Chapter 20: PAGTATAKA

725 22 3
                                    


"S-Sabel Mae Orquiz ?" pagbasa ni Bina sa pirma

Malamang, base sa pirma, iyon ang pangalan ng sumulat nitong libro. Bigla kong kinuha ang cellphone ko at naisipang isearch ang pangalan.

"Bakit Kaloy ?" takang tanong ni Lamar nang mapansing may tinitignan ako sa cellphone

"Tinitignan ko kung may profile siya sa internet o kaya kung may ibang libro pa syang sinulat" seryosong sagot ko

"Meron ?" tanong ni Lamar habang nagtititingin pa rin ako sa cellphone

"Wala, wala man lang nagmatch sa pangalan niya" dismayadong sabi ko

"Kailangan natin malaman kung sino yang Sabel na yan" seryosong sabi ni Bina

"Tara sa library" yaya ko saka ako tumayo at siya ding tayo nila Bina at Lamar, wala ng tanong tanong dahil mukhang alam na din nila ang pakay ko.

Pagdating sa library, konti lang ang tao, marahil oras na ng pag uwi ng mga estudyante. Tumungo na kami sa fiction area ng library at yung SA na nakausap din namin dati ang bumungad sa amin.

"Miss, pwede ho bang patignan kung may mga libro ho dito ni Sabel Mae Orquiz" bungad ko

"Sige, sandali.. Sino ulit yun ? Sabel Mae .. ?" pagpapaulit ng SA habang nakaharap sa computer

"Orquiz" sabay sabay pa kaming tatlo saka naghintay sa sasabihin ng SA

"Wala eh. Anong book ba ang hinahanap niyo ?" tanong ng SA

"Teka, kayo yung may hihiramin din sana non ah ?" sabi niya nang namukhaan kami

Bigla namang pinakita ni Bina ang librong hawak hawak niya

"Oo. Ito yun ! Ito yung sinasabi namin sayo dati. No Mercy. Sigurado kaming dito din namin to hiniram" pagpapaliwanag ni Bina

"Excuse me ma'am" biglang tawag ng SA sa librarian na nakaupo at may trinatrabahong papers sa mesa niya. Siya siguro ang kapalit ni Ma'am De Castro.

"Ma'am kinukulit ako. Dito daw kasi nila nahiram dati yung librong dala nila. Tinignan ko naman na sa computer, no results found" rinig kong sabi ng SA saka nilapitan kami ng Librarian

"Patingin ng libro ?" sabi ng Librarian saka binigay naman ni Bina. Tinignan lang ng Librarian ang libro.

"Hindi to sa library. Kung sa library to may tatak sana ng University Library. Lahat ng libro dito tinatatakan muna." sabi ng bagong librarian saka binalik din kay Bina

Nagkatinginan lang kaming tatlo na pare pareho nang naguguluhan.

"Ma'am, pero nagbawas ho ba kayo ng libro dito ?" pagsingit ni Bina

"Di naman, bago pa mga libro dito eh. Teka, sino bang pinaghiraman niyo dati, siya din?" tanong ng Librarian na tinutukoy ang SA

"Si Ma'am De Castro pa ho eh" sagot ko

"Ahh wala na, hindi natin yan alam, basta sinasabi ko sa inyo ngayon, hindi yan pag aari ng library" kalmadong sabi ng librarian saka bumalik na sa mesa niya

"Sige sige, salamat" paalam ko na lang sa SA at siyang pagtango naman niya

Lumabas na lang kami ng building at nagpasya na lang na umuwi. Imbes na magtricycle, naglakad na lang kami dahil maaga aga pa naman. Isa pa, para makapagkwentuhan na rin habang pauwi. Eh kasi naman, nakapagtataka talaga kung sino ang nagmamay ari ng libro at kung sino si Sabel.

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon