CHAPTER 24: Bed Time

18.5K 442 30
                                    


"DAHAN DAHAN NAMAN NIXON WALTER!!" kainis yan!


"Hehe sorry eto kasing si Dabo dinadaldal ako e!" palusot pa 'to.


"Hoy ba't ako!?"


Kanina pa kami nandito habang hinihintay pare pareho si Tanda. Si Nixon naman ginagamot yung mga sugat at pasa ko. Kung ano anong ointment ang nilalagay, nurse ata 'tong isang 'to.


"France okay ka na ba?" tanong ko


"Oo Clara, nga pala salamat naden dun sa kagabi, ang galing mo. Napahanga moko dun." sinsero at nakangiting sagot nito na sinagot ko din ng tango at ngiti.


"Nga pala Clara ilang taon ka na bang nag mamartial arts at parang sanay na sanay ka ata sa pakikipag-away?" tanong naman ni Dave na kumakain ngayon ng ice cream, hmp ako bumili nun ah.


"Anong sanay ka jan, 'di naman ako gangster para gawing hobby ang pakikipag away. Saka isa pa babae ako, lumalaban lang ako pag wala na kong choice or kapag may kaaway mga kaibigan ko. Tungkol naman don sa martial arts, nagstart ako mag aral nung 4 ata or 5 ako hanggang ewan ko lang, mejo madami dami din akong school na na pasakun." sagot ko sa tanong nito at sinagot naman ako ng mahabang "ahh" nagpahabaan pa sila ni Nixon ng hininga.


Haaay nakoo antagaal ni Tandaaaa. Walang gana akong tumingin sa orasan dito sa kwarto at mag 6 na pala ng gabi. San ba sya nanggaling at bakit napaka tagal naman ata.


"France, ano gusto mo? Magpapagaling ka muna bago ka bugbugin ulit ni boss o isasabay mona ngayon para isang pagalingan na lang? Hahahahhaa" lakas talaga mang asar nitong Nixon nato.


"Gago!" sagot ni France na parang kinakabahan na. Bakit? Wala naman syang kasalanan don sa nangyare bat naman sya bubugbugin ni Gin? Teka, wag mong sabihing sya ang nag padala nong mga ninja nayon? Hmm malamang hindi nya gagawin yun. 





*BLAAAAAGGGGGG*



"Kid." Parang hingal na hingal sya habang nasa pintuan ng kwarto, hmm san ba galing tong isang to--








Omo!



"TAAAANDAAAAAAA!!"


---

It's already 11:30 pm at nandito ako sa labas ng kwarto ni Gin dala dala ang unan ko. Diko alam kung pano ko sasabihin na gusto ko syang makasama sobrang nahihiya ako pero alam kong eto yung gusto ko.


Di ako makatulog, gusto ko sya makasama :( gusto ko sya makatabi kahit ngayon lang gusto ko pa syang makausap dahil diko naman sya masyadong nakausap kanina dahil umalis silang apat pagdating nya mismo at ako lang ang naiwan dito. Grabe nga e pati si France sinama kahit 'di pa sya makabangon hmm. Kamusta na kaya ngayon yung chinito nayon? Di naman siguro sya binugbog? Hmp pero badtrip si Gin kanina pagdating nya e natakot din akong pigilan syang umalis. Barilin pako nung halimaw nayon.

Ano na Clara!? Dito nalang kaya ako matulog sa labas? Total carpeted naman to at atleast mas malapit ako sa kanya hahahahhaa ang witty!


Pero joke lang syempre.



Kanina pa ko nandito swear! Shit nakakahiya kasi. Tama ba to? Di ko alam kung tama nga pero gusto ko! Paano ba?? Patulong naman.


LINTIK YAN! BAHALA NA NGA!



*TOK TOK TOK*

Dinikit ko yung tenga ko at tahimik lang sa loob... Walang sumasagot pero sure ako nandito na sya! Nadinig ko na yung sasakyan e.

Hmmm...

Tulog na kaya?


"Come in." eto na eto na!! Go clara! Aja!






"Gin?" dahan dahan akong pumasok sa room nya at huminto sa tabi mismo ng pintuan. Pano ba to????? Urrggghhh dapat ba wild? Bigla nalang ako hihiga sa kama nya at yayakapin sya tas bubulongan ko sya ng namiss kita hubby ganon ba? E? Ayoko nun! Paano? E kung pasweet naman? Tanungin ko muna sya sa mga walang kwentang bagay habang lumalakad papalapit sa kama nya hanggang sa magdaldalan na kami pag nareach ko na yung bed tapos magtutulog tulugan ako sa kwarto nya para di na nya ko paalisin? Parang mas ok yun. What do you think?



"Wife." *LUB DUB LUB DUB* waaaaahhh yung mata ko!  Yuuuckkk. Ngayon ko lang napansin na naka suot sya ng maluwag na sando at boxer shorts grabe naman tong si Gin! Ang showy masyado! Samantalang ako kompleto rekado terno pa ng pusheen cat pj. Nakatingin lang sakin si Gin at nagiintay ng sasabihin ko, punyeta na didistract ako. Hindi bagay! Di ako sanay na ganito yung suot nya akala ko nga naka tux sya kahit natutulog pero ang h-hot. CLARA!!



TAKSIL KA CLARA! WAG KANG MATUKSO!!!


"A-Ano kase... Na- na- na--"


"Nananana?" nakangiting tanong nito. Shems wag mokong akitin!


"Baka pwede ako dito sa kama mo ngayong gabi? Nahihirapan kasi ako tumayo tayo, at isa pa, naaalala ko yung mga nang yari, i just to feel safe." derederetsong sabi ko.

Ayokong makita ang reaksyon nya, baka isipin nya na fafall nako sa kanya or baka iniisip nya na gusto kong gawin namin yung bagay na 'yun'. Iintayin ko nalang na magsalita sya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pumayag kana tanda!


"HOY IBABA MOKO!" sigaw ko sa halimaw na to pero nginisihan nya lang ako at ibinagsak sa kama!

"AAHHH YUNG MGA SUGAT KO!" Daing ko ng maramdaman ang pagtama ng pasa ko sa braso.

Biglang nagbago ang ekspresyon nya, mula sa pagkakangisi ay napalitan ito ng pag aalala,  marahan nya akong tinignan. Hinawakan din nya yung mga labi kong may sugat at mga pasa pa.


"Im sorry wife. I will never leave you again with those bullshit fuck, I love you kid. Im really sorry." e-eto nanaman yung puso ko shit shit shit. Ang lapit!!

Dahan dahan nyang idinikit ang labi nya sakin at hinalikan ako. Smack lang no! Kahit ganon lang ay naramdaman ko padin yung kirot sa labi ko, ba't naman kasi kailangang nya pakong halikan.


"N-Namiss kita Tanda--" simula ko habang nakayakap sa unan.

Pero sa tingin ko diko matatapos ang sasabihin ko dahil--

"PFFFTT HAHAHAHHAHAHAHAHAA" nakita kong nagtataka na sya sa biglang pagtawa ko pero--

"What the hell woman? Are you crazy!?" tanong nito.

"HAHAHAHAHHA GAGO! Tangina mo Tanda!  Unicorn amputik HAHAA"

Shet hahahaha yung boxer nya unicorn yung design lintik.

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now