CHAPTER 49: Traitor

12.8K 249 14
                                    

"We can't leave Dilan." Yan ang huling sinabi ni boss. At kahit kami, wala rin naman kaming balak iwan si Dilan, sabay sabay kaming makakalabas dito.

"Boss, madaming bantay dito sa baba." Malinaw kaming nakapag papalitan ng usapan gamit yung mouthpiece na binigay ni boss kanina.  Mukang nandon na sa baba si Dabo at France.


"Kill silently." Utos ni boss sa kabilang linya.

Madilim ang paligid at para kaming nakikipag taguan kay kamatayan, marami rami din akong kasama, ang kailangan lang naming gawin ay hanapin ang mga camera sa paligid and block those bullshits. Luckily we have a device to detect that. Nakakarami na kami actually kanina palang sa pagpasok ang dami ng camera. Mukang alam talaga nila ang pagdating namin ngayon.


Bawat madaanan naming tauhan ng West ay sinisigurado kong hindi na makakagalaw pa. Maubos na sila kung kailangan.


"We better kill these motherfuckers first Walter." Bilin ni boss, nakikita ko sya sa tapat ko na may hawak ding baril, naka tago si boss sa gilid ng isang mataas na bookshelf. Naka patay ang ilaw ngayon sa mansyon pero nakikita namin ang mga lumilibot nilang tauhan. Papatayin din naman kami ng mga 'to kaya uunahan na namin sila.

Hindi ako makakapayag na mga kagaya lang nila ang papatay sa gwapong nilalang na kagaya ko.

"Copy Boss."  Sagot ko saka sinenyasan yung mga kasama ko.


Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang mahalagang tao dito. Puro utusan lang ata itong mga pinapalabas nila.


Hindi na ko nag dalawang isip na gilitan at paputukan ang mga dumadaan sa harap ko.


Nasa dulo ng mansyon ang CCTV room, alam ko dahil madalas kami dito nitong mga huling araw. Halata naman na nandoon din yung mga tao rito dahil yun lang ang maaaninagan mo ng ilaw sa ilalim ng pinto. Patay ang lahat ng ilaw sa mga kwarto. Sinubukan ko pumasok sa isa sa mga kwarto at wala naman akong nakitang kung ano man. Malinis.

Normal na kwarto, naupo muna ako at nagkarga ng bala. Mukang mahaba habang gabi 'to.


"Kuya, nandito kami sa second floor ng mansyon, malinis dito walang kahit isang tauhan, kahit yung mga kwarto wala ding laman." Mahina at kalmadong balita ni Macoy.

"Get the fuck down assholes." Pfft, grabe talaga 'tong si Bossing ang init ng ulo.

"Tulungan nyo nalang kami dito." Dagdag ko.


Macoy Jimenez


Tapos na naming libutin ang second floor at mukang nasa baba lahat ng tauhan ng West Mafia.


"Kuya, nandito kami sa second floor ng mansyon, malinis dito walang kahit isang tauhan, kahit yung mga kwarto wala ding laman." Bulong ko sa mouthpiece.

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now