Chapter 9: LIBING

973 34 2
                                    


Good morning Kaloy, bati ko sa sarili ko, pero sa isip lang. Morning lang pala walang good, para kasing di ako nakatulog ng mabuti dahil sa mga nangyari. Napatingin ako kanila Lamar at Bina ang himbing pa ng pagkakatulog. Nakatulala lang ako muna ng mga ilang segundo at naalala kong kailangan ko ng kunin yung libro ! Ang dami ng tanong sa isip ko na kailangan ng sagot ! Baka kasi maunahan pa kami ng iba kung sakaling naibalik na nong naghiram yung libro. Sa totoo lang ang gusto ko lang malaman eh yung tungkol sa nangyari kay Jackie, eh di ko lam na may iba pang mga mangyayari na mas matindi sa nangyari kay Jackie. Parang pakiramdam ko tuloy eh obligasyon kong alamin ang lahat kung sino ang dapat managot sa mga nangyari dahil sa librong yon.

Dali dali na kong pumunta sa kwarto namin sa baba para maligo, syempre nandon naman mga damit namin ni Lamar, dito lang tulugan namin sa ngayon kanila Bina, o kay Bina pala kasi siya na lang ang nagkkwarto dito. Pagkatapos kong maligo bumalik ako agad sa taas para tignan kung gising na sila.

"Oh san lakad mo ?" tanong ni Bina, gising na pala

"Ha ? Dalian niyo dyan, maligo na kayo ! Hihiramin pa natin yung libro !" pagmamadali ko kay Bina

"Hoy Linggo ngayon !" medyo pasigaw na sabi sa akin ni Bina at parang binuhusan ako ng malamig na tubig

Natahimik ako, oo nga, ang tanga mo Kaloy, di ko napansing natapos nanaman pala ang isang linggo.

"Arrrrggghh" inis ko habang napapadyak ng malakas

"Masyado mong iniisi--- MY GOD !" biglang gulat na sabi ni Bina na nanlaki ang mga mata

"Ano ba ? Bat kaumaumaga ang iingay niyo" nagising na din pala si Lamar

"Bakit ??" takang tanong ko

"Libing nga pala ni Jackie mamaya !" natatarantang sabi ni Bina habang napasapo sa mukha

"Bat di mo sinabi agad ??" tanong ni Lamar. Oo nga bigla bigla na lang.

"Kahapon lang naitext ni tito" mabilis na sabi ni Bina habang papunta sa banyo para maligo na

"Ilang oras ba byahe sa kanila ?" tanong ko kay Bina habang nasa loob na siya ng banyo

"Mga dalawa yata di ko lam, di pa ako nakapunta, tinext lang sa akin yung address" sabi ni Bina habang nagbubuhos ng tubig

"Eh anong oras yung libing ?" tanong ko pa

"Ala una mamayang hapon, Lamar maligo ka na din !" sigaw ni Bina

Tumingin ako sa relo ko 7:45 am, maaga pa, tsaka malapit lang pala papunta sa kanila Jackie, masyadong taranta to si Bina. Naligo na din si Lamar kahit tamad na tamad. Buti na lang at akala ko may pasok ngayon kung hindi di kami makakapunta ng libing

Nasa labas na kami ngayon ni Lamar 8:30 am na, hinihintay na lang namin si Bina

"Tagal naman ng babaeng yun, daming kaartehan" pabulong bulong ni Lamar

"Kaya pala nagmamadali yun kanina, kasi sa pag aayos matagal" sabi ko naman

Hayy salamat naman at nandyan na din ..

"Tara na" yaya ni Bina na papalapit na sa amin

"Okay ka na ? Baka kulang pa yang ayos mo ?" pang aasar ni Lamar habang papalakad na kami papunta sa bandang main road para mag abang ng tricycle papuntang terminal ng bus

"Bat ba kahapon lang tinext ng tito mo ?" pagtataka kong tanong kay Bina

"Di ko lam, baka biglaan lang din na gusto na nilang ilibing, tsaka nakalimutan ko ding sabihin sa inyo kahapon sa dami ng nangyari" sagot ni Bina

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon