Chapter 25

554 15 6
                                    

Dedicated to my no. fan. @zhupladita47

Haha.. joke!

Dahil ikaw ang matiyagang nagbasa ng story ko kaya i-extend ko pa ang story. Ahaha... pero may kapalit kung gusto mo pang makita si Simon! joke joke joke!!

Read lang. Salamat. Lovelove you Best!! Wohoh!!! (sabog ng confetti kulay pink!! Red pala)

.

.

.

.

.

.

.

.

Louise's POV

Last day.

Galit na galit si Kiel habang nasa loob kami ng base.

Napapailing ako.

Any moment ay mag-start na yung Graduation Ball nila sa may Gym ng STA. Marami na akong nakitang nagsidatingan na mga estudyante at bisita.

Pero narito ako ngayon sa base, date ako ngayon ni Kiel e. Kasama namin sina Aiden at Simon. Yung iba nilang kaband ay nasa venue na at nagpiprepare.

No mentioning of name ah. Nasa move-on stage po ako.

Napahinga uli ako ng malalim.

Nasisira ang magandang ayos ni Kiel dahil sa galit niya ngayon. Paano, hanggang ngayon ay wala pa rin sina Maine, Corin at Tito Sam.

Hindi pa rin kasi sila bumabalik sa shop. Wala din sila sa province nila ng puntahan namin last week. May mahigit tatlong linggo na silang nawawala.

"Kalma lang Kiel. This is supposed to be your party. Masyadong mainit ang ulo mo." pilit na pagpapakalma ni Aiden sa magbigat na atmosphere sa paligid.

Pero kahit ako... takot ako sa ganitong side ni Kiel. Uncontrollable siya kapag ganitong mainit ang ulo.

Pabagsak na naupo sa pang-isahan na couch si Kiel. Napahilamos sa sariling mga palad.

Haggard na siya. Very frustrated. Hindi siya mapalagay at ilang araw ng nahahahanap kung saan saan para makita si Maine. He was useless kapag ganito. Wala siyang ibang iniisip kundi si Maine.

Nagulat ako nang biglang bumalibag pabukas yung pinto ng base. Pumasok una si Rome tapos sina Marvic at Justin na nakatulak sa nauna.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Marvic? Anong--?"

"Ano bang kailangan niyo?" naiirita ang mukha ni Marvic. Mukhang pinilit siya na papuntahin dito e.

"Sina Maine? Nasaan na sila?" kalmadong wika ni Simon pero nakikita ko ang tinitimpi niyang galit sa mga mata.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Ilang beses ko bang sasabihin na---"

Hindi na natapos ni Marvic ang sasabihin niya dahil bigla na lang dumapo ang kamao ni Kiel sa kanan niyang panga.

Napaatras si Marvic at muntik ng ma-out of balance.

Napatili ako at mabilis na tumakbo palapit kay Marvic.

"Marvic? Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong habang sinisipat ang mukha niya. Mabilis na nagdugo ang labi niya. Galit akong bumaling kay Kiel. "WHAT THE HELL KIEL?! Pwede bang pakalmahin mo muna ang sarili mo?!"

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now