Chapter 5

6.7K 267 24
                                    

Iris Layne


"AJ, Kailan ba natin uumpisahan yung binabalak nating pagpapatayo ng bar?" Tanong ko sa kapatid ko sa kabilang linya.

Hindi kasi namin matuloy-tuloy yung binabalak naming business, kasi naman panay ang out of town niya.

"Kapag balik ko Ate. Promise yan. Kasi naman si mommy eh, pinapunta-punta pa ako dito." Lihim naman akong natawa. Pinarusahan kasi siya ni mommy.

Napakapasaway kasi niya at iresponsable pero kahit ganun siya mahal na mahal namin siya, matigas nga lang ang ulo niya.

"Nararapat lang sayo yan kiddo."

"Ate naman ehhh!!!" Maktol niya.

"Hahahaha. Bye, Aj--- WHAT THE HECK!!!" Gulat kong sigaw. Bigla kasing may nagbukas ng pinto. Hindi man lang kumatok.

"Ate? Ate? Still there? Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Aj.

"I'm fine. Don't worry. Bye for now Aj. I love you." Tinignan ko naman ng masama yung babaeng walang manners.

Bigla-bigla na lang bubuksan yung pinto. Hindi man lang kumatok mygad! Napansin kong kumunot yung noo niya. As usual. Wala namang bago. Para siyang palaging may dalaw o parang menopause na. Pffttt!

"What are you doing here? Bakit hindi ka man lang kumatok?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Kanina pa ako nandito and kumatok ako pero mukhang hindi mo narinig dahil busy ka sa pakikipag-usap sa boyfriend mo." Napaangat naman yung gilid ng labi ko. Seriously? Akala niya boyfriend ko yung kausap ko? Pfftttt... Well, medyo panlalaki nga naman yung nickname ni Allison.

"Whatever. So anong ginagawa mo dito?"

"May seminar kasi ako.."

"So? Bakit mo sinasabi sa akin yan? Girlfriend mo ba ako?" Umasim naman yung mukha niya. Namumula na din siya na parang nagpipigil na huwag magalit.

"May seminar ako at kasama ka. Hindi pa kasi ako tapos magsalita. Putak ka ng putak diyan. Napaka assuming mo din masyado." Natawa naman ako ng mahina.

"F.Y.I, hindi ako assuming. Ikaw naman choosy pa. Sa ganda kong to? Assuming? Sa dami ng naghahabol sa akin?" Halos gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Sobrang namumula na siya sa galit.

"Fuck you!" Inis niyang sabi.

"Oh, you want to fuck?" Mapang-akit na tumingin ako sa kanya.

"Bastos ka!" Inis na sigaw niya sabay tumakbo palabas. Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan ko pagkalabas niya.

Ang sarap niyang inisin. Mas lalo siyang gumaganda. Mas gaganda siguro siya kapag nakangiti siya. Palagi kasi siyang nakasimangot at ang seryoso niya.

Minsan nga ng mapadaan ako sa room na tinuturuan niyang section, napaka seryoso niyang magturo. Habang yung mga estudyante naman niya eh titig na titig sa kanya at todo kinig na para bang takot sa kanya kapag nahuli kang hindi nakikinig. May kung anong lungkot din akong nababasa sa kanyang mga mata. Tinanong ko naman yun sa mommy niya pero isang tipid at malungkot na ngiti lang ang sinagot sa akin.

-

Panay naman ang bati sa akin ng mga estudyanteng nasasalubong ko. Nginingitian ko naman sila. Napadaan naman ako sa room ng tinuturuang section ni Helena. Alam na alam ko no? Well, inalam ko talaga. Bakit? Wala lang.

"Simpleng equation lang yan pero hindi mo masagot! Puro kasi papogi at yabang lang ang alam mo Mr. De leon!" Narinig kong sigaw ni Helena.

Simpleng sumilip naman ako. Hindi niya ako napapansin kasi nakaharap siya sa estudyanteng pinapagalitan niya.

Payne Sisters Series: Iris LayneWhere stories live. Discover now