CHAPTER 34: Disaster

15.9K 298 24
                                    

"Quonad may problema ba?" kinakabahang tanong ko. Kanina ko pa sya napapansing tumitingin sa rearview mirror pero tanging yung dalawang motor parin  ang kasunod namin, madalang na din kasi ang sasakyan dahil pahapon na at medyo nagsisimula nading umambon.

Tumingin naman ako sa dadaanan namin at medyo hindi ko na makita kasi biglaan yung buhos ng ulan. Galit na galit naman yung ulan, sobrang lakas e.

"W-wala naman Clara, tuloy mo lang yang ginagawa mo." sabi ni Quonad habang nakangiti ng plastic.

Bakit parang hindi maganda ang kutob ko. Pinilit kong balewalain yung mga nararamdaman ko pero alam kong kinakabahan ako to the max for real.

Bakit ba kase!? Tumingin ako sa paligid ng sasakyan at wala na talaga akong makita ng maayos dahil tuluyan ng bumuhos ang ulan with matching kulog kulog pa.

Ano to? Horror!?

Asan ka ba kasi Gin!? huhuhu ayoko ng ganito. Kinakabahan ako.

"Tawagan mo si Gin." seryosong sabi ni Quonad sabay abot ng phone nya. 

After kong ma idial ay humarap ako kay Quonad. "A-anong sasabihin ko?" sa sobrang kaba e diko na alam ang sasabihin ko kay Tanda kahit parang kanina lang ang dami kong ikukwento.

The subscriber's cannot be reach please try again later.

WAAAAAAAAAAHHHHHHH

BAKIT NGAYON PA!?

Tumingin ako sa likod at napahinga ng maluwag ng makitang wala ng sumusunod sa sasakyan namin. Phew. Nagkataon lang naman siguro yon hays.

"CLARA YUMUKO KA!" sigaw ni Quonad, dahil sa pagkabigla ay natulala nalang ako.

N-Nasa harap na namin ngayon yung dalawang motor na nakasunod samin kanina!

Mabilis kong inadjust ang upuan paatras para makayuko ako. Nakita ko namang nag baba ng bintana si Quonad hawak hawak ang isang hand gun sa kaliwang kamay at nagdadrive gamit ang kanan. Waah anong nangyayare!?

"WAG KANG TATAYO! Jan kalang!" sigaw ni Quonad kaya napatango nalang ako.

"Shit!" sunod sunod ang naririnig kong putukan at diko alam kung ano bang gagawin ko naiiyak nako pero ang korny naman kung iiyak ako ngayon. Ayoko maging pabigat kay Quonad.

Kanina pako nakakalog dito dahil bukod sa hindi ayos ang pagkakaupo ko e napakabilis ng patakbo ni Quonad. Nagsisimula ng kumirot ang tiyan ko-- "QUONAD" sigaw ko dahil masyadong malakas ang ulan tangina.

Hindi ako pinansin ni Quonad at tuloy lang sya sa pag baril. Sumasakit na yung tiyan ko dahil para na syang bola na patalbog talbog dito. Urrgghh hindi ko sila mapapatawad pag dinugo ako dito punyeta sila.

Maya maya pa e huminto ang  sasakyan. "Tatayo na ba ako Quonad?" tanong ko at akmang tatayo na ng biglang humarap sa akin si Quonad at dun ko lang napansin na duguan pala ang muka nya at ang kaliwang braso ay may tama ng bala. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Q-Quonad okay kalang ba!? Dadalin kita sa ospital wag kang pipikit" tumayo ako sa pagkakaupo at derederetso na ang pagpatak ng luha ko, sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko napansin na basag basag na pala ang harapang salamin ng sasakyan, puro bubog na pati sa damit at katawan ni Quonad.

"Quonaaaaaddd please!"  hinawakan ni Quonad ang kamay ko. "O-Okay lang ako Ca-Clara" kasabay ng pagbanggit sa pangalan ko ay lumabas ang dugo sa bibig nya at hindi ko napigil ang pag ngawa ko ng masaksihan ko si Quonad sa kalagayan na 'to. Kahit sandaling panahon kami nag kasama ay alam kong mabait si Quonad. Kaya please kapit lang.

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now