Apple 49 : Game Over

5.8K 234 41
                                    

49 : Game Over

MATALIM ANG mga tinginan nang sumugod ang dalawang panig sa isa't isa. Mabilis ngunit tahimik. Halos tunog lamang ng mga kalansing kapag nagtatama ang mga patalim ng bawat isa.

Marahan naman nagulat ang dalawang magkapatid dahil hindi nila inaasahan na may ibubuga ang apat pang kasabay ni Mado ngunit hindi iyon sapat upang matibag ang kompyansa ng dalawa, sa halip ay mas lalo silang ginanahan makipag laban.

Mabilis na yumuko si Kurt upang iwasan ang isa at ginawang suporta ang kanang kamay upang mabuhat ang katawan at sipain ng sabay sa mukha ang dalawa pa.

He was facing three enemies while his brother, Levi, was facing only two but including Mado.

Nang muling mai-ayos ang tayo, agad niyang sinugod ng walang pag aalinlangan ang dalawa. Ginawa nitong panangga ang mga hawak na katana kaya buong lakas niya namang idiniin ang hawak na dagger sa mga 'yon. Bahagyang napaatras ang mga ito.

Partida, 12 inches na patalim laban sa 23 inches ng kalaban.

Naramdaman ni Kurt ang paparating sa kanyang likod kaya agad siyang umalis sa pwesto kasabay ang pag-ikot ng dagger sa magkabilang kamay tsaka inihagis ang isa.
Bumaon naman ito sa binti ng kalaban.

Hindi niya na ito pinansin at itinuon ang pansin sa dalawa pa na sabay muling sumugod sa kanya.
Itinaas niya ang isang kamay na may hawak pang dagger upang sanggain ang katana na dapat ay hihiwa leeg niya at malakas na sinipa sa tiyan ang may hawak nito kasunod ang pag-ikot pakaliwa upang iwasan ang isa pa.

Nang makita na nakatayo muli ang tinamaan niya ng patalim, agad niyang tinakbo ang distansya nila. Humiwa ito ng pahiga kaya't hinayaan niyang mahulog ang katawan at magpadulas papalapit dito. Para siyang nag rainbow-rack para lang maiwasan ang tira na 'yon. Kasunod ng pagpapadulas ay ang mabilis na pag dampot niya muli sa dagger na hinugot ng kalaban sa natamaang binti kasabay ang pag-hiwa niya sa likod ng tuhod nito.

Napaluhod ang kalaban kasabay ang paghiyaw nito.

Mabilis na bumangon si Kurt at sinabunutan ang nakaluhod na kalaban. Kasunod ng pag-angat niya sa ulo nito ay ang siya ri’ng pag-gilit niya sa leeg nito.

Sunod-sunod sumirit ang dugo mula doon.

ITINAGILID NI Levi ang katawan upang hindi tamaan ng patalim. Mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan nito tsaka tinuhod ang kamay. Humagis pataas ang katanang hawak nito. Kasunod naman nito ang malakas na pag-sipa niya sa kalaban. Tumalsik ito at namilipit matapos bumagsak sa simento.

Mabilis niyang sinalo ang katana na nasa ere at saktong pag-ikot sa likod ay ang pagtatama ang mga patalim nila ni Mado na balak siyang hiwain mula sa likod.

Ngumisi ang lalaki habang magka-krus ang mga patalim nila. “You fight well, Levi-san.” Anito.

Nginisian rin ito ni Levi at sinubukan itong sipain ngunit nakaatras na ito. “Thanks.” Aniya at siya na ang sumugod dito.

Mabilis ang mga galaw at maliksi ang bawat pag-iwas. Iniharang ni Mado ang hawak na patalim nang sinubukan siyang hiwain ni Levi sa tagiliran.

Lalong napangisi ang binata. Sa lahat talaga ng alalay ng matandang baliw na 'yon. Si Mado lang ang matagal niya ng gusto makalaban. And he was happy that Mado exceeded his expectations. Talagang magaling ito kahit na may katandaan na.

Levi slashed the katana downward aiming for Mado's right shoulder but the man easily dodge it by turning left. It was a swift move while trying to cut Levi’s abdomen. Fortunately, Levi was fast enough to stop the blade by blocking it using the dagger on his left hand.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon