Chapter 5: KUMPIRMADO

1K 43 14
                                    

Sabay kaming lumingon ni Lamar sa likod namin kung saan naroroon si Bina.

"Oh bakit ?!" tarantang tanong ko. Siya namang paglapit ni Lamar kay Bina saka din ako sumunod.

Natulala pa ng ilang segundo si Bina hanggang sa ipinakita niya ang hawak niya, isang ziplock na may lamang ID, habang gulat na gulat.

"Kanino yan ??" takang tanong ni Lamar habang kinuha niya para tignan namin pareho.

JACKIE MARQUEZ

"J-JACKIE MARQ-QUEZ ??" hindi makapaniwalang basa ko sa ID. Maging si Lamar ay natulala din at gulat na gulat

"I-ibig s-sabihin si Jackie yung bangkay ?" sabi ni Lamar habang nauutal dahil sa pagkagulat

Tumango tango na lang si Bina na mabagal tanda ng pagsang ayon habang blanko ang ekspresyon ng mukha

"Pero bakit siya nagpakamatay ?" takang tanong ni Lamar

"Sandali, hindi pa tayo nakakasigurong siya yun, malay niyo naiwan niya lang yan dito kasi pumupunta din siya pala dito sa hotel" pagbawi ni Lamar at pagpapagaan sa sitwasyon

"Pero imposible Lamar ! Malamang naiwan yan ng mga nagimbestiga dito, kita mong nakalagay na sa ziplock" pagkokontra ni Bina

"Hindi natin alam, baka dito ang puntahan niya kapag nalulungkot siya o kung anuman, kapag gusto niyang mapag isa mga ganon " pagpapaliwanag ni Lamar para mapakalma si Bina

Biglang nagmadaling umalis si Bina at papunta sa hagdan pababa.

"Bina ! San ka pupunta ?" tarantang tanong ko

"Titignan ko kung siya yun !" sagot ni Bina at siya namang takbo ni Lamar para pigilan si Bina

"Ano ba Bina ? Kumalma ka muna. Gabi na." pagpigil ni Lamar

"Natataranta ako ! Oo, hindi kami ganon kaclose pero.. pero pinsan ko pa rin si Jackie at nag aalala ako dahil ang laki ng posibilidad na siya yun." paliwanag ni Bina

*bzt bzzzt bzt bzzzt

"Nagtext si papa" sabi ni Bina habang tumingin sa cellphone at binasa ng pabulong pero sapat para marinig namin.

'Nak kanina ko lang nabasa ang text mo kagabi tumawag ako kanina sa tito mo, sabi niya hindi naman daw umuwi. Kung may problema kayo dyan ni Jackie, tawagan mo lang si tito mo. Ito ang number nya 09162322***'

"Akala yata ni papa nag away kami" sabi ni Bina

Nagtatype na si Bina ng irereply nang hablutin ko ang cellphone niya

"Ano ? Bat mo kinuha Kaloy ?!" tanong ni Bina sa akin habang dinidelete ang tinype niya

"Wag mo munang sabihin sa kanila ! Hindi pa tayo siguradong siya nga yung namatay. Kailangan muna nating siguraduhin, hayaan mo munang isipin nilang nag away lang kayo. Paano kung hindi nga si Jackie yun ? Edi pinakaba lang natin sila ? Kapag hindi siya yung bangkay na yun ? Malaking problema pa" pagpapaliwanag ko

"Tama si Kaloy, sa ngayon umuwi muna tayo, at bukas na bukas aalamin natin lahat, lahat lahat" dagdag naman ni Lamar

Umuwi na lang kami ngayon at gusto ko ng magpahinga dahil sa dami ng nangyari. Sana nga hindi yun si Jackie.

***

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin sa umaga, sakto't vacant time namin, pumunta agad kami sa police station.

"Good morning ho !" bati ko sa pulis

"Good morning, anong kailangan natin ? May irereport ba kayo ?" bungad ng pulis sa amin

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon