Chapter 10: SALARIN

946 29 3
                                    


10:30 am

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, heto kami ngayon naglalakad papuntang library, nagbabakasakaling mahiram na namin yung libro. Ngayon, mukhang kailangan na talaga namin ng kasagutan lalo na't may balita nanaman kaming narinig kagabi na pinatay.

FLASHBACK

'..pagkatapos ng pagpatay sa isang babae kahapon, kaninang umaga ay may natagpuan nanamang binata na wala ng malay at may hiwa sa leeg sa bakanteng lote malapit sa grocery store kung saan din mismong nakitang pinatay ang isang babae kahapon, sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino ang salarin, at hindi pa matukoy kung iisa lang ba ang gumawa nito sa pumatay sa babae kahapon. Hindi pa man nasasagot ang kaso sa mini mall bombing at tungkol sa bangkay ng gwardya ay meron nanamang nangyaring krimen ..'

"Patay na naman ??" gulat na sabi ni Lamar

"Di ko na talaga kinakaya mga nangyayari" sabi ni Bina habang iiling iling

"At pareho pang lugar kung san pinatay yung nakita natin kagabi, dun sa bakanteng lote malapit sa grocery store" dagdag ko naman

"Parang iisang tao nga ang may gawa eh" palagay ni Lamar

"Di kaya, yun din yung pumatay ka Jackie ?" nag iisip na tanong ni Bina

"Parang malabo, kasi yung pagkamatay ni Jackie, pinainom ng lason, eh yung kagabi at kaninang umaga, sinaksak" pagpapaliwanag ko ng opinyon ko

"Eh yung sa gwardiya ?" tanong pa ni Bina

"Malabo din, eh pinatay lang yung gwardiya para pasabugin yung mini mall" pagsagot naman ni Lamar

"Teka, eh di ba di naman mismong sa tapat ng mini mall nakita yung guard ?" pagtataka ni Bina

"Eh baka nasaksak na yung guard tapos tumakbo palayo tapos di na nakayanan bumagsak din at namatay" opinyon ni Lamar

"So tatlo ang salarin dito ? Yung kay Jackie, sa mini mall, sa dalawang taong magkasunod na pinatay" pagpapaliwanag ni Bina ng hinala niya

"Oo, pero ang pagtuunan natin ng pansin, yung kay Jackie, kasi yun yung hindi naimbestigahan ng mga pulis" sabi ko

Mga ilang sandali pa ay pinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa nakatulog'

END OF FLASHBACK

Dali dali na kaming pumunta sa Fiction Area ng mga libro

"Excuse me, available na ba yung 'No Mercy' book ?" tanong ko sa librarian

"Ahh ikaw nanaman pala, pasensya na wala pa kasing 5 days, nong Biyernes lang iyon hiniram eh bale pangalawang araw pa lang ngayon, di kasama sa bilang ang araw kahapon, Linggo kasi" pagpapaliwanag ng Librarian

"Ahh ganon ho ba ? Sige ho salamat" magalang na sabi ko at nagmadaling umalis

"Kaloy san ka pupunta ?!" pasigaw na bulong ni Lamar

"Isa isahin natin yung tao dito, tignan natin kung sino nanghiram" bulong ko habang naglalakad at tinitignan bawat libro sa mesa ng mga nagbabasa dito

"Seryoso ka ba ? Ang daming tao dito oh" bulong din ni Bina pero mukhang narinig kami ng isang Librarian at naingayan

"SHHHHH quieet"

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon