Chapter 37

585 13 2
                                    

Hindi maintindihan

[Maine's POV]

Earlier.

Pin-pat ako ng malakas ni Kuya Marcus nang papalabas na kami ng conference room.

Napangiwi ako super!

"GOOD JOB!!" aniya with his devil smirk.

"OUCH!!" react ko tapos ay sinapak siya sa balikat. Lalo akong napangiwi dahil ako lang yung nasaktan.

Tigas ng muscles. Shetey!

Tinawanan niya ko. "You did good job back there."

Tinutukoy niya yung presentation ko kanina tungkol sa resort. Present lang naman dun ang mga board of trustee ng kumpanya. Including syempre si Lolo Marteo. Tapos si Daddy at si Kuya Marcus.

Pressure kaya sila sa akin. Pero keri lang. May back-up ako. Si Kiel.

Haha...

They were so fond of Kiel. Nakakainis.

Pero hinayaan naman ako ni Kiel na magpaliwanag nang solo sa presentation.

That Monster Kiel!!

Bansag namin sa kanya ni Henry yun.

Wala lang. Trip lang namin ni Henry. Bakit? May kontra? Basagan ng trip ba? Wag ganun.

Hehe...

Pwede din Coo-Kiel Monster. Hehe... trip mode.

Ang dami kong kaba dahil hinayaan niya talaga akong magpresent sa harap ng lahat kanina including dun sa mga prospect investors namin.

Pressure on me!!

Asking where Henry is?

May emergency iyon sa girlfriend niya. At ang emergency... makikipag-break. Front niya lang yung business.

tsk!

Ewan!

Naramdaman ko na inakbayan ako ni Kuya Marcus. "Mukhang tinuturuan ka ng mahusay ng trainor mo hah. Ayos ba?"

Napatingin ako kay Kiel na nasa tabi lang ni Kuya Marcus. Sinulyapan lang ako tapos dedma.

Sarcastic kong nginitian si Kuya Marcus. "Hehe... Oo dami ko na ngang alam."

Tinawanan niya ako at inalis na yung nakaakbay niyang braso sa balikat ko.

"Sina Kuya Andrew, wala pa?" nagtataka kong tanong.

"Mamaya pa ang dating nila. Busy yung mga iyon sa event sa isla."

"Bakit ganun? Masyado naman nilang binibigyan ng pansin yung event na iyon. Ano bang meron?" Pinagkunot ko ang noo ko.

Nangiti lang siya. "Malalaman mo rin."

"Si Ate Marielle naroon din di ba?"

Tumango siya."Umm."

"E, bakit ikaw, nandito ka lang? Akala ko ba kasama ka sa team ko hah!?" napahalukikip ako.

"May pinapagawa pa si Lolo sa kin dito. Saka kaya mo na yun."

Napaismid ako. "Hus!"

Natigilan kami.

Nakita namin na papalabas na paparating sina Lolo Marteo kasama yung ilan sa board of trustee ng kumpanya.

Tumayo kami sa gilid para bigyan daan sila. Pero huminto muna sila sa tapat namin.

"Marcus, mabuti at narito pa kayo. Sumama na kayo na mag-lunch sa amin." Nakangiting wika ni Lolo.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now