CHAPTER 1: Estudyante

48.4K 647 12
                                    


Maria Clara

Nakangiti akong pumasok sa gate ng university habang inaamoy amoy ang sariwang ha--

"Clara makikisuyo naman, pakidala naman to sa office pakiiwan mo nalang sa table ni Mrs. Garcia." Ano bayan badtrip. Umagang umaga utos agad. Dapat pala talaga di ako dito dumaan kainis.

Hayaan na nga. Mabilis akong naglakad papuntang office at ginawa ang iniutos sakin. Sandali muna akong huminto sa glass door ng office at sinipat ang sarili. Nag ayos nadin ako ng kaunti.

Anyway, hi sa inyo. Ako si Clara, graduating  student dito sa Walter University. Normal na estudyante lang. Di kagaya ng mga ideal na babaeng nababasa nyo sa wattpad na sobrang ganda or sobrang yaman. They often labeled me a cry baby, but for some, boyish daw? Depende nalang sa situation. But ordinary life lang talaga.

Bago pumasok sa room ay tinignan ko muna ang wrist watch ko at nakitang 7:34 na, late na ako for my 7 am class. Ayt! Pumasok ako at kagaya ng inaasahan..

"Whoo late na naman! Dapat dyan nililipat ng section eh!" mabilis akong lumingon sa nag sabi non at inirapan ito.

Sya si Kael, ang kaklase kong uling.

Di naman sa ano pero ano talaga. Im not against po sa mga dark-skinned, nakasanayan nalang siguro namin tawagin nun si Kael. Pero kahit ganon gwapo naman sya, "tall, dark and handsome" daw.

Kapatid nya ang nagpapatakbo ng university nato. Kaya naman malakas ang kapit pag naging tropa mo tong bwisit nato.

"Late ka nanaman, dumaan ako sa inyo sabi ni manang naliligo kapalang daw." eto naman ang pinsan ko na seatmate ko din.

Her name is Tamara Gabriel o Tammy kung tawagin namin, di kagaya ko, maganda sya,  maputi, sporty at hindi rin naman sya nahuhuli sa acads. Madalas syang ipanlaban sa pageant at ang pinaka ayaw ko, madalas kaming ikumpara sa isat isa.

Masakit na din minsan para sa isang tulad ko na pangit ang ma ikumpara sa kagaya ni Tammy. Di naman ako naiinsecure sa kanyan pero ang hirap kasi ng sitwasyon ko. Nakaka conscious din minsan.

Diko pinansin si tammy kaya kinurot nya ko. Aray! Pero di ko parin sya pinansin. Dahil baka sabihin ng teacher e late na nga dumadaldal pa.

"Huy Clarity tawag ka ni Macoy." sabi ni Tammy habang pilit hinihila ang dulo ng buhok ko. Lintik na Macoy yan palibhasa di pwedeng pagalitan ng teacher e! Daya!!

"Oona oona." inis akong lumingon kay Macoy

"Ano?" singhal ko

"Hehe. Late ka nanaman Maria." Sabi nya habang ngiting ngiti, yung nawawala na yung mata tapos lumalabas lahat ng dimples nya. Feeling naman cute e muka kaya syang timang.

Diko na sya sinagot at muling tumingin sa board at nakinig pero di nakaligtas sakin ang mga tawanan sa likod.

Sobrang boring. Tinignan ko si Tammy at gumagawa sya ng love letter para sa bago nyang boyfriend na president ata ng english club. Duh para naman tong ewan nagkaklase e. Iba talaga nagagawa ng lovelife. Namumuso yung mata nya, yak kadiri.

Mabilis lumipas ang oras at lunch na. As usual kanya kanyang larga. At heto ako iniintay si Tammy na nasa conference room, dahil ibibigay daw nya sa jowa nya yung letter. Habang naghihintay ay taka akong napatingin sa veranda ng madinig ang nakabibinging sigawan sa baba.

"Punyeta lalantod." bulong ko. Obvious naman na mga babae yon dahil tili palang. Pero ang tinatanaw ko e yung mga tinitilian nila. Jusko katanghaliang tapat.

"Hoy Makoy sino yon." tanong ko sa dumadaang si Makoy baho kasama yung dalawang bwiset.

Isa nalang ang kulang at feeling F4 na tong mga to.

"Sila kuya Nixon. May aasikasuhin daw sila e. " sagot nito na ikinataas ng kilay ko? May aasikasuhin o mambababae.

In-apiran naman ako ni Kael at pasimpleng batok ang natanggap ko kay Hajid. Pero syempre gumanti ako. Si Hajid sa pagkakaalam ko ay childhood friend din nila.

"Aray. Ang lakas nun Maria!"

Yung kapatid ni Kael ang may-ari ng university. Di hamak na mas gwapo yon kumpara kay Kael. Bukod sa kuya Nixon nya e may kaibigan pa syang mga gwapo din, di ako mahilig sa mga gwapo baka naman sabihin nyo e laglag na panty ko sa sobrang papuri. Sinasabi ko lang sa inyo yung nakikita ko.

"Lah bes, si Nixon oh kasama si Kuya Dilan. Oh my God. Baka di matuloy klase sa dami ng estudyanteng nakasunod sa kanila."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tammy. Tama sya. Half day!

Kael Walter

Habang naglalakad patungong cafeteria ay patuloy ang sigawan ng mga babaeng schoolmates namin. Nginitian ko sila sabay flying kiss. Chickababes

"Macoy itutuloy ba ng kuya mo yung plano?" tanong ni Hajid kay mac.

Magkababata kami nila Hajid at kaklase na din simula nung nag aral pero syempre mas gwapo ako sa kanila.

"Oo pre. No choice, sana lang talaga maging maayos." sagot ni Macoy

"Sa totoo lang natatakot ako sa kuya mo e. Nakakatakot grabe, nakakabakla e. No doubts, kaya walang makatalo sa kanya sa underground." dagdag ni Hajid na sinang ayunan naman ng gwapong isip ko.

Tama sya. Sobrang nakakatakot nga si Boss na kabaliktaran naman ni Kuya Dilan at Kuya na syang kasundo naming tatlo. Kahit si Macoy e di makaporma sa kuya nya at isa pa ang layo din ng ugali at pagkatao nila.

Diko nga alam kung pano sila naging mag kakaibigan pero sabagay nakita ko na silang makipag patayan ng magkakasama at talagang solid. Diko maiwasang maisip na magiging ganon din kaming tatlo, well nakaka excite kaya.

Speaking of plano. Naalala ko naman yung pinag usapan nila Kuya last night.

Sana nga talaga maging maayos yung balak nila..

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now