Chapter 17: SUGAT

714 22 0
                                    


Bigla naman akong napatigil nang mapansing parang may dugong kumalat sa manggas ni Lamar.

"Ano to ?!" alalang tanong ko sabay hawak sa manggas niyang may unti unting kumakalat na dugo saka ko tinaas para tignan kung anong meron sa braso niya.

"Bakit to ? Ano bang nangyari hoy !" pag aalala ko pa dahil tumambad sa akin ang braso niyang may nakabalot na panyo at kita mong umaapaw na ang dugo na pilit kumakawala sa pagkabalot nito.

"Wala yan, daplis lang yan, tara na" kalmadong sabi niya pero kita mo sa mga mata niya ang sakit na iniinda

"Doon ka na sa loob" sabi ko nang akmang sasakay siya sa likuran, buti naman at sumunod din.

Pinatakbo ko ng pagkabilis bilis ang tricycle papunta sa ospital. Ano bang nangyari dito ? Kanina pa ba yang sugat niya o baka kahapon pa ? Abno talaga di man lang nagsasalita, kung di ko pa napansin eh. Daplis pero nagsisilabasan na ang mga dugo ? Abaaa, iba din naman ano ?

Mga limang minuto ay nasa tapat na kami ng ospital.

"Bakit tayo nandito ? Kala ko ba uuwi na ?" pagtataka ni Lamar

"Halika na, arte pa" sabi ko habang naunang maglakad

Mangilan ngilan lang ang nakikita ko dito sa ospital. May mga nagkwekwentuhan at mga nakaupo lang. Siguro mga nagbabantay to sa kapamilya nilang naospital. Baka tulog na mga pasyente kaya nagtatatambay sila dito. Agad naman may sumalubong na nurse sa amin at inasikaso ang sugat ni Lamar

"Aray !" sigaw ni Lamar

"Siraulo wala pa" sabi ko at siya namang tawang bahagya ng nurse nang akmang tuturukan si Lamar ng pampamanhid. Tatahiin kasi ang bumubukang hiwa sa braso niya. Di naman kalakihan yung sugat niya pero kailangan tahiin dahil nga bumubuka na.

"Sabi ng umuwi na tayo eh" bulong ni Lamar

"Abno kailangan nga munang tahiin" sabi ko sa kanya

"Ano bang nangyari dito ?" takang tanong ng nurse. Syempre magsisinungaling si loko, alam ko na yan.

"Ahh, naitama kasi niya sa akin yung kutsilyo, badtrip" painis na sabi ni Lamar saka tinuro ako. WOW, just WOW. Yari ka sa akin mamaya.

"Aray aray aray !" medyo pasigaw na ni Lamar

Sa bawat tahing lumulusot sa balat niya'y umaaray na parang walang itinurok na pampamanhid. Langya, ganon ba to katakot sa karayom, tinurukan na nga ng pampamanhid nagngangawa pa dyan. Di ko alam kung tatawa ako o maaawa sa parang batang paslit na nakikita ko sa katauhan ni Lamar ngayon.

Bigla naman akong nakarinig ng hagikgik ng isang batang lalaki.

"Hoy anong tinatawa tawa mo dyan ?!" suway ni Lamar sa bata. Siraulo to, pati bata papatulan

"Parang bading HAHAHA" sabi ng bata saka napahagalpak sa tawa saka tumakbo ng mabilis

"Sinong bading ? Sinong bading ha !" akmang tatayo na si Lamar para habulin ang bata pero bigla nanaman siyang napaaray

"Ayaan, di pa nga tapos tahiin" sabi ng nurse saka napatawa ng bahagya

"Nakakabadtrip yung bata" inis na sabi ni Lamar. Seryoso ba to ? Bat parang daig pa nito may regla ngayon

"Haha ang cute mo" sabi ng nurse habang patapos ng tahiin ang nakabuka kaninang sugat ni Lamar

"Alam ko naman yun miss, pero kasi eh .." tugon ni Lamar, tss.

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon