Chapter 7

5.9K 265 44
                                    

Iris Layne


Tawa ako ng tawa nang makaalis ako sa restaurant. Buti nga sa kanya yun, palagi niya na lang akong sinusungitan at binabara minsan.

Napangisi naman ako ng maalala ko na natutulala na lang siya kapag hinahalikan ko siya malapit sa labi niya. Ang sarap niyang i-tease hihi. Ang landi mo Iris! Sabat ng isip ko.

Siya na nga nilalandi eh. Swerte niya at siya lang ang nilalandi ko. Sagot ko sa isip ko.


-


Isang malakas na pagbagsak ng libro ang narinig ko, sa mesa ko pa mismo.


"Oh, what are you doing here baby? Miss me?" Pang-aasar ko kay Helena na halos namumula na sa galit. Ang cute niya hihi.

"May kasalanan ka sa akin! Kinuha mo yung wallet ko. Wala tuloy akong naibayad sa MGA KINAIN MO! At kinain ko. Pinaghugas tuloy ako ng maraming plato!" Nakasimangot na sabi pa niya.

Ako naman wala-walaan lang na parang walang naririnig. Halata namang nainis siya.


"Ohhh, I'm sorry baby. Sumabit kasi sa kamay ko yung wallet mo haha." Biro ko pa sa kanya. Inirapan niya naman ako.


"Don't worry babawi ako sayo." Sabi ko pa sa kanya at kinindatan siya. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Napaatras naman siya ng papalapit ako ng papalapit sa kanya. Napaupo pa nga siya sa may sofa eh.

"Huwag kang matakot baby. Hindi naman ako nangangain ng tao eh. Pero if willing kang magpaka---"



"Bastos!" Namumulang sigaw niya. Tawa naman ako ng tawa dahil sa itsura niya. Kumandong naman ako sa kanya.


"Bastos huh? Hmm..." Mapang-akit kong sambit sa kanya habang gumagapang yung kamay ko sa braso niya papunta sa leeg niya.

Inamoy-amoy ko naman yung leeg niya at hinalikan ko.


"I-Iris..." Medyo paos na tawag niya sa pangalan ko.

Napakagat labi naman ako ng tignan ko siya. Nakapikit pa siya. Mabilis na hinalikan ko siya sa labi niya at iniwan siya bigla.


Hahaha. Bahala siyang sumakit ang ano niya hahaha. Pakipot-kipot pa siya, bibigay din pala siya.


-

Habang naglalakad ako sa may hallway, panay bati naman ng mga estudyante sa akin. Nakakakita din ako ng mga magcouple.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit. Haaayy. . . Kailan kaya ulit ako magkakaroon ng love life? Siguro iniisip ng iba may boyfriend na ako dahil ang ganda ganda ko tapos ang sexy pa. Wow! Hangin Iris ah. Pero hindi lahat ng kagaya ko eh may love life. Baka naman kasi girlfriend? Siguro tama talaga ang sinabi ni Ate Demi mo na baka babae din pala hanap mo. Bigla namang pumasok sa isip ko ang nakasimangot na si Helena. May something sa kanya na hindi ko ma-explain. Attracted ako sa kanya, aaminin ko.


Hindi ko lang talaga lubos na maisip at malaman kung bakit parang sobrang seryoso niya. Hindi man lang ngumingiti. Ngingiti lang siya pero alam mong hindi iyon totoo. Parang pasan niya ang mundo eh, para bang sobrang laki ng problema niya.


Napahinto ako ng may marinig ako na parang may nagtatalo, sa tingin ko malapit iyon sa bakanteng classroom.


"Kaya mo pala ako iniwan sa ere dahil may iba ka na pala." Narinig kong sabi ng babae. Pamilyar yung boses niya. Hindi kaya si Helena yun?


"Ipagpapalit mo pala ako sa lalaki. Bakit Rhea? Mas masarap ba sila ha???" Bakas sa tono niya ang galit. Rhea daw? My gosh. Babae pala yung kausap niya.


"Hindi sa ganun Helena." Tama ako. Si Helena nga.


