Chapter 23: BITUIN

664 27 2
                                    


"Yung batang karga sa picture !" sabi ni Bina

"Pero teka ! Hindi natin alam kung nasaan ? Ni hindi nga natin alam kung sino o kung meron nga ba talagang anak, kung meron nga ba talagang papatayin ngayon ?" tarantang sabi ni Lamar

"Malakas ang kutob ko, kung hindi man yung anak, palagay ko meron at meron siyang papataying susunod sa pamilya niya lalo na't ngayon yung kabilugan ng buwan na sinasabi ng libro" paglalahad ko ng opinyon

"Pero ang problema nga hindi natin alam kung saan ??" pamomroblema ni Lamar

Bigla naman akong napabasa sa libro at naghanap ng posibleng kasagutan.

'Mula sa tahanan, patungo sa bituin

Lalakad ng matulin, para hindi mapansin

Papaslangin at di na iibigin

Hindi na pipigilin, dahil nakuhang traydurin'

"Hindi ko maintindihan, pero hindi kaya bahay ni ma'am De Castro yung tahanang tinutukoy dito ?" pagtataka ko

"Mukha nga, eh san pa bang tahanan ang posibleng tinutukoy na alam natin ? Wala eh, kay ma'am De Castro lang" tugon ni Bina

"Tara !" biglang yaya ko

Dali dali naming kinuha ang mga kutsilyong krus na armas namin at inilagay sa bulsa. Si Lamar kumuha na lang ng kutsilyo sa kusina. Akala ko ok na sya don, bigla pa siyang nagbukas ng mga cabinet sa ilalim ng lababo at pinagkukuha ang mga hindi na nagagamit na tubo saka nilagay sa bag. Hinayaan ko na lang dahil baka magamit din namin.

Pagkalabas na pagkalabas ng boarding house, tumakbo na kami agad pero napatigil nang magsalita si Bina

"Tatakbo lang tayo hanggang don ?" pagtataka ni Bina

Oo nga pala. Lintik, walang masakyan, walang tricycle na nagpapasada. Paano to ngayon ? Eh anong oras pa kami makakarating kapag tumakbo hanggang don ? Bigla naman tumakbo si Lamar papunta sa bahay malapit din dito sa boarding house namin. Sumunod na lang ako at naghintay sa kung anong binabalak niya.

"Kuya Rocky !" tawag ni Lamar. Nakadalawa o tatlong tawag siya bago lumalabas ang isang lalaking siguro mga limang taon mahigit lang ang tanda sa amin

"Oh Lamar, bakit ?" tanong ng lalaki. Kakilala pala ni Lamar, ngayon ko lang nalaman na may kakilala pala siya dito malapit sa boarding house. Sabagay, sa kaingayan din naman niya, di na din nakapagtataka na lahat trotropahin niya.

"Kuya pahiram ng pedicab mo, emergency lang" pakiusap ni Lamar

"Bakit ? Gabi na ah" pagtataka ni Kuya Rocky

"Pupunta lang kami sa bahay ng kaklase namin, eh nagkaproblema sa group requirement namin. Wala na din kasing nagpapasada" pagsisinungaling ni Lamar

"Ah ganon ba, oh sige. Ingat kayo, di bale may mga pulis namang romoronda dyan" pagpayag ni kuya

"Pahiram na din nitong bike kuya, sige na" hirit pa ni Lamar sa nakitang bike. Biglang napakamot na lang si kuya sa ulo na parang nagdadalawang isip.

"Oh sige na sige na" sabi naman kay Lamar saka pinahiram din ang bike

"Salamat talaga Kuya Rocks da bes ka talaga !" pagpapasalamat ni Lamar

Binigay ni Lamar sa akin yung single na bike, siya na ang gumamit ng pedicab at sinakay si Bina. Buti na rin at naisipang hiramin ni Lamar tong single, kapag kasi siguro dalawa ang sakay don sa pedicab, mas mabigat, mas mabagal ang takbo.

INSTANT DETECTIVESWhere stories live. Discover now