Chapter 15

6.1K 205 156
                                    

Helena




"Anak, totoo ba yung nakalap kong balita na fiancé mo na si Iris?" Naibuga ko naman yung iniinom kong kape sa tanong ni mommy sa akin.

Dali-dali kong kinuha yung pamunas para punasan ang bibig ko tsaka ako sumagot kay mommy.



"Saan niyo naman po yan narinig mommy?" Tanong ko kay mommy.



"Nakita ko kasi yung high school friend niyo nila Rhea eh. Sabi daw sa kanya ni Rhea na may fiancé ka na." Ano kayang pumasok sa kukote ni Rhea at pinagkakalat niya yun.


"Totoo ba anak?" Napalunok naman ako sa tanong ni mommy kahit na hindi naman iyon totoo. Hindi ako agad nakasagot dahil iniisip ko si Iris.


"Anak, alam mo naman na gaano kaayaw ng daddy niya sa pakikipagrelasyon sa kaparehong kasariaan diba?" Napabuntong-hininga naman ako.


"Alam ko po mommy and hindi po totoo yung tsismis na yon." Seryosong sagot ko kay mommy.


"Helena, alam kong gusto mo si Iris. Hindi mo yun maitatanggi sa akin dahil ramdam ko yun. Gusto ko siya para sayo kaso lang ang problema yung daddy niya." Natahimik naman ako bigla at napaisip sa sinabi sa akin ni mommy.


Oo, gusto ko si Iris pero natatakot ako ulit. Natatakot na baka masaktan lang ako ulit.


What if hindi ako kayang ipaglaban ni Iris sa daddy niya? Yung ate lang naman nila ang malakas ang loob na kalabanin ang daddy nila.


Paano pala kung pareho lang sila ni Rhea, na sa huli'y iiwan lamg din pala ako. Makakaya ko ba ulit?

----



Pagtapos naming mag-usap ni mommy agad akong umalis ng bahay para pumasok.


Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Iris. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman nagtago na lang ako sa bakanteng room buti na lang at nakatalikod siya.


Bakit ba ako nagtatago? Paano, kasama na naman niya yung lalaki na palagi niyang kasama. May pahampas-hampas pa siya sa braso ng lalaking yun. Halatang close na close sila. Selos ka lang eh. Sabat ng isip ko. Napailing na lang ako.


Naupo na lang muna ako, mamaya pa naman yung klase ko.


Ilang segundo pa lang akong nakaupo nang biglang may nagsalita kaya naman nagulat ako.


"Ano ka ba naman Iris! Papatayin mo ako sa gulat eh." Inis na sambit ko sa kanya. Napakagat labi naman siya na parang pinipigilan niya yung sarili niya na huwag tumawa.


"Sorry. So bakit ka pala nandito? Ang aga mo ata. Nauna ka pa sa mga estudyante mo?" Natatawang tanong niya sa akin kaya naman kumunot yung noo ko.


"Mahalaga sa akin ang oras kaya ayokong nalelate ako palagi." Saad ko sa kanya. Napatango-tango naman siya.


"Okay. Sabi mo eh. Sige. Bye. Babalikan ko lang muna si Charlie." So Charlie pala ang pangalan nung lalaking yun. At mas pipiliin niyang samahan si Charlie kaysa sa akin? Akmang aalis na sana siya nang pigilan ko siya.


"Saglit. Hind pa tayo tapos mag-usap." Pigil ko sa kanya kaya manghang pinagmasdan niya ako. Nagcross arms naman siya habang hinihintay na magsalita ako. Mas lalo siyang nagiging hot sa paningin ko.


"Bakit mo sinabi kay Rhea na fiancé kita? Alam mo ba na pinagkakalat ni Rhea iyon. Paano na lang kapag nalaman ng daddy mo yun ha?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Napakagat labi naman siya at napayuko.


Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now