Chapter 1: PANIMULANG MISTERYO

3.4K 73 17
                                    

Sa kinatatayuan ko ngayon nakikita kong nakabitin ang kababata kong si Gregor sa kwarto niya. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, magulo, makalat, maraming tao sa labas na nakikiusyoso. Nakita ko sa baba niya ang isang kutsilyo na binabalutan ng maraming dugo. Iniangat ko ang ulo ko upang makita ang kinalalagayan ng kababata kong malamig na bangkay na. Tinitignan ko ang buo niyang pagkatao hanggang makarating ang mata ko sa kaliwang kamay niya. May mga hiwa sa pulso.

Nalungkot ako bigla, di ko alam na magagawa niya iyon sa sarili niya. Kita ko naman sa kanya noong nabubuhay siya na masaya siya, na parang walang problema. Hindi ko akalaing aabot to ng ganito.

Si Gregor ? Tropa kami niyan. Matalino yan sa klase at magaling sumulat ng tula kahit noong elementary pa lang kami. Naalala ko, sa kanya ako nagpapasulat ng tula para sa crush ko.

Di pa man ako nakakalayo, habang naglalakad ako pauwi ay napatigil ako't napakunot ng noo dahil sa naalala.

"Teka, kaliwete yun si Gregor ah, edi dapat nasa kanan yung sugat niya sa pulso"

Tumakbo ako pabalik sa kanila. Wala na ang mga tao, ako na lang. Oo tama nga ako, akala ko mali lang ang nakita ko kanina. Nasa kaliwa nga ang sugat niya, dapat nasa kanan yun ! Ha ? Sinong gumawa non ? Akala ko nagsuicide siya ?

Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid, magulo, nagkalat ang mga libro, mga papel at kung ano pang gamit sa kwarto. Dito ako nag isip. Tama, di siya nagsuicide. Kung titignan mo kasi ang lugar na kinaroroonan ko ngayon iisipin mong may nag away at nagkagulo ang buong kwarto.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sakto namang pagtingin ko sa bangkay ng kababata ko sa taas, biglang may dugong kumalat sa damit niya sa parteng puso. Lakas loob kong sinilip ang ilalim ng damit niya. Nakita kong may saksak siya sa dibdib. Maaaring ibinitin lang siya ng pumatay sa kanya para palabasing nagpakamatay ang kawawang kababata ko at pinalitan ang damit para hindi mahalata ang pagkakasaksak.

"Tanga naman non ng pumatay, sobrang halata ng mga ebidensyang iniwan niya, talino ko talaga, pero sino ?" yabang na sabi ko sa isip habang napatawa ng bahagya at biglang nagtaka

Pero mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko nang pagkatingin ko sa baba, wala na yung kutsilyong nakita ko kanina lang. Kinabahan ako, akmang lalabas na ako nang makita ko ang nanay ni Gregor na nasa pinto ng kwarto.

"Condolence po" pakikiramay ko sa pagkawala ng anak niya

Ngumiti lang siya sa akin na animo'y isang demonyo at laking ipinagtaka ko. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang kutsilyong hawak niya ay yung kutsilyo na nakita ko kanina sa tapat ng bangkay ni Gregor. Bigla akong nagulantang nang akmang susugod siya sa akin. Nahawakan ko siya sa pulsuhan at naitulak ng pagkalakas lakas sa pinto. Napaaray siya sa sakit nang tumama ang likod niya sa doorknob.

"Sorry ho !" ang tanging nabanggit ko.

Tumakbo na lang ako pero nakita ko ding tumatakbo siya't hinahabol ako. Hala, parang may sumapi sa kanyang demonyo. Binilisan ko ang takbo ko at di ko namalayang napunta ako sa kakahuyan. Naririnig ko pa rin siyang tumatakbo at sumusunod sa akin. Pagod na ako. Ang naiisip ko na lang na paraan ay magtago. Nagtago ako sa isang malaking puno. Nakita ko ang nanay ni Gregor na tumatakbo papalayo. Dito na ako nakahinga ng maluwag, salamat naman at nailigaw ko siya. Nagpahinga na lang muna ako dito at dahil sa pagod ..

zZZZZZZZZZZZ ..

"Kaloy ! Hoy Kaloy !"

"Maaa wala naman akong klase ngayon"

"Maaa wala naman akong klase ngayon HAHAHAHA"

Napabangon ako bigla nang marinig ko ang lakas na tawa ng demonyo. Badtrip ! Si Lamar pala, boardmate, kaklase at kababata ko. Bigla ko yatang namiss si ermat at akala ko'y nasa bahay ako.

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon