CHAPTER 11: Punishment

19.6K 483 12
                                    

Hanggang sa makasakay sa sasakyan ay wala padin kaming kibuan ni Gin. Pagod nadin naman ako kaya tumahimik nako.

Nagbukas ang halimaw ng radyo which is a very brilliant idea as of now na walang may gustong mag salita samin.

"Wag kang maniwala jan, hindi ka nya mahal talaga aaah 🎶

Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta kalang sa kanya 🎶

Iiwanan kalang nyan, wag kang madala aahh dagdag ka lamang---"

Eh? Bat pinatay, siraulo talaga to! Tss pati ba naman sa music kj parin sya. Bigla ko tuloy namiss yung dalawa kong bestfriend, how i wish i can meet them soon. Ayoko na sa ganitong atmosphere, parang hindi ako tatagal. Gusto kona bumalis sa school, sa mga kaibigan ko, nung lightweight palang yung mga sitwasyon.

Hindi na lang ako sumabat dahil parang ang seryoso ni tanda.

Maggagabi na din, madilim na sa labas at dumadalang na ang mga nag lalakad, diko na namalayan yung oras. Sobrang pagod ng katawan ko, pati yung utak ko gusto munang magpahinga.

Sana bumagal nalang ang oras.

"H-hoy san tayo pupunta." tanong ko ng mapansin na iba ang dinadaanan namin.

Hindi nyako sinagot at tinuloy ang seryosong pag dadrive.

Tss mapapairap ka nalang talaga. I know naman, i cant fight with him. He's different. Hindi ko alam kung ano 'tong pinasok ko, well, kung ano 'tong pinaglagyan sakin ni Kuya. Sana bumalik na sa dati ang lahat, yung tipong si Jomar lang ang problema ko . I hate this. Hanggang kailan ba namin titiisin 'tong putanginang 'to.

-

Huminto kami sa isang malaking bahay pero mas malaki parin yung mansyon ni Gin. Maroon at itim ang theme ng labas ng bahay. Dalawang palapag ito at may dalawang sports car na nakaparada, isang yellow at isang black. Teka parang kilala ko tong mga sasakyan nato ah.

Bumaba na si Gin kaya ganon din ako. Dere deretso syang pumasok sa bahay kaya ganon din ako. Gaya gaya lang Clara. Hmm bahay nya din kaya to?

Maluwag ang bahay at maganda. Matic nayon---

"K-kuya?" Oh, si Macoy to ah.

"Boss Gin! Oh, Clara!" Kael??

"Boss!" Hajid???

"O-Oy?" tanging sagot ko. Bat nandito tong mga to, yeah sa kanila pala yung sasakyan, naalala kona.

"Bakit Kuya?" tanong ni Macoy na napatayo pa.

Mahahalata mong puno ng respeto ang mga gago. Ngayon ko lang sila nakitang ganito. Sabagay kahit sino naman ata takot kay Gin.

"Why? Am i not allowed here bastard?" sagot ni Gin na nakaupo na sa sala. Pero bakit nga ba kami nandito? Mukang nadinig ng anghel ang dalangin ko at ibinalik ako sa mga kaklase ko.

"Hindi sa ganon." mabilis na sagot ni Macoy

Hindi ko maiwasang maipagkumpara ang mga itsura nila at for the nth time, di talaga sila magkamuka. Ewan? Magkapatid ba talaga sila? Mukang mabait tong si Macoy at mejo jolly ang datingan di tulad nung halimaw nayon na pag nakita ng bata e baka maiyak.

Sa pagpasok ng bahay ay kitchen ang unang makikita. Sosyal ang kitchen may 40 inches flatscreen tv at kakaiba ang desenyo, dito nakatambay sila Kael ngayon habang nag fofoodtrip at meron ding display na mga alak,  sunod sa kitchen ay ang sala kung saan nandon na si Gin at naninigarilyo.

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now