"Hindi ganun ha??? Ikakasal na tayo pero ano? Anong ginawa mo ha??? Nagmukha akong tanga. Pinagmukha mo akong tanga! Sana noon mo pa sinabi na may iba ka na palang nilalandi! Ang kati-kati mo naman! Ano haaaa??? Masarap ba si---" Hindi na natapos ni Helana yung sinasabi niya. Narinig kong parang sinampal siya nung Rhea.


Kaya pala ganun si Helena. Iniwan na lang pala siya basta-basta ng babaeng mahal niya. At ang masaklap pa'y ikakasal na pala sila dapat.

Nakaramdam ako ng inis doon kay Rhea. Nakaramdam din ng pain dahil halatang nasasaktan si Helena. Nakaramdam din ng selos dahil parang mahal niya pa si Rhea? Wait? No! Hindi ako nagseselos noh!

"Hindi ako ganung klaseng babae! Alam mo yan." Naiiyak na sabi nung Rhea.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Helena. Dali-dali akong lumayo paalis ng classroom. Baka mamaya makita pa ako ni Helena na nakikinig sa kanila. Baka sabihin pa na tsismosa ako.


Paalis na sana ako ng may masanggi ako. Naman! Ang clumsy ko naman masyado. Pagtingin ko, basag na paso.


Hindi lang yun, may bonus pa.


"Ma'am! Ilag!" Huli na ng umilag ako dahil tumama sa akin yung bola ng soccer.


Kasabay nun ang pagdilim ng paningin ko at napapikit ako. Hindi ko alam kung may sasalo ba sa akin o wala basta ba gusto ko lang mahiga. Naramdaman ko na lang na parang may sumalo sa akin. Naramdaman ko pa yung kamay niya sa beywang ko.


"Iris! Iris!" Sinubukan kong imulat yung mga mata ko pero nahihilo ako.


Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.

"Buti naman at gising ka na. Kamusta pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napakagat labi naman ako para pigilan ang kilig ko. Nahihiyang tumango ako kay Helena.

"Hindi ka na ba nahihilo?" Tanong pa niya. Umiling naman ako sa kanya.


"May masakit ba sayo?" Tanong niya nanaman. Umiling ako ulit.


"Puro tango at iling lang ba isasagot mo sa akin? Napipi ka na ba?" Napasimangot naman ako sa kanya. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na yung pagiging concern at caring niya.


Bigla akong tumayo. Okay na sana kaso bibirahan niya na naman ng ganun. Kaso pag tayo ko bigla akong nahilo.

Buti na lang naalalayan ako ni Helena. Ang bango niya, hindi ko maiwasang maamoy siya. Ang lapit lapit kasi namin sa isa't-isa. Ang manly ng amoy niya.


"Tinatanong kita kanina kung ayos ka lang. Sabi mo okay ka lang pero mukhang hindi pa."

"Nagtext sa akin si mommy mo. Tinanong kung okay ka lang. Sabi ko, ako na maghahatid sayo." Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin. Hindi na ako tumanggi pa dahil ang haba haba na ng hair ko.


Napakunot noo ko ng may umepal.


"Uhhmmm, Helena... Kailan tayo ulit mag-uusap?" Napataas naman ang kilay ko sa babaeng nagtanong kay Helena. Si Rhea siguro siya. Hmmm... Laking ganda ko naman sa kanya. Nagbubuhat ng sariling bangko Iris?

"We're done talking, Rhea. Alis na kami." Cold na sagot niya kay Rhea. Buti nga sa kanya. Sinaktan-saktan niya si baby Helena ko tapos gusto niya pang makausap! Neknek niya!

Ngiting abot tenga naman ako ng mag-umpisang maglakad na si Helena habang buhat ako. May mga ilang estudyante pang nagbubulungan habang nakatingin sa amin.

"Infairness, bagay silang dalawa." Narinig kong sabi nung isang girl. Lihim akong napangiti.


Bagay daw kami. Hihi. Yung babaeng nagbuhat naman sa akin parang walang paki sa mga naririnig niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan.

Lalambot din ang puso mo Helena. Sambit ko sa isip ko.


¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

:)

Payne Sisters Series: Iris LayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon