CHAPTER 37: Fake

15.8K 360 54
                                    

Gavin Bakersfield

"Boss matagumpay ang plano, malapit ng bumalik si Carison at malapit ng mapasailalim sa atin si Rockdale." balita ko kay boss.

"Good. Asan si Rockdale? Kailangan ko syang makausap, kailangan silang maipakasal ni Morgan." tangina umayos ka Gavin. Si Morgan ay para lamang kay Gin Rockdale.

"O-Opo boss. Inimbitahan na po namin sya at inaasahang makakarating sya mamayang hapon." nakayukong sagot ko.

"Anong nangyari sa lapastangang asawa ni Rockdale?" nakangising tanong ni Boss

Hindi ko maipagkakailang sobrang hirap ng dinanas nito. Hindi ko alam na ganoon pala ang galit ni Morgan at ni Mira sa babaeng yon, dapat ay pinatay nalang nila para hindi na sya nahirapan. Well, wala akong magagawa.

"Buhay pa boss. Nandon sya ngayon sa bodega sa basement" minsan talaga hindi mo rin maiiwasang makonsensya lalo na't inosenteng tao ang mga nadadamay.

"Bakit hindi nyo pa pinatay?" nakakunot noong tanong nito.

"B-Boss parang ayaw papong patayin ni Morgan." sagot ko. Bakit nga ba? 'Dipa ba sapat yung ginawa nila sa babaeng yon.

Kung nalilito kayo kung bakit may kapatid si Morgan gayong unica hija ito ni Boss, hindi naman tunay na anak ni Boss si Morgan at sa tunay nitong pamilya, kapatid nya si Mira.

"Hahahaha that's my daughter." demonyo talaga. Mabilis na bumalik sa akin ang mga pangyayari bago nila patayin ang pamilya ko at bilhin ako ng buhay. Tangina, mundo nga naman hindi laging nasa panig mo. Nakakakilabot.

Mabilis na lumipas ang oras ng maghapon at ngayon ay naghahanda na ang mga kasambahay para sa hapunan na gaganapin kasama ang ilan sa mga Rockdale.

"Pare bakit parang gusto mong pumaslang hahaha " pang aasar ni Ace

"Gago. Kung alam mo lang nararamdaman ko." paliwanag ko.

"Wag ka ngang bading pare! Madami pang babae dyan hindi lang si Morgan HAHAHA" tignan motong hayop nato.

Tss diko na lang sya pinansin at tinignan nalamang kung ayos na ba yung dining area at baka ako ang mapaslang ni boss pag may palyado dito.

Isang mahabang lamesa na puno ng mga masasarap na pagkain. Ayos na siguro 'to. Lahat kami ay naka formal attire dahil ngayong gabi ipagkakasundo si Morgan at si Gin.

Bumaba na si Morgan ng hagdan suot ang kulay asul na gown. Nginitian ko sya at ganun din naman sya sakin. *Sigh*

Ako na din ang unang nag iwas ng tingin. Ayokong saktan ang sarili ko ngayong gabi.

"Sir dumating na po ang mga Rockdale." bungad sakin ng isang maid pagpasok ko ng sala.

Sumilip ako sa malaking bintana ng mansyon at natanaw ang isang sasakyan na kulay itim. Bakit parang ang kaunti naman ata nila hahaha. Dont tell me suko na sila.

*CLAP CLAP* pumalakpak ako ng dalawang beses senyales na kailangan ng pumwesto ng mga kumag sa kanilang mga upuan gayon din si Morgan at si boss.


Kumpleto na ang lahat.

Nakaupo si boss sa gitna ng lamesa, bakante naman ang kanang upuan na para sana kay Carison ngunit hindi ito kasama ng mga Rockdale. Kasunod nito ay si Morgan na halatang halata ang kasiyahan.

Sumunod ay ako, si ace at yung iba pang mga tauhan.

Sa kaliwa naman ni Boss nakaupo si Gin, yung tauhan nyang kulay pula ang buhok (Dave) sumunod ay yung singkit (France) yung ex ni Morgan (Dilan) at panghuli yung maangas na feeling gwapo (Nixon).

Sumunod dito yung mga tauhan na ulit namin. Nakapaligid samin ang mga armadong tauhan ng west mafia.

Mabigat ang bawat pag subo. Malalim ang tinginan at walang ibig umimik. Halatang hindi gusto ni Rockdale ang mga nangyayari. Tanging tunog lamang ng kubyertos ang nagiingay.

"Masaya ako at nakarating kayo, pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon gayong hindi nakasama ang aking anak na si Carison, talagang matigas ang ulo ng batang iyon. Well, hindi na ko mag papaligoy ligoy pa Rockdale. Bukod sa pinagkasundo naman talaga kayong dalawa para sa isat isa e bakit hindi na talaga kayo magpakasal ng aking anak na si Morgan. Hahaha napahanga moko sa ginawa mong pagpepeke ng papeles sa babaeng nakuha mo. Nakapag tataka nga kung paano mong nakuha ang mga mana at ari arian gayong hindi naman iyon ang tunay kong anak. " natatawang tugon ni boss.

Tinignan ko si Rockdale at nakangiti lamang ito. Diko malaman kung totoo bayon o palabas lang.

"I already married your daughter Sir." nakangising sagot ni Gin habang tuloy lamang sa pagkain at hindi manlang tinignan si Boss.

"Sweetie, nakalimutan mona ba? Naudlot yung kasal natin before hahaha." singit ni Morgan sa usapan.

"How about you? Did you forget your real identity too?" preskong sabat nang may pulang buhok.

*BLAAAAAAAG*

Napatingin kami kay boss ng kalampagin nya ang mesa. Kami lang dahil ang mga lapastangang Rockdale ay tuloy padin sa pagkain.

"Wala nakong pakealam sa kung ano mang sinasabi ninyo. Basta ang gusto ko makasal muli ang aking anak na si Morgan at si Gin Rockdale. Oh, I guess this wedding would be better if my old friend Giovanni will attend the ceremony. What do you think Gin?" chill na sagot ni Boss.

Sa pagkaka tanda ko si Giovanni ang tatay ni Gin. Tangna pangalan palang parang kinilabutan nako. Mukang di magandang ideya itong gusto ni Boss.

"Sure, that's my plan too. I will marry your daughter again." nagkatitigan si Boss at si Gin. Tangna halata mong nagpaplastican lang sila.

Good match hahahaha. Parang gusto kong makitang maglaban si boss at si Giovanni Rockdale. Magpatayan silang dalawa ng matigil na 'tong mga gulo na 'to.

"We're done." walang emosyong bigkas ni Gin at saka sila tumayo at deretsong lumabas ng mansyon.

Wala na kaming nagawa sa inasta nila gayon din si Boss. Ang mahalaga maikakasal na yung dalawa.

"Let's call it a day" nakangiting bigkas ni Boss bago ito tumayo para umakyat na muli sa kaniyang opisina.

Someone's POV

"Tumayo kana dyan Clara. Aalis na tayo dito bilisan mo."

"M-masakit pa yung katawan ko nah-hihirapan a-akong gum-alaw."

"Buhatin nyo nalang sya. Bilis bilis bago pa tayo mahuli dito!"

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now