Chapter 39

637 11 1
                                    

Maliit na bagay

[Corin's POV]

Napahinga ako nang malalim.

Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Palagi na lang.

Hindi ko naman sinasadya. Pero hindi ko rin naman maiwasan na hindi makita iyon. Well, sa umpisa siguro wala akong kabalak balak na manuod pero ginawa ko pa rin.

Nakita ko lang naman yung napaka-sweet moment nina Maine at Kiel sa may tapat ng hotel kanina. Sabi ko nga hindi ko sadya pero i intend to watch.

Mukhang nagkabalikan na sila.

As expected. Hindi naman kasi obviuos na gusto pa nila ang isa't isa si ba?

Dati, okay lang sa akin. I mean, okay lang na makita ko sila na sweet. Okay lang na makita silang masaya. Okay lang sa akin ang relasyon nila.

That was then.

Natawa ako sa sarili ko.

Dapat ay masaya ako para sa kanila. Pero opposite ang nararamdaman ko. Sobrang nalulungkot ako at sobrang nasasaktan.

Bakit?

Hindi naman obvious di ba?

I'm jealous and insecure.

No. Hindi dahil gusto ko si Kiel o may romantic feeling ako sa isa sa kanila. Hindi naman kailangan yun para magselos ka sa isang tao. Maraming bagay pang pwedeng ikaselos sa isang tao.

At sobrang nagseselos ako kay Maine.

I hate the feeling but totoo.

I'm jealous of her.

She has everything.

She's happy.

She's contented.

At ngayon...

Blooming pa lovelife?!!

Ang saya saya lang di ba?

Ang daya talaga ni Life. Lahat na lang nang magagandang bagay ay nasa kanya tapos ako naman malungkot at gloomy.

Haist! I swear. I never wanted to feel this pero hindi ko mapigilan. Alam ko na kasalanan ito. Kasalanan ang mainggit. One of the deadly sin nga yun e. Pero... ano pang magagawa ko? I couldn't lie to myself. Ano? Pilitin ko ang sarili ko na maging masaya para sa kanila when actually ay hindi naman. Turuan pa akong maging plastic ganun?!

Kaya nga eto ako ngayon. Sungit sungitan ang peg. Okay lang na magalit silang lahat sa akin. Pakeelam ko ba. Kanya kanya na toh ng buhay!!

Huminga ako ng malalim.

Tumingin ako kay Manong nang makita kong natapos na niyang ikabit yung ilaw sa may room na kinaroroonan ko. Nagpaalam na siya at ako na lang ang naiwan.

Natapos na ang redecoration ng buong villa. Ito yung isa sa exclusive amenities ng resort. Dito nag-stay ang mga VIP's kapag bumibisita sila katulad nina Don Marteo at Sir Luis, yung daddy ni Maine. Naalala ko na dito din kami nag-stay ng ilang ulit nina Maine during training camp five years ago.

It was fun memories.

Huminga ako.

Pinagtuunan ko ng pansin itong ginagawa kong flower arrangement sa harap. Last na ito. Kasama sa natutunan ko ang flower arrangement at nakaka-enjoy ito promise.

Napalingon ako at nahinto sa ginagawa ko nang marinig kong may pumasok sa pinto. Nalingunan ko si Simon.

Tahimik siyang humakbang palapit sa pwesto ko at huminto.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now