Apple 24 : COG - First Night

13.7K 581 134
                                    


Apple 24 : COG – First Night




Gulat at nanlalaki matang nakatingin ang grupo ni Frost sa katawan ng isang lalaki na wala ng buhay. Pinanood ng mga ito umagos ang dugo mula sa pagitan ng mga mata nito. Hindi makapaniwala na binaling nila ang tingin kay Snow na parang wala lang ang nagyari habang pinagpapatuloy nito ang pagkain ng mansanas.

"H- How..."

"That... That is the first skill that you lack." Aniya. Napanga-nga naman ang mga kalalakihan.

"What the heck...?"

Tinapon lang ni Snow ang buto ng mansanas kung saan at lumapit sa lalaking binawian niya ng buhay. Sinundan lang nila ng tingin si Snow habang ang babae ay walang takot na hinugot muli ang patalim sa ulo ng lalaki. Napapikit naman ang iba sa kanila.

"Enough with the shock. The game already starts and my instinct says that we should get going now before the others find us." Saad ni Snow at nagpauna na ng lakad. Sumunod naman agad sila. Bakas parin ang mga gulat sa mukha nito.

"How'd you know that there's someone following us?" Frost asked and held her hand.

Snow shrugged. "I just know. I can feel it. Noong huminto tayo, doon ko lang talaga nalaman kung nasaan siya." Aniya at tinignan ang kasintahan, "I am a very well trained assassin, Frost. Baka nakakalimutan mo kung ano at sino ako." Napalunok naman ang binate sa sinabi nito.

Oo nga. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan kung sino talaga ang isang Snow White. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya makapaniwala na ang babaing kahawak kamay niya ngayon ang kinatatakutan at isa sa pinakadelikadong assassin sa buong mundo.

Huminga siya ng malalim at tinignan si Snow na napakakalmado na para bang normal lang ang lugar na nilalakaranan nila at walang grupo na balak patayin ito. Kakaibang babae. Hindi manlang marunong matakot para sa sarili. Napailing nalang siya nang hilahin ng dalaga ang kamay niya at lumiko sa isang daan.

Hindi nagtagal ay nakarating sila sa parte ng gubat na magkakalayo ang mga puno at tama lang ang taas hindi katulad ng kanina.

"Nice. Sabi na nga ba dito iyon." bulong ni Snow sa hangin ngunit narinig niya parin.

"Ang alin?"

"Ang parte na 'to. Naalala ko kasi ang daan."

Napakunot naman ang noo niya. "Paanong...?"

"Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako rito. The day I stole the top 10 position, kalalabas ko lang sa gubat noon." Kaswal na sabi ng babae na puwang ng mga labi niya.

"Are you freaking serious?! Wala pang nakakalabas ng buhay sa gubat na 'to ng mag-isa lalo na kung hindi COG." Aniya na nagpangisi kay Snow.

"Oh, well, hindi naman ako tinawag na Silent Devil sa wala." Saad ng dalaga at binigyan niya ng makabuluhang tingin at kindat.

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Frost sa ginawa ni Snow. Damn, this woman really has an effect on him. Like literally so much. But he don't hate it.

Mas lumalim ang gabi habang sila ay patuloy parin sa paglalakad. Minarkahan naman ni Yuta ang dinaraanan nila sa paraan na hindi mahahalata ng ibang players. Dumating naman ang iba nilang kasamahan na humiwalay sa kanila kanina upang maghanap ng lugar na paghihintuan nila para sa gabing iyon.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon