Apple 30 : Her Nightmare

10.7K 456 115
                                    


Apple 30 : Her Nightmare



MATAPOS ang simple ngunit masayang handaan sa kaarawan ni Snow, kanya-kanyang balik ng mga kwarto ang magkakapatid.

"Lil' sis, slow down! Baka madapa ka!" sigaw ni Levi ngunit nakisama rin naman sa pag takbo.

"This is the best birthday!" masayang sigaw ni Snow habang tumatakbo papasok ng kwarto niya at agad tumalon padapa sa malambot niyang kama. "Dish ish da besh day evaahh!" sigaw muli nito sa kama habang nakabaon parin ang mukha sa kama.

"Noooo!!! HAHAHA!" napuno naman ng malakas na sigaw at halakhak ang kwarto ni Snow nang maramdaman niyang may pumatong na mabigat sa likod niya. "Onii-channnn! You're not magaan so get ouuttt!"

"No, princess, hahaha," ani Kurt at sinimulang kilitiin ang huli.

"Oh, god, noo—HAHAHA! Onii-chan stop it!" tawa ni Snow at buong lakas na pinipigilan ang kapatid. "Help me, kuya Levi! HAHAHA p- pleasseee!" aniya nang makita ang isang kapatid na tumatawa lang habang pinapanood sila.

"Ha Ha Happy Birthday, lil'sisss!! Grrr!" gigil na ani Kurt at kiniliti sa batok si Snow.

"NOOHAHHAHA! S- stoppp hahah! Can't take it hahaha anymore!" tawa nito. "KUYA—HAHAHA!"

"Nako, nako, nako," tinig mula sa pintuan ng kwarto dahilan para mapatigil ang tatlo sa pagtawa. "You guys are stubborn. I told you to sleep already. It's already 10 pm. Time to go to sleep." Ani ng ina nila habang naiiling.

Kinuha naman itong pagkakataon ni Snow upang makawala sa kapatid at mabilis na tumakbo papunta sa likod ng ina. Halos madapa-dapa pa ito. "Mom! Kuya Kurt won't stop kiliti me." Nakangusong sumbong nito.

Imbis na kabahan ang dalawang magkapatid, nakuha pa nitong tumawa-tawa. Hindi kasi nila mapigilan. Masyadong cute ang nakababata nilang kapatid. Masarap asarin.

Nailing naman ang ina nila. "Habang lumalaki, mas tumitigas ang mga ulo niyo." Anito. "What am I gonna do with this kids?" tanong nito na parang may malaking problema sa mundo ngunit ngiting-ngiti naman.

Natawa naman ang magkakapatid at nalipat ang atensyon sa pumasok nilang ama. "Oh, ba't gising pa ang makukulit na 'to?" nakataas kilay na tanong nito.

"Dad!" ani Snow at yumakap sa bewang ng ama. "Ayaw akong tigilan nila onii-chan." Nakangusong aniya.

"Talaga?" tanong ng ama. Mabilis naman na tumango-tango ang huli. "Kung ganon..." aniya at tinignan ang dalawang kapatid at tsaka binalik ang tingin kay Snow. "It's... tickling time!" he said while grinning and caught Snow in his arms to started tickling her.

"Waahhh!! MOM! HAHAHAH Help!!!" sigaw ni Snow. Natawa naman ang ina at may kislap ang mga matang pinanood ang pamilya na pag tulungan ang bunsong anak. Nakisama narin sa pagkikiliti ang magkapatid kay Snow. "Oh no—HAHAHA S- stop wohh! HAHAHA! Yaw ko na poo! Hahaha!" nanghihina at halos maluha-luhang sabi ni Snow.

Masayang naglalaro ang pamilya nang mag kakasunod na putok ng baril ang nag pahinto ng kasiyahan nila. Umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang pagkabasag ng mga salamin.

"Down! Down!" sigaw ng ama nila na agad naman sinunod ng iba. Nag katinginan ang mag-asawa, "You stay with the kids. I'll go get my gun." Anito at agad tumayo.

"Be careful." The wife said.

He looked at his wife. "I will." He said before running without a sound next to the room where they in.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon