusto ako sa isang babae baka atakihin na naman siya sa puso. Baka ikamatay na niya, ayokong mangyari yun.



¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤



Don't forget to vote guys :) Thank you :)

Payne Sisters Series: Iris Layneजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें