Apple 9 : Warning

19.2K 738 99
                                    



9 : Warning



FROST


"S- so one of the f- famous writer in C- china is..."

Napahikab naman ako sa sobrang ka-boringan ng klase. Hindi na ako nag-abala pang makinig at tumanaw sa labas, mukang uulan dahil makulim-lim. Nababa naman ang tingin ko sa katabi kong upuan, wala pa siya. Bakit wala pa siya?

*tsik*

Napatingin ako sa mga kaklase ko nang matamaan ako ng isang papel. Kanina pa sila ganyan, hindi ko nga alam kung bakit nag-aabala pang mag-turo ang mga guro dito e wala namang nakikinig sa kanila. Ni hindi nga nila kayang sawayin ang mga istudyante dito e. Maingay at magulo ang klase, muka ngang wala kami sa paaralan kung tutuusin uniporme lang talaga ang nag sasabing istudyante kami.

"Sorry king!" sigaw ng nakatama sa akin.

Bumuntong hininga nalang ako at tumingin nalang muli sa labas, mukang uulan, makulim-lim eh. Ngunit ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pag bukas ng pinto at pumasok dito ang kanina pa hinahanap ng mata ko. Napahinto sa pag-kilos ang lahat at natahimik. Iba talaga ang dala niya sa section na 'to.

Huminto naman siya sa unahan at tinignan ang guro sa harapan na napahinto rin nang makita siya. Bigla itong ngumisi, "Ayoko mag-klase, LABAS." utos nito. Ramdam ko ang otoridad sa tono niya.

O.O

Nanlaki naman ang mata ni Ms sa unahan, nahulog pa nito ang hawak niyang chalk sa gulat. Dali-dali nitong kinuha ang mga gamit niya at tsaka nag mamadaling tumakbo palabas ng klase. Woah.

Napanga-nga naman kami sa nangyari pero maya-maya ay sabay-sabay na nag tilian ang mga kaklase ko sa tuwa. Damn, how can she be so cool?

Napangisi naman muli siya at dumeretso sa katabing upuan ko. Hinubad nito ang suot niyang sumbrero at pumalumbaba na tumingin sa labas. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanya. Honestly, she's so beautiful. Ramdam ko rin ang mga tingin sa kanya ng mga kaklase ko, lalaki kaming lahat for pete's sake siya lang ang nag-iisang babae sa section na 'to.

"Hey," tawag ko sa kanya. "About what happened yesterday..."

Bigla siyang lumingon sa 'kin kaya nagulat ako, "hmm?" tanong niya. Bigla akong kinabahan, sht malamang Frost tinawag mo edi lilingunin ka talaga niya tanga!

"Y- Yung kahapon..." tanga 'wag kang kabahan!

"Anong meron kahapon?" kalmadong tanong niya.

N- Nakalimutan niya na ba? Dapat ko pa bang sabihin? Huwag nalang kaya... Tangna bakla bakit ba ako nag-dadalawang isip?! Kainis!

"Ano kasi—" balak ko na sanang sabihin nang makaramdam ako ng papalapit kaya natural lang sa sarili ko na mapasandal at iwasan iyon. Pero ang tanga lang dahil tsaka ko lang naisip na si Snow ang tatamaan sa biglang pag-iwas ko.

Nanlaki ang mata ko at nagulat nang hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya at parang wala lang na itinabingi ang ulo para maiwasan ito. H- How in the world?!

Natahimik ang paligid at biglang naalarma ang lahat, wala sa oras na sabay-sabay nag sitayuan ang mga kaibigan ko para protektahan kaming dalawa.

"H- Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ko dahil bigla siyang napatungo. TINAMAAN BA SIYA?!

Medyo napasandal naman ako nang maramdaman ko bigla ang pag-iiba ng aura niya which I think is not good. Inis niyang hinipan ang ilang buhok na humarang sa mukha niya at kitang-kita ko ang biglang pag kuyom ng mga kamay nito. Napapikit pa ito at pinatunog ang buto sa leeg. Damn, she looks... mad?

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon