CHAPTER 36: The Mafia

15.2K 316 9
                                    

Maria Clara

Ang ganda ng mga bituin, tanging mga kislap ng tala ang nakikita ko sa kinakalawang na bintana ng maliit  at madilim na kwarto. Nakikita ko pero hindi ko maabot.

Walang emosyon ang lumalabas sa aking matang patuloy ang pagdaloy ng mga luha kanina pa.

Ang sakit.

Ang sakit pisikal at emosyonal.

Hinihintay ko nalang na patayin nila ko--

HINDI! Hindi pwede! Kailangan pang mabuhay ng anak ko. Makawala lang ako dito sinisiguro kong maghihiganti ako sa mga demonyong iyon.

Di ako magdadrama, at hindi ko dapat sayangin ang luha ko sa mga punyetang nilalang.

Kahit anong gawin kong pagpapatahan sa sarili ay walang nangyayari. Muling umagos ang luha sa mga mata ko. Wala akong magawa. Mas lalo lang akong nanghihina.

G-gin nasan kana? Mukha mo lang ang gusto kong makita ngayon. Mahal na mahal kita Gin, lalaban ako para sayo.

Muli akong pumikit, umaasang panaginip lang ang lahat ng ito.

K-kuya?

K-kuya Carison nasan na kayo? Diba baby moko? Puntahan mo ako dito kuya.



Gusto ko ng patayin ang sarili ko pero tuwing naiisip kong may batang maisisilang mula sakin, nagkakaroon ako ng lakas ng loob para mabuhay.


Sinubukan kong gumalaw pero konting tayo palamang ay ramdam kona ang hapdi at sakit sa buong katawan ko. Hinog ang mga pasa na natanggap ko mula sa mga suntok sipa at sabunot. Ipinikit ko ang mata ko.

Diyos ko, kayo napong bahala sakin.

Sa muling pagdilat ng mata ay may alaalang pumasok sa aking isipan.

Flasback

"Hoy babae! Tumigil ka sa pag iyak at naiirita ako sa boses mo!" sigaw ni Morgan sa mismong tenga ko.

Aray

Nandito parin ako sa bodega na pinagdalhan nila sakin. Ang lugar kung saan ako nakaranas ng pambababoy nila sakin.

Nakatali ang kapwa kamay at paa ko kaya wala akong laban sa mga to.

Tinignan ko sya ng masama at hindi ko mapigil ang gigil at galit sa aking puso. Mga walang kwentang nilalang!

"May gusto lang akong sabihin sayo bitch mukha kasing hindi mo alam." natatawang paliwanag niya

"Sayo nga wala akong pakealam e, sa sasabihin mo pa kaya?" nakangising sabi ko na naging dahilan ng pag kainis nya.

"Punyeta ka talaga!" *PAAAAK* tangina Clara wag ka na ngalang magsalita.

Hayop yan wala akong laban. Wala akong panalo sa mga duwag nato. Hintayin nyo lang dumating ang asawa ko.

"Siguro naman pamilyar ka sa salitang Mafia?" tugon ni Morgan

Mafia? Anong gagawin ko don? Siguro kasapi sya ng mafia.


Hindi malabo.

Sama ng ugali e.


Ewan pero parang wala nakong kinatatakutan, pamatay na yung dinanas ko e. Tatanggapin ko nalang mga mangyayari sa buhay ko. Patayin nila ko edi patay, kung bubuhayin nila ako edi ayos. That's life diko kailangang mag makaawa sa mga taong walang puso. Sayang ang laway. Sayang ang malinis na dignidad. 

Hindi nako sumagot sa tanong nya kaya nag salita ulit ang puta.

"Ang mafia ay samahan ng mga kinatatakutang kriminal at mamamatay tao." maikling paliwanag nito. Ginagawa akong bobo. Tss malamang alam koyon.

"Oh? Share mo lang?" walang ganang sagot ko.

"Hahahaha. Sige mamilosopo ka lang at malapit kana din namang mamatay."

Sabay tayong mamamatay bitch.

"Ohh. Alam moba na kasapi ang asawa mo, oops, asawa 'ko' rather sa mafia?" mapang asar na tanong nito.

Pinilit kong hindi mag labas ng kahit anong reaction sa muka ko dahil alam kong matutuwa sya ron. P-pero, si Gin? Kasali sa mafia? Imposible.

Diko sya pinansin at pumikit nalang pero *PAAAK*

"Si Giovanni ang pinuno ng rockdale mafia na naipasa na kay Gin. Sigurado akong wala kang alam don dahil tatanga tanga ka. Naging kanang kamay ako ng magiging asawa ko sa mafia noon. Alam mona? Patay na patay sakin si Gin." si Gin ay lider ng mafia? Diko na pinansin yung iba pa nyang mga sinasabi dahil wala namang kwenta

Tangina diko alam kung dapat ko pa bang isipin yon o huwag na lang.

P-pero teka. Ibig bang sabihin masama sya? Masama sila? Masama si Nixon, si Dave, si France at si K-Kuya?

Hindi.

Hindi.

Hindi sila masama.

Pero nakapatay na si Gin, at yung mga baril, hindi ba business lang yun? Yung pag atake sa building? Dahil ba yun sa mafia na kinabibilangan nila?


Sige sabihin na nating miyembro sila ng mafia, pero wala naman silang ginawang masama sakin, sila nga ang nagpoprotekta sakin e. And i have to deal with it. Kung mafia si Kuya, that means na nasa lahi namin ito at magiging isa rin ako. Handa akong umanib sa grupo kung papayagan ako ni Kuya Dilan.

Hindi naman ako masyadong nagulat sa impormasyon ni Morgan dahil oonga, hindi malabong kaanib sila ng Mafia dahil madalas kong makitang may baril sila, the briefcase, the certifications and titles. Yung galing nila sa pakikipaglaban.

At kung iniisip ng malanding to na maaapektuhan ako dahil hindi ito sinabi sakin nila Kuya pwes nagkakamali sya.

Kung ipinamana ang mafia kay Gin? Well, parte din ng Mafia ang mga magulan namin na nagkasundo sa kasal na to, at alam kong alam nila ang mga ginagawa nila.

Mahal ako ng kapatid at asawa ko.

Naniniwala akong ginawa lang nila yon para protektahan ako.

Ito ang dapat at tama kong isipin sa panahong ito. Walang mangyayari kung sisisihin ko sila. Tangina pero ang sakit na. Ang sakit sakit na at ang bigat bigat na sa dibdib. Punyeta.

Mafia...










End of Flashback

Ngayon, isa lang ang nasa isipan ko.

Kailangan kong mabuhay. Kailangan kong malaman ang tungkol sa pamilya namin ni Gin, marami pa kong dapat malaman at alam kong magtatagal pako sa mundong 'to.

Someone's POV

"Hindi siya pwedeng mamatay. Gagawa tayo ng paraan."

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now