Chapter 9

6.2K 236 22
                                    

Iris Layne



"Hi. Good afternoon. Nandiyan ba si Samara?" Tanong ko kay Olivia.



"Good afternoon din. Opo. Nandiyan si Ma'am Samara." Magalang na sagot naman ni Olivia. Saktong biglang labas naman ni Samara.


"Irisss!!!" Masayang tawag niya sa akin at tumakbo palapit sa akin.

Parang bata lang talaga kung umasta si Samara. Nakipagbeso naman ako sa kanya.


"Bakit ka pala napadpad dito? A. Dahil oorder ka ng cakes, cupcakes or what. B. Hinahanap mo si Ate? C. Dahil siguro nagagandahan ka sa akin. Siguro naiinlove ka sa akin noh?" Napatakip naman ako ng bibig ko at hindi makapaniwalang tinignan siya.



"Oh my gosh! Seriously? Hahahaha. Ang funny mo talaga Sammy." Tawa-tawang sambit ko sa kanya. Samantalang siya parang proud na proud pa.


"Sa ganda kong toh? Sino ang hindi maiinlove sa akin? Pero sanay na naman ako eh. Ganun talaga kapag dyosa. Sorry na lang kayo dahil kay Zaya lang ako hihi." Napailing na lang ako sa kahanginan ni Samara.


"May itatanong lang sana ako sayo, about sa kapatid mo." Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Samara. Mukhang inaantay niya yung sasabihin ko kaya nagsalita ako ulit.


"Kaya ba ganun si Helena kasi iniwan siya ng babaeng papakasalan niya?" Tanong ko kay Samara. Napabuntong-hininga naman siya.


"Oo. Iniwan na lang siya ni Ate Rhea basta-basta ng walang magandang dahilan." Malungkot na kwento niya.


"Alam mo ba nagtangkang magpakamatay si Ate Helena. Hindi niya lubos na matanggap na hindi natuloy ang kasal nila. Buti na lang nandun kami nila mommy kaya naitakbo pa namin siya sa hospital."


"Para ngang nawala si Ate sa katinuan nung iniwan na lang siya basta-basta eh. Pagkalabas niya ng hospital minsan tulala lang siya. Nagpapasalamat kami dahil isang araw, bumalik na siya sa dati pero alam naman namin na hindi totoo ang mga ngiti niya. Ayaw niya lang kasi ng kinaaawaan siya." Nashock naman ako sa kwento ni Samara.

Grabe, ganun niya ba talaga kamahal yung babaeng yun? Nagawa pa niyang magpakamatay? Nahihibang ba siya? Dahil lang sa babaeng yun! Madami namang iba diyan na kayang suklian yung pagmamahal niya.


"Uy, huwag mong sasabihin kay Ate na kinuwento ko sayo ha?" Tumango naman ako kay Samara.


"Paano mo pala nalaman yung about dun?" Tanong pa niya. Nagkibit-balikat naman ako.


"Naglalakad kasi ako kahapon tapos napahinto ako ng may marinig ako na parang may nagtatalo sa bakanteng classroom. Tapos nalaman ko na si Rhea at Helena pala yung nagtatalo." Kwento ko sa kanya.


"What? Si Rhea? Bakit naman siya napadpad doon?" Nagkibit-balikat lang ako sa kanya.


"Base sa narinig ko, pinagpalit sa lalaki yung ate mo." Pansin ko na biglang nainis si Samara at napahampas sa lamesa kaya napatingin sa amin yung ibang customer.


"Kaya pala niya iniwan si Ate dahil ang gusto niya eh lalaki na? Napaka harot pala nung Rhea na yon!" Galit na saad niya.


"Kaya pala walang kibo si Ate kagabi. Hindi na nga siya nakapag dinner eh. Tapos kaninang umaga, sabi ni mommy sa akin hindi daw bumaba si Ate Helena. Hindi daw kumain ng breakfast. Hindi din daw pumasok." Kaya pala hindi ko siya nakita kanina. Bigla akong nag-alala kay Helena baka mamaya kung ano na naman ang gawin niya.


"Hala! Baka mamaya kung ano na ang gawin niya." Natatarantang sabi ko kay Samara.


"Mabuti pa na puntahan mo siya sa bahay." Wala sa sariling tumango ako kay Samara at nagmadaling lumabas.


Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now