Chapter 7: KWENTO

977 41 4
                                    


Napalingon kami sa likod at nanlaki ang mga mata ..

Nasa harap namin ngayon si.. si MANONG SERENO ?!

"Oh ? Kayo pala yung sa hotel ano ?" pag alala niya habang inaabot ang wallet kay Bina

Biglang tumingin si Bina sa amin, halata mo sa itsura niyang kinikilabutan.

"Oh ? Bakit ? Para kayong nakakita ng multo ? Ako yung nakita niyo sa hotel" pagpapakilala naman ni manong

Lumapit naman si Lamar at hinawak hawakan si manong sa balikat na parang chinicheck kung totoong tao at siya namang ikinataka ni manong

"Bakit ba ? Anong nangyayari sa inyo ?" takang tanong ni manong

"Ah eh, p-patay na daw ho k-kayo sabi ng mga k-kasama niyo" pahayag ko na medyo nauutal

"HA ?? Eh buhay na buhay ako oh" sagot ni manong na bahagyang napatawa

"Eh sabi po kasi nila ikaw lang ang nag iisang may Sereno na apelyedo na naglilinis dito" paliwanag ni Lamar

"Sereno ?? Ahh eto ba ?" pagtataka ni manong habang napatingin sa parteng dibdib ng uniporme niya na kung saan nakaimprenta ang apelyedong Sereno

"Hindi sa akin to, kay Buboy to, kasamahan namin. Halos dalawang buwan na siyang patay. Eh luma na kasi yung uniporme ko, wala naman akong perang pamalit. Ibinigay na lang sa akin to ng asawa ni Buboy" paliwanag naman niya

"AHHHHH" tanging sagot naming tatlo na parang naalis lahat ng kababalaghang naiisip namin

"Oh yung wallet mo iha, ingatan mo. Pano kung ibang tao ang nakapulot. Oh sige sige pupuntahan ko lang mga kasamahan ko" paalala niya sabay inabot ang wallet kay Bina saka nagpaalam

"Salamat ho" ang tanging nasambit ni Bina

"Teka ho manong !" pagpipigil ko kay manong habang paalis siya

"Oh bakit ?" pagtataka naman niya

"Yung bangkay sa hotel ? Paano niyo nakita eh nasa 2nd floor yun, tapos nasa ibaba ang pusang itatapon niyo sana" direktang tuloy tuloy na tanong ko na

"Ahhh chineck ko pa yung buong hotel kung may patay pa na hayop, perwisyo pa kasi sa mga naglalakad sa labas kung may mabaho pang naaamoy. Eh ayun, may bangkay pala sa itaas. Wala naman kasing nakatokang maglinis sa hotel kaya nagkusa na lang ako. Ayon lang ba ?" pagpapaliwanag ni Manong

"Ahh sige ho salamat" pagpasalamat ako kay manong at saka nagpaalam din siya at umalis

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at napahinto muna sa tapat ng boarding house namin nang magsalita si Lamar.

"Teka, kung hindi si manong , eh sino ang may gawa non kay Jackie ?" biglang nagtatakang tanong ni Lamar

"Yun ang kailangan nating alamin sa ngayon" sagot ko naman

Umakyat na kami sa taas at akmang liliko na kami ni Lamar papunta sa kwarto namin

"Oy" sabi ni Bina na nagets ko na agad ang ibig niyang sabihin

"Oo susunod kami sa taas, andun pa nga mga unan at kutson namin di ba. Bihis lang kami, oy pagkain ah, alam mo na ! Hahaha" biro ko naman

Kakapasok lang namin ni Lamar sa kwarto ni Bina. Nadatnan lang namin siyang naglalaro sa cellphone habang kami, heto, may dalang libro. Oh di ba hehe.

"Wow ha" pakunwaring gulat ni Bina nang nakitang may hawak kaming libro

"Aral bago laro ! Hay nako Bina" pabirong pangangaral ni Lamar

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon