Apple 4 : New Classmate

21.1K 852 50
                                    



4 : New Classmate

---



ROOM 610.

"Finally! I found you." Ani ni Snow sa kanyang isip at itinapat ang daliri sa fingerprint scanner. Bumukas naman ang pinto at agad siyang pumasok doon.

Hindi maiwasan ng dalaga na tignan ang paligid. "I thought this is a dorm?" Sabi nito sa sarili niya.

Napataas ang kilay ni Snow habang nag-lilibot libot sa asighed room number niya. Hindi niya alam kung bakit dorm ang tawag sa lugar na ito keso mas muka naman itong condo sa laki. Meron itong maluwag na sala at maayos na kitchen. Meron rin itong second floor na may dalawang kwarto, walkin closet at computer room.

"This place is f*cking fine." Ani nito at pumasok sa isang kwarto na may walkin closet.

Tinignan ni Snow ang paligid at hindi maiwasang makuha ng isang frame ang atensyon niya. Lumapit siya dito at tinitigan mabuti ang larawan na nakalagay rito. "The both of you went to this school right, oni-chan?" bulong ni Snow habang nakatitig sa larawan nilang tatlong magkakapatid. Napailing nalang siya at sinimulan ng ayusin ang mga gamit niya.

Matapos niyang mag-ayos at makapaglinis ng katawan at agad siyang nahiga sa kama. Dahil narin sa pagod at meron pa itong jetlag ay agad ng nakatulog ang dalaga.


KINABUKASAN ay maagang nagising si Snow. Hindi maiwasang libutin ng dalaga ang paligid at tsaka lang nito naalala na nasa Pilipinas nga pala siya at dito na magsisimula ang bago niyang buhay sa bago niyang paaralan. Kahit ayaw niya pang bumangon ay wala rin siyang magagawa at isa pa, gutom na siya.


HINDI MAIWASANG mapairap ni Snow habang naglalakad dahil sa mga tingin na binibigay sa kanya ng mga nadaraanan niya. Walang emosyon na diretso lamang siya na naglakad habang natatakpan ang mata nito sa suot na black cap. Nakasuot rin ito ng earphones na nasa full volume. Ayaw niyang marinig ang mga nasa paligid dahil alam niya sa sarili niya na baka hindi siya makapag-pigil at maaga palang ay dadanak na agad ang dugo sa paligid.

Snow sighed at pumasok sa unang restaurant na nakita niya. Walang pagkain sa dorm niya at wala rin siyang maluluto kaya no choice siya kundi kumain sa labas.

Hanggang sa pagkain ay damang-dama niya ang mga tingin ng istudyante sa loob ng kainan, kahit ang mga napapadaan sa labas ng restaurant ay napapatingin sa gawi niya. Hindi ito pinansin si Snow at diretso lang na kumain.


[ Tuesday, 9:37 am ; Mavros University ]


Hindi maiwasan ni Snow na tumingin sa paligid niya. Malaki at modern design ng Mavros University. Napaisip naman ang dalaga kung bakit tapunan ng brats and deliquents ang school na 'to kung ganito pala kaganda ang iskwelahan.

Isa pa sa napansin niya ang uniform na suot ng mga istudyante. Dahil maaga siyang nagising kanina ay gumawa muna siya ng research tungkol sa M.U. Nahahati sa tatlong klase ang mga istudyante ng Mavros;

First, brats, troublemakers and bullies are wearing a color red uniform. Ito ang mga istudyanteng walang ginawa sa buhay kundi magpasaway at manggulo ng buhay ng ibang tao o istudyante. Ito ang mga wala ng control at mga istudyanteng ayaw ng magbago, in other words they are good for nothing.

Second are the students who doesn't give a fuck wears a color white uniform. Ito ang mga istudyanteng walang pakialam sa paligid nila at mga istudyanteng walang balak maging parte ng org, frats and gangs. Ito ang mga istudyanteng tahimik ngunit hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa iniisip. Dito kabilang si Snow.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon