Chapter 11

6K 194 15
                                    

Iris Layne



Hindi ko alam kung bakit bigla na namang nagsusungit sa akin si Helena.


Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung mayroon ba akong nagawang kasalanan sa kanya.


Simula ng sunduin ako ni Charlie sa bahay nila Helena, kinabukasan hindi na niya ako kinikibo tapos nagsusungit na naman siya sa akin. Palagi siyang iritado kaya hindi ko maiwasang magtampo sa kanya. Nakakainis kasi siya eh. Minsan hindi ko magets yung ugaling meron siya.


Pasalamat siya cute siya.

Cute lang ba talaga?

O edi sige, maganda na siya tapos ang hot pa niya. Ang lakas din ng sex appeal niya.

Ano kaya itsura niya kapag naka two piece? Ang yummy siguro ng abs niya. Hihi. Sabat ng malanding isip ko. Malandi? Baka manyak na isip? Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko.


Hindi kaya nagseselos siya kay Charlie? Pffftt. Bakit naman siya magseselos eh halata naman na hindi niya ako type. Ang sad lang. Tsaka wala naman siyang dapat ikaselos kay Charlie kasi pinsan ko si Charlie eh. Sure ka bang nagseselos yun? Mahirap mag-assume Iris. Masakit din ang mag-assume.


Habang naglalakad ako, napataas ang kilay ko nang makilala ko kung sino yung makakasalubong ko.


"Hi. Diba ikaw si Iris Layne?" Tumango naman ako sa babaeng nakangiti sa akin at seryosong nakatingin sa kanya.


"Alam kong friend kayo ni Helena. Pwede favor? Pakisabi naman na kung pwede mag-usap kami." Lalong napataas ang kilay ko.

Ang kapal naman ng mukha niyang utusan ako at lalong kumapal nang gusto niyang makapag-usap sila ni Helena. Biglang kumulo yung dugo ko eh.  Gustung-gusto ko siyang sampalin dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganun si Helena.



Pinakalma ko lang ang sarili ko at huminga ng malalim sabay buntong-hininga.


"Rhea, right? Ex fiancé ni Helena?" Napayuko naman siya sa tanong ko.



"Kung ako sayo, titigilan ko na si Helena. In the first place, ikaw ang nang-iwan na lang basta-basta sa kanya tapos ngayon maghahabol ka sa kanya? Ganun ka ba talaga? Hindi marunong makuntento? Sa pagkakaalam ko may boyfriend ka na eh. Kaya pwede ba tigilan mo na si Helena." Mataray kong sambit sa kanya sabay naglakad palayo sa kanya.


Pero bago pa ako makalayo sa kanya, may naisip akong kalokohan. Humarap ako sa kanya.


"By the way, She's my fiancé na pala. Don't worry, invited ka sa kasal namin." Nakangising sambit ko sa kanya sabay kinindatan siya. Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat.


Natatawang naglakad ako palayo sa kanya. Ngiting tagumpay naman ako habang naglalakad at masayang binati pabalik ang mga estudyanteng bumabati sa akin.


Poor Rhea. Ako ang makakatapat niya.


Paano kapag nalaman ni Helena yung pinagsasabi mo kay Rhea? Malilintikan ka talaga Iris. Sabat ng konsensiya ko.

Well, I don't care. I'm Iris Layne Payne kaya.


-


Nagpunta naman ako sa library dahil naisipan ko lang magbasa. Wala na kasi akong magawa sa office eh kaya naman naisipan kong pumunta ng library.


Kakaunti na lang yung tao sa library. Pagabi na din kasi.

Naghanap naman ako ng babasahin ko. Nang makahanap ako, naghanap ako ng pwesto ko sa may dulo.

Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now