CHAPTER 48: Bombed

12.5K 223 2
                                    

© Continuation

Walang umiimik samin. Tahimik kaming nakatingin lahat sa CCTV room. Iniintay ang pagdating ng sasakyan nila.. Tangina. We're fucked up.


"Bakersfield." Tawag ni Morgan kay Gavin na mabilis namang nilapitan nung isa, mga inutil. Halata namang baliw na baliw sya kay Morgan kaya sunud sunuran sya rito.

Parang biglang nagflashback ang sitwasyon namin ni Gin with Morgan noon. Fuck. Ang mahalaga tapos na 'yun. Bakit ba ang daming napapaikot ng pvta na 'yan. Kung noon patay na patay ako sa kanya, ngayon, I want her dead.


"Papapuntahin paba natin sila sa loob? Or pasabugan nalang natin yung sasakyan nila sa labas para hindi magasgasan ang mansyon?" TF. Papatayin ba nila kaming lahat. Tangina kailangan may makaalam ng plano na 'to.


Paano ko ba masasabi kila Gin 'to. Fvck, if we could just get some help from Clara's father.


Nanlumo nalang ako sa sitwasyon ko.

Alam kong wala akong magagawa ngayon tinanggal nila sa pantalon ko ang baril na dala ko at mahigpit akong nakatali ngayon.  Ilang ikot sa katawan ko ang makakapal at magaspang na tali. Pati paa ko, ginawa akong uod.


"Ikaw? Ano bang gusto mo. Pwede naman pasabugan sila agad. Or pwede ring papasukin muna natin para exciting." Sagot ni tanga.

"O sige papasukin muna natin. Kunwari wala tayong alam, then pasabog na agad hihi." Nakuha mo pang bumungisngis demonyo ka.


"Uyy, someone's anxious. Kinakabahan ka na ba Dilan? Don't worry lahat naman kayo mamamatay, except Gin of course, I need him." Mapangasar na daldal nito.


"HAHHAHAHAHA, Kung papatayin natin ang mga pupunta dito ngayon, e mas lalong kailangan na nating patayin yung asawa ni Rockdale." Dagdag nung isa pang tauhan.


"Tama ka naman dyan Ace, where's Quonad?" Tanong ni Morgan na ngayon ay lumilinga at hinahanap si Quonad.


"Baka nasa labas na, sya ang inutusan kong mag pasabog ng sasakyan ng mga Rockdale pagkababa nila." Sagot ni Gavin.

"Ask him kung nasaan yung asawa ni Gin at si Carison. We must kill her smoothly, oh let's kill Carison too." Kalmadong utos ni Morgan habang pinag lalaruan ang baso ng wine.

Kita kita nalang sa impyerno mga ulol.



France Holdman

Malapit na kaming makarating sa Wilco Mansyon kahit ang bagal mag drive ni Dabo. Chill ang buong gang, malinis ang plano, patayin si Morgan at pasabugin ang buong building. Mausok sa sasakyan dahil sa e-cigarette ni Dabo.

I Married The Big Boss Where stories live. Discover now