Chapter 6: LIBRO

1K 40 9
                                    

"Hoy Kaloy! Anong tinatayo tayo mo dyan ?" tanong ni Lamar nang makitang napatigil ako sa paglalakad

"Ha ?" medyo nagulantang kong sagot

"Anong tinatayo tayo mo dyan kako !" pag uulit niya

"Ahhhhh wala, tara na may klase pa tayo bukas .. ay mamaya pala" pagsagot ko naman at nagpatuloy maglakad paakyat sa kwarto nila Bina

"Haaaay buti ako 9:30 pa ang klase" pang iinggit ni Bina

"Mang inggit pa .." patol naman ni Lamar

***

'... malakas na pagsabog sa isang mini mall kaninang magmamadaling araw. Kinumpirma na nga ng mga pulis na ito ay isang bomba! Maraming nagkalat ngayon sa social media na ang may gawa nito ay mga terorista ngunit pinapaalala ng mga pulis na hindi pa sa ngayon matukoy kung sino ang may gawa at kung anong motibo. Wala namang nasugatan o namatay dahil madaling araw nangyari ang pagsabog at walang tao sa mini mall. Para sa ilan pang updates, tumutok lamang .. ang oras natin ay 6:45 am, magandang umaga !"

Nagising ako sa boses ng reporter na nagbabalita. Napatingin ako kung saan iyon nagmumula at nakita kong gising na pala si Bina at nanonood sa cellphone niya.

"Gising ka na agad ?" tanong ko kay Bina

"Bomba nga pala talaga yung sa mini mall, pero hindi pa confirmed kung talagang mga terorista" balita ni Bina nang mapatingin sa akin

"Ano ba tong nangyayari, tsk tsk. Kanselado ba ang klase ?" nagbabakasakaling tanong ko naman

"Hindi naman yata" sagot ni Bina

"Dapat kinansela, dapat inisip na agad nila yung safety ng lahat. Paano kung terorista na pala ?" biglang sagot ni Lamar na gising na din pala. Ewan ko kung sincere ba siya o ayaw niya lang talagang may klase.

"Haaayy ewan. Wait lang, liligpitin ko pa pala mga gamit ni Jackie. Baka may gusto na tumayo dyan at tumulong ano ?" sabi ni Bina na nagpaparinig sa aming nakahiga pa

Pupunta nga pala ang tito niya para sunduin na ang malamig na bangkay ni Jackie at mga gamit dito mamaya. Kawawa talaga yung tito niya, baka kung ako yun mabaliw na ako.

"Anong oras ba dating ni tito ?" tanong ni Lamar habang papunta na sa cabinet ni Jackie

"Di ko lang alam. Basta sabi ko, text na lang niya ako para masamahan ko na lang siya mamayang vacant natin" pagsagot ni Bina habang kinukuha ang maleta ni Jackie sa ilalim ng higaan

"Ahhhh. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na yung tatahitahimik na nakaupo dyan, wala na" sabi ni Lamar habang tinuturo ang higaan ni Jackie

Mga ilang minuto ay natapos na din kaming magligpit. Akmang lalabas na kami ng pinto nang biglang nagsalita si Lamar.

"Bina, baka may pafoods ka dyan ?" walanghiyang tanong ni Lamar. Oks lang din nagugutom na din ako. Wala ding pagkain sa kwarto namin eh, hehe.

"Wala eh, di ako nakapaggrocery. Tsaka sa labas na din ako mag aagahan maya maya" sabi ni Bina habang napakamot sa ulo at bahagyang napatawa

"Ah okay lang Bina, okay lang talaga" pangongonsensya ko

"Ah teka, may biscuits pa yata dito si Jackie .." naalala ni Bina habang papunta sa parteng kusina nila

"Ay bat bigla akong nabusog Kaloy ?" pagkunwari ni Lamar nang malamang biscuits pala ni Jackie yung tinutukoy ni Bina

"Hala, bat tinatanggihan mo yung bigay ni Jackie ? Hmmm ikaw rin bahala ka" pangongonsensya ni Bina na may halong pananakot sabay namang kuha agad ni Lamar sa isang supot ng biscuits. Bahagya naman akong napatawa.

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon