Chapter 17

6.8K 255 64
                                    

Iris Layne



"Iris, Hey... Tama na. Tumahan ka na." Malungkot na sabi sa akin ni Ate Demi pero hindi ko siya pinansin at nagtakip ako ng unan. Iyak pa din ako ng iyak.


Nalaman ko kasi na okay na si Rhea at  si Helena.

Si Helena na napaka T A N G A ! Tangna niya!


Sobrang sakit lang kasi kung kailan sure na sure na ako sa nararamdaman ko sa kanya at handa ko siyang ipaglaban kay daddy, eh doon ko naman malalaman na nagkabalikan na pala sila Helena. Sinabi sa akin ni Samara nung isang araw.


Kaya heto ako ngayon, iyak ng iyak kahit na wala naman naging KAMI.


What do you expect?

Ganun naman palagi diba?


Yung lihim kang nagmamahal tapos lihim ka din na masasaktan.



Narinig kong bumuntong-hininga si Ate Demi.


Hindi lang ako ang may problema sa love life, kung love life ba ang matatawag ko doon.


Si Ate Demi din kasi. Hindi sila okay ni Ate Zaireen. Ewan ko ba dito kay Ate Demi, napaka pabebe masyado. Pakipot pa. Dyosa na nga yung nalapit sa kanya, tinatanggihan pa yung grasya.


Kung ako yung kinukulit ni Ate Zaireen, malamang hindi ko yun papakawalan kaso si Helena lang naman yung gusto ko talaga at siya lang ang mahal ko.


Sa kanya ko lang naramdaman ito. Hindi naman ako nakaramdam ng ganito sa ex boyfriend ko.


Ano bang mahika ang ginawa sa akin ni Helena? Hindi siya maalis sa isip at puso ko.

Maluluka na ako kakaisip sa kanya!


Ako ito, naluluka na. Siya siguro masaya. Masaya sa feeling ni Rhea.

Kapag naaalala ko yung impaktang Rhea na yun, kumukulo dugo ko.

Parang gusto ko siyang tirisin!!!

Ang kapal ng mukha niya.


Siya ang may kasalanan kung bakit kumalat yung tsismis na fiancè ko ni Helena.


Kasalanan mo din naman diba? Ikaw kaya nagsabi kay Rhea. Sabat ng isip ko.


Eh para tigilan niya na si Helena!


----


Panay naman ako iwas kay Helena sa tuwing masasalubong ko siya.


Ayokong makita yung nakakainis na pagmumukha niya.

Minsan nga nakikita ko pang pinupuntahan siya ni Rhea eh.

Todo makakapit naman sa kanya si Rhea na akala mo may aagaw kay Helena.


Ang sama pa ng tingin niya sa mga estudyanteng nagkakagusto kay Helena. Minsan nga tinatarayan pa niya.


Ang kapal din ng mukha niya, akala niya siya may ari ng school na ito. Sa akin kaya toh!


Gusto ko nga sana sabihin sa mga guard na huwag papasukin si Rhea eh dahil inis na inis ako sa pagmumukha niya lalo na kapag nakikita niya ako. Panay ngisi siya sa akin tapos todo harot pa kay Helena. Ang kapal ng mukha niya!


Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now