Chapter 4: PUSA

1.1K 39 4
                                    

Naglalakad na kami ni Lamar para pumasok sa klase nang napansin kong patungo siya sa hotel.

"San ka pupunta ? Akala ko ba magcocommute tayo ?" tanong ko kay Lamar

"Sa totoo lang di talaga ako matahimik kagabi pa. Wala talaga yung pusa doon eh" seryosong pahayag ni Lamar

Sumunod na lang ako, medyo nacurious din ako sa totoo lang eh. Pagpasok namin sa hotel, ang baho pa rin badtrip. Patakip na ako ng ilong nang nag abot si Lamar ng face mask. Aba ayos to ah, boy scout.

Pumunta na agad si Lamar sa natatandaan niyang pwesto ng pusa.

"Sabi ko sayo wala dito eh" sabi ni Lamar na may pinapatunayan

"Sandali lang, kung wala na dito yung pusa, bakit sobrang baho pa at amoy nabubulok na laman pa ?" pagtataka ko dahilan para mapaisip din siya

"Baka naman naiwan yung amoy dito, tagal din non nababad dito 'no" pahayag ni Lamar ng opinyon niya

"Pero di ka ba nagtataka ? Kung naiwan lang yung amoy, bakit sobrang baho pa rin ? Kaya tinitignan ko baka may ibang patay na hayop pa dito" pagpapaliwanag ko habang pinapailawan ang mga parteng hindi natatamaan ng liwanag mula sa labas

Hindi ko alam bat biglang naging interesado ako. Ganon pala yun, hindi ka titigil hangga't di mo nasasagot ang mga katanungan sa isip mo.

"Patay na hayop ? Baka patay n--" Hindi na natapos ni Lamar ang sasabihin niya nang mapamura na ako

"Fck !" Lumingon si Lamar sa pinapailawan ko

Tumambad lang naman ulit sa amin yung lintik na pusang yun, parehong pusa at ganon pa rin, inuuod at nilalangawan pa rin. Nakakadiri ! Nakakasuka ! Dali dali na lang kaming lumabas at baka yung pusang yun pa ang dahilan para malate kami.

Nasa klase na kami nang biglang bumulong si Lamar sa akin

"Bakit naiba yung pwesto ng pusa ?" bulong ni Lamar

"Hindi ko alam. Sandali nga, mag aral nga muna tayo, pusa na lang ng pusa" bulong ko kay Lamar

"Hmm so mahilig pala kayo sa pusa. Bakit, gabi gabi ba may pusa kayong kasama, enjoy ba ?"

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si ser. Nagtawanan lang buong klase dahil sa parang double meaning na sinabi niya. Dedma lang, chill lang Kaloy.

***

Habang papunta kami sa kabilang room para sa next class bigla nanaman akong kinulit ni Lamar.

"Di ka ba nagtataka na naiba yung pwesto ng pusa ?" pangungulit nanaman niya

"Malay ko sa pusang yan. Baka may taong ilalabas sana yung pusa kaso di nakayanan yung amoy kaya iniwan na lang din" sagot ko naman

"Hala, baka namamaligno tayo pre, baka may sademonyo yung pusang yun" natatarantang sabi ni Lamar na halata mo namang pabiro at nantitrip lang

"Tumigil ka na nga sa lintik na pusang yan. Pusa lang yun, bat ba prinoproblema pa yun. Yung mga di natin nagegets na pinag aaralan, yun, yun yung problemahin natin !" seryoso, nainis na ko sa pusang yun. Pabigdeal eh.

Buti naman at dumating na 'tong si Bina at maiiba ang topic.

"Anong balita kay Jackie ?" bungad ko kay Bina

"Wala pa eh, tinext ko naman na kanila papa kagabi, di pa nagrereply" pagpapaliwanag niya

After Morning Class

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon