Chapter 7

885 19 3
                                    

Corin's POV

Napatingin ako kay Maine nung bigla syang humikab ng pagkahaba haba. Sobrang inaantok pa siya.

Ang aga naman kasi naming nagising. 2am pa lang gising na kami.

Nasa bus na kaming apat. Ako, si Maine, si Louise at Marvic. May ilang members pa kami na hinihintay.

Tumuntong sa may upuan nito si Marvic at tumingin sa pwesto namin. Nasa unahan kasi namin sila.

"Oi, Maine, palit na tayo ng upuan. Bilis na." nakapout na wika ni Marvic.

Napatingin ako sa kaniya.

"Ang kulit mo talaga? Kanina ka pa." naiiritang ani Maine.

Kanina pa nga nangungulit si Marvic na magpalit sila ni Maine ng upuan. Gusto daw niya kong katabi e. Bakit kaya?

"Sige na?" pinagdikit pa niya yung mga palad niya na parang nananalangin. "Please."

Tumingin din sa min si Louise na katabi ni Marvic.

"Bakit kasi ayaw mo kong katabi? Ang arte mo hah!" naiiritang ani Louise.

"Matutulog kasi ako." sabi ni Marvic.

"Ahh... humihilik ka siguro sa pagtulog noh?" Humagikgik si Louise.

"Hindi noh!" umingos si Marvic.

Ngumiti na lang ako. "Sige. Palit na lang tayo ng upuan, Louise."

"Aisht! Ano ba yan? Pinagbibigyan mo na naman yang kumag na yan." napapiksi si Maine.

Natawa na lang ako. Si Marvic naman ay di na pinansin yung sinabi ni Maine. Natutuwang pumalakpak pa siya.

"Aisht! Parang bata." ismid ni Louise.

"Ang saya mo hah?"

Gulat kaming napatingin sa nagsalita.

Pati yung iilang ka-clubmate namin ay nagulat nung makita kung sino yung mga naroroon.

Sina Justin, Jonas at Simon.

"Omo! Ba't nandito kayo?" gulat na bulalas ni Louise.

"Dito kami sasabay, e." nakangiting sagot ni Justin.

Binalingan ni Simon si Maine. "Pwede ba ako na lang yung tumabi kay Corin?"

"Hah?" nagulat si Maine. "E, panu naman ako? Saan na ko uupo niyan?"

Bigla siyang hinawakan ni Justin sa kamay at hinila patayo. Hinila niya si Maine sa kabilang side ng bus. Katapat lang namin. Pandalawahang upuan din kasi yun. Doon sila naupo.

"Tabi muna tayo. Wala pa naman si Kiel e." nagkangising ani Justin.

Naupo naman sa tabi ko si Simon.

"Ay! anu ba yan? Nauna naman ako hah!" napapiksi si Marvic tapos umayos na ng upo. Nakahalukipkip.

Ako naman ay napatingin na lang kay Simon.

Nagpalit ng upuan sina Marvic at Louise. Bale, si Marvic na yung nasa tabi ng bintana. Si Jonas naman ay naupo sa side nina Maine katapat ng upuan nina Louise.

"Bakit nandito kayo? Hindi kayo hinatid nung van niyo? yung manager nyo?" nagtatakang tanong ni Louise.

"Gusto kasi ng dalawa na yan na dito sumabay e.  Nauna ng umalis sina Matt at Errol dala na nila yung mga gamit namin." sagot ni Jonas.

My Love is Rain! [ML 3]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang