Apple 48 : Monster in the Field

6.1K 250 35
                                    

This chapter is dedicated to Bianxx_SC Thank you for commenting a lot on my other story. I haven't received that for a while so it made me happy. Have a nice day :))

48 : Monster in the Field


"KING!"

FROST

Agad akong napalingon sa kilod ko nang marinig ang sigaw ni Von. Mabilis naman akong umatras at sinipa ang kamay ng kalaband dahilan para humagis ang hawak niyang patalim."Woah, that was fucking close!" kinabahan ako dahil sobrang lapit non sa leeg ko.

"Aba gago ka ha." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Javier sa harap namin at sinunggaban ng suntok ang mapangahas na umatake sa akin. "Walang pwedeng manakit sa leader namin hayup kang animal ka!" gigil nito at sinampal pa muna bago binigyan ng headbutt.

Ayon knockout.

Napangiwi ako. Siguradong masakit 'yon. "Thanks, man." Aniko. Sumaludo naman siya bago bumalik sa pakikipaglaban sa iba.

Ako naman ay sinubukan takbunin ang daan papasok ng gusali. Hindi ko alam kung nasaan si Snow sa loob niyan ngunit kahit abutin pa ko ng umaga, hahalughugin ko talaga ang buong 'yan mahanap lang siya.

Ngunit hindi ganon kadali 'yon.

May humarang na tatlong black ones sa harap ko at sabay-sabay akong sinugod.

Mabilis ko namang iniwasan ang mga ito at binigyan ng malalakas na ganting atake. Kanina ko pa napapansin na mas maraming lumalapit sa akin kumpara sa iba kong kasama. Mukang ako ang puntirya nila.

Tumakbo ako upang salubungin ang paparating na dalawa. Sa pag-aakala ng isa na susuntukin ko siya, mabilis niyang itinaas ang isa niyang braso upang iharang sa mukha niya ngunit doon siya nagkamali. Mabilis akong yumuko at buong pwersang tumama ang kamao ko sa sikmura niya. Napahulod ito at napaubo ng dugo.

Agad ko namang inangkla sa balikat niya ang mga palad ko upang gamiting suporta at tsaka sinipa ng malakas ang kasama niya. Napaikot pa ito bago bumagsak hawak-hawak ang basag niyang mukha.

Matapos ay tinuhod ko itong isang nakaluhod sa mukha bago harangin ang kamao na dapat ay tatama sa gwapo kong mukha. "Hindi ka ba na-inform na kung sino ang mag-tangka na galusan ang mukhang 'to ay mapaparusahan?" tanong ko dito.

"Hindi at wala akong pake." Sagot nito at ginamit ang isa pang kamay upang masuntok ako. Sa gulat ay napaatras ako. Aba aba!

Okay, tapos na joke time. Seryoso na ulit.

Balak ko sanang gumanti ngunit nagulantang ako sa mga susunod na pangyayari.

"Pwes, simulan niyo ng magkaroon ng pake." Isang malamig na tinig mula sa likod ng kalaban ko. Tumaas ang mga balahibo ko sa tono non at mas lalo pa akong kinilabutan nang unti-unting dumulas ang ulo ng kaharap ko hanggang sa gumulong ito sa lupa.

Nanlalaki ang mga mata ko na pinagmasdan bumagsak sa lupa ang katawan nito. Holy shit. Sumisirit-sirit pa ang dugo nito.

I look back at the one who've done that. I froze when I met her eyes. Holyshit. I miss those eyes but right now, it's terrifying to see how much it screams danger and blood thirst.

Natahimik bigla ang paligid. Mukang naramdaman ng lahat ang nakakatakot niyang presensya dahil nabaling ang tingin nilang lahat dito.

Her presence alone is enough to make everyone on silence.

"Snow..."

Nawala bigla ang nakakatakot na tingin nito at napalitan ng tuwa nang masalubong ang tingin ko. "Frost!" natutuwang sigaw niya patakbong niyakap ako na agad ko namang ginantihan.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon