Chapter 14: LIBRARIAN

846 24 1
                                    


Pagkapasok na pagkapasok naming tatlo sa loob campus, isang malaking tarpaulin ang bumungad sa amin.

'Justice for Ma'am Janice De Castro, Librarian (Fiction Library)'

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nabasa ko. Malamang si Ma'am De Castro to na pinaghihiraman namin ng libro. Di ko kasi alam ang first name niya at sa totoo lang kahapon ko lang din nalaman na De Castro pala ang last name nya dahil sa Student Assistant na nag assist sa amin.

"Si Ma'am Librarian ?!" gulat na sabi ni Lamar

"Anong nangyari ?" takang tanong ni Bina

"Nakita si Ma'am De Castro na wala ng malay sa bahay niya, may mga saksak" pahayag ng guard sa amin na mukhang narinig ang tanong ni Bina

"Ha ?! Kelan pa ho ?" gulat na tanong ko

"Kahapon" maiksing sagot ng guard saka chineck na ang bag ng mga estudyanteng pumapasok

Nagkatinginan nanaman kaming tatlo na parang nasanay na kami sa mga ganitong klase ng balita.

"Don't tell me si White Mask nanaman may pakana nito ?" pagtataka ni Bina

"White Mask ??" takang tanong ni Lamar na hindi nagets kung sino si White Mask na tinutukoy ni Bina

"Yung nakaputing maskara sa kwento !" paglilinaw ni Bina

"What the .. nakadami na ! Ano ? Wala pa ring kwenta ang imbestigasyon ng mga pulis ?!" sabi ni Lamar na parang mananapak

"Excuse lang ano, ayaw ko naman matigil yang kwentuhan niyo pero daanan dyan eh, don kayo banda" pagtataboy ng guard sa amin nang di pa pala kami nakausad maglakad at nakaharang na pala kami sa daraanan, dahilan para maglakad na kami.

Habang patungo kami sa room namin, naririnig ko pa ring naglalabas ng mga saloobin sila Lamar at Bina tungkol sa mga nangyari pero di ko na maintindihan ang sinasabi nila dahil mas malakas ang usapan ng sarili ko at ng konsensya ko sa isipan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa bawat taong namamatay, ang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko eh kasalanan ko kung bakit may namamatay. Pakiramdam ko obligasyon kong iligtas ang lahat dahil ako lang o kami lang tatlo ang nakakaalam sa kwento ng librong yon at sa konekyon non sa nangyayari. Paano na ngayon ? Paano namin malalaman kung nasaan ang libro ngayong patay na yung librarian ?! Si ma'am lang ang alam naming makakapagturo kung na saan nga ba talaga napunta yung librong yon.

"@#^ %& *% Kaloy ?" bigla akong nagulat nang narinig ko ang pangalan kong binigkas ni Lamar na para bang may tinatanong na pala sa akin

"Ha ano ?" wala sa sariling tanong ko

"Kasama ka ba namin ?" tanong ni Bina

Hindi na ako nakasalita dahil saktong nandyan na din ang instructor namin at di ko namalayang nasa room na pala kami. Lintik na .. ano ba tong nangyayari sa akin.

Natapos ang dalawang klase na wala akong ganang mag aral. Hindi ko maalis sa isip ko yung libro na yun. San namin yun hahagilapin ? Totoo bang may kung anong kapangyarihan meron don at bigla na lang naglaho ng ganon ganon na lang ?

Habang papalakad kami papuntang canteen usap usapan pa rin ang nangyari kay Ma'am De Castro. Iba't ibang reaksiyon ang nakikita sa bawat mukha ng mga nag uusap, may natatakot, may kinikilabutan, naaawa. Maging ang mga cashier sa canteen ay ganoon din ang usapan.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nabasag lang ang katahimikan naming tatlo nang biglang may tinawag si Bina

"Jackie !" biglang tawag ni Bina sa may di kalayuan. Si Jackie, may hawak na pagkain at mukhang naghahanap ng mauupuan. Oo nga pala wala kaming balita tungkol sa pag uwi nya kahapon, di man lang nagkwento si Bina.

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon