CHAPTER 47: Brainwashed

14.5K 289 36
                                    


Dilan Domingo

Tahimik kong pinapanuod ang mga tauhan na nagreretoke ng basement na pinasabog nila France. Malaking bahagi din ng pader ang nasira kaya kinailangan  ng marami raming gagawa. Hindi ako pwedeng magkamali o madulas sa kahit anong impormasyon dito kaya mukang kailangan ko ng umalis dito.

Ilang tauhan din pala ang namatay dito kabilang na ang kapatid ni Morgan, she deserves it. Tatalikod na sana ako para umalis pero,

"Sino sa tingin mo ang gagawa nyan?" Makahulugang tanong ng tauhan ng West, as far as i remember, Gavin ata ang pangalan nito. Tinignan ko sya sa mata pero di ako nagbitaw ng kahit anong emosyon. Nagkibit balikat lang ako habang nagbubuga ng usok sa sigarilyo.

"Bakit ba kasi kailangan pang pilitin na pagsamahin ang dalawang grupo na hindi naman compatible?" Natatawang tanong nito.

"Its compatible, pag inalis yung mga impostor." Maikling sagot ko saka umalis sa pwesto ko kanina.

Dumidilim na rin at wala pa rin sila Gin. Para akong sinusunog dito. 'Di hamak na mas demonyo samin mga tao dito, ang papangit pa.

Hindi pa man ako nakaka labas ng tuluyan sa basement ay may naramdaman akong malamig sa kaliwang sintido ko at hindi naman ako tanga para hindi malamang baril iyon. Tss kung minamalas ka nga naman.

"Sumama ka ng tahimik kung ayaw mong kumalat ang utak mo dito." Pananakot sakin ng lalaking kausap ko kanina, wala naman akong magagawa kaya nag patangay na lang ako sa mga lalaking nakahawak sa braso ko.

Malayo layo din mula sa basement ang nilakad namin. Nakarating kami sa loob ng mansyon. Pumasok sa isang kwarto at doon ko naabutan, sino paba??

"Ano nanamang kailangan mo Morgan? Pwede ba tumigil kana sa kabaliwan mo." Kalmadong sabi ko, im so sick of her bullshit. Ang hirap magkaroon ng ex na baliw pota.

"Sshhh, kung magsalita ka naman dyan Dilan, parang wala tayong pinagsamahan." Natatawang sagot nito.

"Get straight to the point, wala akong panahon makipaggaguhan sayo." Sabi ko, habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sakin ng mga tauhan nila.

"Ssshhhh."  Malanding sagot nito habang papalapit sakin.

Nang makalapit ay hinawakan nya ang mukha ko at saka ito hinaplos ng dahan dahan. "Bakit nyo pinatay si Mira?" Nakangiting tanong nito pero halatang itinatago nya lang ang galit nya. "Alam mo namang si Mira na lang ang nag iisang kadugo ko sa mundong 'to." Nakangising dugtong nito habang tumutulo ang luha.

Gusto kong matawa. Haha! What the fuck?

"I feel the same way nung kinidnap mo si Clara, bitch." Deretsong sabi ko. "Kung hindi ka ba naman gahaman Morgan. Nagkaroon kana ng pagkakataong maka kita ng magandang buhay when you took Gin for granted. Pero anong ginawa mo? Bumalik at nakigulo kapa ulit. Now, you have to face your consequences." Nakangiting dagdag ko.

Hindi sya kumibo at umismid lang din. Ibang klase din talaga kademonyohan ng isang to. "You know, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko." Mariing sabi nya na may hawakna din ngayon na kutsilyo.

"Maling babae ang sinaktan mo Morgan. Tumakas kana." Pagbabanta ko.

"Ooh. Im scared. HAHHAHAHAA" Mapang asar na sagot nito. "I can kill you now Dilan."

"Ang laki ng ipinag bago mo Morgan. You're not the lady i used to admire anymore." Seryosong saad ko habang deretsong nakatingin sa mga mata nya. Well, hindi naman ako natatakot mamatay. Wala naman na rin akong dahilan para mabuhay. I will quit mafia na rin naman, and dad, he can live without me.

"We're meant to change darling." Mapang akit na sabi nito.

"Bilisan mona, kung papatayin moko gawin mo na ngayon. Ang dami mo pang sinasabi." Tila nabigla naman sya sa mga sinabi ko, tss patayin na nya ko, uubusin din naman sila ni Gin mamaya.

"Not too fast Dilan. Magagamit pa kita mamaya."

What? Magagamit?

"Tama na 'yan. Itali nyo na yan at tiyak padating na rin ang mga Rockdale dito." Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi nila. Bakit parang...

Lumingon ako sa paligid ng kwarto at doon ko napagtantong CCTV room pala itong pinasukan ko. Nasa pader sa likod ko ang mga malalaking TV na nagpapakita ng mga kaganapan sa labas, simula sa labas ng mansyon hanggang sa pinaka dulu duluhang sulok nito.

What the fuck. Paanong?

"Oh Dilan nandito ka na pala, kamusta?" Napalingon ako sa nagsalita at hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses na 'yon.

Tangina

"HAHAHHAHAA GULAT KA NO?" Mala demonyong tawa nung Gavin.

"Traydor ka putangina mo!" Tangina, kung gano'n alam pala nila lahat ng plano ngayon. Yung pagsugod nila Gin dito at kaya rin pala alam nila ang pagkamatay ni Mira.  Tangina, hindi pwede 'to. Papalpak ang plano panigurado.

"Ops, baka sabihin mo pinilit namin 'to ah?" Ngising aso na sambit ni Morgan. "Hehe hindi naman masyado, medyo lang."

"Hahaha, nakaka pundi na kasi yang poder nyong mga Rockdale, tangina nyo. Kayo kayo lang ang magaling. Malulupit kayo diba? Edi solusyunan nyo 'to, saka 'yang Gin nyong walang puso." Parang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko. Coming from him?

"Ang kapal pala ng muka mo talaga, nagpakita kapa sakin. At anong walang puso? Tangina ka Quonad! Binihisan ka't pinakain ng Rockdale tapos tatraydorin mo? Ikaw ang walang puso!" Pinilit ko makawala sa pagkakatali sakin kahit alam kong imposible, hindi kami mag ka dugo ni Gin pero saksing buhay ako kung anong klaseng tao sya.

"Woah woah? Anong gagawin mo? Sasapakin moko? Bakit galit na galit ka? Gano'n ba kalaki ang bayad sayo ni Rockdale?" Nakangising tanong nito habang lumalapit sakin samantalang yung iba naman ay tila nanonood ng teleserye.

"Tangina ka, kahit yung mansyon ng Rockdale ipinag katiwala sayo, pa'no mo nagagawa 'to Quonad?! Kasama ka ni Clara when she was kidnapped. Nandun ka! Ikaw ang nagsalita sa mga kahayupan nyang mga kasama mo!" Nanggigigil na sigaw ko, puta wala nakong pakealam kung anong itsura ko ngayon, i just want to punch this stupid dumbass.

"Well wala naman na akong pakealam sa babaeng 'yon tapos na ang trabaho ko sa inyo. Mag iisang dekada na kong tagapaglingkod ng mga Rockdale tapos eto lang? Araw araw kong ibunubuwis ang buhay ko tapos pera lang ang ibibigay nila sakin. Masyado kayong makasarili." Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa punyetang to. If he needs business, women or bullshits he can ask Gin, hindi yung ganito- FUCK he's totally nonsense, tyak nasulsulan nato dito.

"You're brainwashed Quonad. Pagsisisihan mo 'tong ginawa mo."

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now